Chapter 22: Heiress Zeira

70.4K 1.5K 54
                                    

Chapter 22: Heiress Zeira

*MONDAY*

The whole day went not so well. It's monday pero napaka-unproductive ko. Ang nakakainis pa doon, masyado ata akong namiss ni Roanna dahil kanina pa siya gumagawa ng mga bagay para mas lalo akong mainis. Hindi nalang ako nagpapaapekto sa kanya dahil sigurado namang mas ikakatuwa niya 'yon. At mas marami namang bagay na mas importanteng problemahin kesa sa kanya.

"Zeira." I looked up just to see Nijel's smiling face. I smiled back. Nandito ako sa library dahil may tinatapos akong homework sa English class namin. Kahit naman next week pa 'to ipapasa, ginawa ko na para hindi na ako matambakan ng gawain. Eksaktong two weeks nalang kasi at sem-ender party na.

"Nij. What are you doing here?" I asked while watching him sits on the chair in front of me. He looks so happy dahil abot sa mata ang ngiti niya. I wonder why.

"We have the same reason. Ayoko ring matambakan ng mga gagawin."

I chuckled. "Stressful, isn't it?"

I saw him nod but he didn't answer. Napatingin lang ako sa kanya nang makitang nakatingin lang siya sa'kin. "Why?" I asked, curiously. Gwapo sana ang isang 'to, kaso minsan talaga ang weird rin niya. Napakamysterious rin kasi ng ni Nijel kaya madalas hindi ko alam kung ano bang iniisip niya.

"Hahaha. Wala. You were just so stressed this past few weeks kaya hindi na kita nakikitang ngumingiti. It feels good to see you chuckle," he explained.

Napailing ako at napaisip. "Ganoon ba ako ka-stressed na hindi mo na ako nakikitang ngumingiti?" I asked more likely to myself.

"Oo. Hahaha," natawa na rin ako. Sino ba namang hindi? Pati tuloy sa sarili ko, nawi-weirduhan na ako. Geez.

"O-Ouch!" Natigil ako sa pagtawa nang makaramdam ako ng hapdi sa kanang braso ko. Ito yung brasong muntik nang durugin ng wolf na 'yon. Pero gaya ng nangyari dati sa sugat ko dahil sa kagagawan ni Roanna, wala na rin iyon. Argh.

Then, in just a snap, the book I was reading is now on fire. Just what the heaven happens?

"Ano'ng nangyari?!" Natataranta nang tumayo si Nijel mula sa kinauupuan niya at mabilis akong hinila palayo sa apoy na unti-unting lumalaki, pero hindi naman nasusunog yung table na pinaglalagyan ng libro na yon. Wala nang ibang tao dito sa library at nasa medyo tagong parte kasi kami nakapwesto kaya hindi agad malalaman ang nangyayari dito mula sa table ng librarian.

Tumakbo si Nijel kung saan may makapal na telang nakapatong at saka lumapit sa apoy at tinry itong patayin. Hindi ko alam kung bakit may tela doon pero buti nalang rin meron. Pinagmamasdan ko lang siya habang patuloy niyang tinatry patayin ang apoy pero hindi manlang iyon natitinag. Parang mas lalo pa nga iyong lumalakas.

Tumingin ako sa paligid. Walang tao. I shift my gaze on the fire, again. Nakatingin lang ako sa apoy na 'yon. Feeling how hot it is. How is it made. And everything about it. I don't know why am I doing this pero parang ang mismong mata ko na rin ata ang ayaw bumitaw sa pagkakatingin sa apoy na yun.

The Heiress (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon