Kabanata 17

3.1K 117 8
                                    


Kakalabas ko lang ng banyo habang suot-suot ang puting roba at ang tuwalya naman na nakabalot sa buhok ko. Sinadya kong gumising nang maaga para makapaghanda sa lunch meeting mamaya, may mga kailangan pa kasi akong basahin at i-review sa mga sinend na proposal ng dalawang kompanya na Winecor International at Wine estate Company.


Sarado pa ang kwarto at nang pumasok ako sa loob ay malalim pa ang tulog ni Señorito Primo. Isang kwarto lang ang nandito sa inuukupa naming hotel room pero may magkahiwalay naman na dalawang kama. Malawak ang kwarto dahil may mini sala at veranda na tanaw ang nagtataasang mga gusali sa labas.

Dahan-dahan ang naging pagbukas ko sa maleta ko para hindi makagawa nang anumang ingay dahil baka magising ang mahimbing na natutulog na Señorito. May pangloob na ako na natatakpan ng roba kaya pinapatuyo ko muna ang basa kong buhok habang nakaupo sa dulo ng kamang hinigaan ko patalikod sa natutulog na si Señorito Primo.

Saglit akong lumingon sa tulog na si Señorito Primo at medyo nakatagilid naman ito kaya hinubad ko na ang suot kong roba para isuot ang patchwork blouse na black and white ang hati ng kulay. Tumayo ako at isinuot ko naman ang fitted black pants bago ko isinuksok sa loob ang dulo ng patchwork blouse ko para lumabas ang dark chocolate belt na suot ko 'saka ko isinuot ang pares na sandals, ginaya ko ang suot ko sa nakita ko sa internet at nagmukha naman akong disente tingnan.

Humarap ako sa kama para pulutin ang roba pero nagulat ako dahil ang kaninang nakatagilid na si Señorito Primo ay nakaharap na ngayon habang nakatingin sa akin nang diretso.

"S-señorito Primo." Usal ko.

"What time is it?" Aniya habang nakayakap sa mahabang unan.

"M-maaga pa naman, alas otso pa lang." Sagot ko at tumango lang ito habang nakatingin sa 'kin kaya medyo nag-alangan ako dahil hindi pa ako nagsusuklay.
Pero ang mas iniisip ko ngayon ay kung nakita niya ba ako kanina na naka-undies at bra lang?

Tumunog ang doorbell kaya lumabas ako ng kwarto para pagbuksan ang room attendant na tulak-tukak ang mesang may mga pagkain sa ibabaw.

"May I come in, ma'am?" Nakangiti akong tumango sa babae at nilawakan pa lalo ang pagkakabukas ng pinto para makapasok ito sa loob. Nag-order ako kanina para sa agahan namin na ibinilin sa akin kagabi ng Señorito bago kami matulog.

"Thank you." Pasalamat ko sa Room attendant pagkatapos nitong ilagay sa ang mga inorder kong pagkain para sa agahan. Palabas na sana ang Room attendant pero natigilan ito dahil lumabas mula sa kwarto si Señorito Primo na nakaitim na short lang.

"Good morning Sir." Nangunot ang noo ko dahil bukod sa tuminis ang boses ng Room attendant ay malagkit din ang titig nito kay Señorito Primo.

Hindi man lang nag-react ang Señorito na diretsong pumasok sa banyo. Kaya para naman akong timang na nangiti dahil sa pagkapahiya ng room attendant na nagmamadaling lumabas.
Pagkatapos naming magagahan 'saka naligo si Señorito Primo habang ako naman ay abala sa pagbabasa ng proposal sa laptop dito sa mini salas sa kwarto.

Saglit akong tumigil dahil sa pagpasok ni Señorito Primo na kakatapos lang maligo habang nakapulupot sa kaniyang baywang ang puting tuwalya habang wala itong pang-itaas. Pinilit kong ibalik ang aking mga mata sa laptop pero sadyang hinihigop ang mga mata ko nang bagay na umuusbong sa ibabang parte ng katawan ni Señorito Primo.

IL Mio Dolce Amante (My Sweet Lover) [COMPLETED/UNDER REVISION]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن