Chapter 25: Compulsion

Magsimula sa umpisa
                                    

“What are you doing here?” I asked. I hate her. At ayokong makita siya. She always ruins things.

She shrugged and looked at her hand, then turns her gaze at me. “Come on. It’s just a hand shake.” Her eyes are looking at me, directly like it’s commanding me to do something and so I did. I absentmindedly accepted her hand na mas ikinalapad ng ngiti niya. Nagulat ako nang gawin ko ‘yun pero huli na para bawiin ang kamay ko dahil hawak na niya iyon ng mahigpit.

I almost cried out in pain because of heat. I feel like my hand is on fire and yes, it’s literally on fire.

Tatangkain niya bang sunugin ang kamay ko?!

“Aahhh! S-stop i-it!” Hiyaw ko. Pulang pula na ang kamay ko samantalang parang tuwang-tuwa pa siya sa ginagawa niya. I really hate her!

“I was impressed on how you can easily alleviate my fire, like it’s really nothing for you.” sabi niya at saka ako binitawan ng marahas kaya napaupo ako sa sahig. Napatingin ako sa kamay ko at halos makita ko na yata ang laman dito dahil sa ginawa niya. “So now, why don’t you just feel its effect even just for a moment?” She smirked.

“Beast! You and you’re family! You’re all demons!” Galit na sabi ko. Ramdam ko na ang unti-unting pagkawala ng sakit ng kamay ko. Nakakainis! Gaganti ako!

Mas lalo lang siyang ngumiti nang dahil sa sinabi ko. “So marami ka na palang alam.” Sabi niya habang tumatango tango pa. Ano bang gusto niyang palabasin?

Bigla siyang lumuhod sa harap ko na ikinagulat ko at saka inilevel ang mukha niya sa mukha ko. Itinago ko sa likod ko ang kamay kong muntik na niyang sunugin kanina at naghanap ng pwedeng maipanlaban sa kanya pero wala akong makuhang kahit anong bagay. Buti nalang, gumaling kaagad yung sugat na ginawa niya.

“Tell me, hanggang saan ang alam mo?” tinitigan niya na naman ulit ako sa mata katulad ng ginawa niya kanina nang kunin niya ang kamay ko. Hindi ko alam kung bakit pero kapag ginagawa niya yun, pakiramdam ko, hindi ko na maialis ang tingin ko sa mata niya. Na parang minamagnet nito ang mga mata ko. At sa ilang sandali lang, gagawin ko agad ang pinag-uutos niya. Hinihypnotize niya ba ako?

If that’s what she is doing then I need to think of a way para hindi niya makuha ang gusto niyo mula sa’kin. And if she’s controlling me through her eyes, then I have to cut the contact. Pero gustuhin ko mang pumikit ay hindi ko talaga magawa. I’ve tried to resist it but I just really can’t.

Bumuka ang bibig ko kaya ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para kagatin yung lower lip ko. Nalalasahan ko na rin yung dugo na lumalabas mula dito pati na rin ang sakit na nanggagaling dito.

The Heiress (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon