Chapter 42: Sorcery Class

57.8K 1.1K 29
                                    

Chapter 42: Sorcery Class


"Napapagod na ako, Yana. Ilang beses ko bang kailangang buhatin 'yang kahoy na balde at dalhin sa magkabilang dulo ng training room na 'to?" Angal ko habang iniikot ikot yung kanang balikat ko. Sobrang ngalay na kasi. Hindi naman kasi ako magrereklamo kung hindi ako napapagod. Isama mo pa na binan niya ang vampire skills ko sa training na 'to kaya hindi ko magamit. Tinotorture yata ako nito!

Napatingin ako sa dalawang balon sa magkabilang dulo ng training room. Yana created those well para makapagsalok ako ng tubig, tapos kapag nakapagsalok ako, itatapon ko 'yon sa isa pang well sa dulo at uulitin na naman. Halos ilang libong beses ko na yatang nagawa 'yun kaya ngalay na ngalay na ang braso at balikat ko.

Hindi naman sobrang laki nung balde pero malayo naman kasi ang nilalakad ko at nagsasalok pa.

Yana smiled at me apologetically. "I'm sorry, Heiress but I'm just following orders." Itinaas niya ang kamay niya para magpeace sign.

Napailing ako. "Sinabi ba sa'yo ng Senior Leaders na torture-in ako?" Pabirong tanong ko sa kanya pero seryoso ang mukha ko. Honestly, I feel so tortured. Pagkatapos niya akong ipahabol sa water arrows niya, pinagsasalok naman niya ako ngayon.

Natawa naman siya sa sinabi ko. "No, Heiress." Lumapit siya bigla sa'kin. "Can you still feel the heaviness of the water?" She asked.

Hindi ko alam kung nang-aasar ba siya pero seryoso naman ang mukha niya kaya sumagot nalang ako. "Yes, of course. Ilang beses ba naman akong magpabalik-balik sa magkabilang Well na 'yan." Napapailing na sagot ko sa kanya.

Tumawa ulit siya. Mukha na ba akong clown para kay Yana? "Good, Heiress. The familiarity on something can make you control ut." Umpisa niya. "Naging familiar ka sa bigat ng sinalok mong tubig kaya makakaya mo itong kontrolin kahit gamit lang ang isip o daliri. Dahil alam mo na ang bigat o gaan niya. Kung paano ito kumawala sa lalagyan kapag hindi tama ang paghawak, at kung paano ito gumalaw sa loob ng kahoy na balde habang naglalakad ka." She said.

Napatango ako. She's right. Until now, parang pakiramdam ko, nararamdaman ko pa rin ang bawat pagtama ng maliliit na alon sa loob ng balde habang naglalakad ako kanina.

"Now, try it." Sabi niya. Kumunot naman ang noo ko.

"Ano'ng gagawin ko?" Tanong ko sa kanya.

She motioned her left hand kaya napatingin ako sa tinuro niya. Yung balde sa harap namin na walang tubig. "Try to contol the water and put it there." Sabi niya na parang iyon na ang napakaposibleng bagay sa mundo.

Huminga ako ng malalim at nag-angat ng kamay. Nakaramdam ako ng energy na nanggagaling sa palad ko na parang kusang lumalabas sa katawan ko. At that very moment, kusa kong naisip kung gaano kabigat yung tubig na sinasalok ko kanina. And unconsciously, biglang kusang lumutang yung tubig na galing sa balon. Pero hindi lahat. Parang kasing dami lang rin siya nung sinasalok ko kanina.

Ginalaw ko ang kamay ko at iginaya dun sa balde, then poof! Kusa na itong nalagay sa lalagyan. Sinilip ko ang laman nun at namangha ako nang makitang saktong sakto lang ang nailagay kong tubig. Tuwang-tuwa akong napatingin kay Yana. "Wow!" Iyon lang ang nasabi ko. Napangiti naman siya.

"Tayong mga Sorcerers, hindi lang tayo basta kumukuha ng lakas sa mga incantations, rituals, magic circles and the likes. We can produce Light by learning to feel things kahit hindi pa man natin ito nahahawakan. By being a keen observer and through calculations. Kapag tama ang calculation mo sa isang bagay, mas madali mo itong makokontrol. Gaya ng mga kalaban mo. Hindi rin natin kailangan ng mga gamit gaya ng ibang Welshes. We produce Light with our own energy. Sa mismong katawan natin ito kinukuha." She explained. "Well, except for potions. Na hindi ako ang magtuturo sa'yo."

"Si Jae Kyline ba?" I asked and she just nodded.

"Ngayong nafeel mo na siya, at kaya mo nang kontrolin ang tubig na 'yan," She smiled na parang naging dahilan ng kaba ko. "Make a weapon out of it, Heiress." Napalunok ako dahil sa sinabi niya.

"How? Hindi ko alam ang spell--"

"As I've said earlier, we don't really depend on incantations that much like other Welshes do. You can make a weapon out of it by chanting nothing, Heiress." She said.

Unti-unti akong napatango. Siguro, ito ang isa sa perks ng pagiging Royal Race ng Sorcerers. Kaya naming gumamit ng Light kahit walang wand or broomstick. At kahit walang incantations.

"Wait, para saan ang incantations kung hindi naman pala tayo masyadong nagde-depend dun?" Tanong ko sa kanya dahil medyo hindi ko maintindihan ang part na 'yun. Kasi naririnig ko rin na nagcha-chant siya minsan.

"For us, Heiress. It is to make a certain spell more effective." She said. "Mas nakakadadag kasi ang pagcha-chant para lumabas ang kapangyarihan ng isang spell-caster."

"I see." Yun lang at saka ako nagfocus sa balde na may tubig. Baka kasi sabihin ni Yana, puro ako tanong. Ipinikit ko ang mga mata ko at nagconcentrate ulit. Hindi ko alam kung ano ang gagawin kong weapon sa tubig na 'to.

Nag-isip pa ako sandali at nang alam ko na kung ano'ng weapon ang pwede kong gawin ay dumilat ako. I look intently at the water na nakalutang na ngayon sa ere. Mabilis ko itong itinapon sa itaas at saka pinasabog nang alam kong sobrang taas na nito.

Mabilis na bumagsak ang maliliit na patak ng tubig na 'yon pero bago pa man 'yun tuluyang mahulog sa sahig ay naging matutulis na yelo na ito. Hindi lang 'yon, yung mga dahon na nabagsakan nun dito sa loob ng training room, biglang mga namatay. Napangiti ako. Nagawa ko!

"What-- what did you do, Heiress?" Hindi makapaniwalang tanong ni Yana sa'kin. Hindi ako nakatingin sa kanya pero halata ko ang gulat niya sa nangyari.

"Ginawa kong sharp weapon yung tubig pero meron din iyong kasamang lason! Nagawa ko Yana! Akala ko imposible pero nagawa ko-- Yana?" Nagulat ako nang nakaluhod na si Yana sa sahig at parang may iniinda. "Yana, what's the problem?" Tanong ko sa kanya at saka lumuhod sa tabi niya. Halos mapanganga ako nang bigla siyang bumagsak sa tabi ko at nawalan ng malay. That's when I realize na natamaan siya nung yelo sa braso niya. "Yana! Geez, I'm sorry!"

Niyuyugyog ko siya pero hindi siya gumigising. Geez! "Yana!" Ohmy! Ano'ng gagawin ko?

--

"Ma-master Hans, ayos na po ba siya?" Napatayo ako sa malambot na batong inuupuan ko dito sa bahay ni Yana. Yes. Malambot yung bato at mukha siyang sofa. Napatingin ako agad kay Yana na nakahiga sa kama niya. Kanina pa ako kinakabahan habang dinadala siya rito sa bahay niya ng mga hiningan ko ng tulong na Welsh. Buti nalang, nakasalubong namin si Master Hans on our way kaya nagamot agad siya.

"Yes, Heiress. Mabuti nalang at hindi ganoon kalala ang lason na pumasok sa katawan niya dahil kontrolado ang kapangyarihan niyo sa loob ng Training Room." He said. I sighed in relief. Si Master Hans ang gumamot sa kanya. First time ko ngang makakita ng isang Welsh na ginagamot.

"Mabuti naman kung ganun. Kelan po siya magigising?" Tanong ko sa kanya. Para naman makapagsorry ako. Nahihiya talaga ako sa nagawa ko sa kanya. Hindi ko rin kasi alam na matatamaan siya. Nasa gilid naman kami ng Training Room nang pasabugin ko 'yung tubig e.

"Maya-maya rin ay magigising na siya, Mahal na Prinsesa. Wag kayong mag-alala. Makakaabot rin naman siya sa Royal Dance mamaya."

Parang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan sa sinabi niya. Pero napatingin ako sa kanya nang marealize ko ang huli niyang sinabi. "Royal Dance po?" I asked, confused.

Royal Dance? Katulad ba 'yun ng Mystic Dance? I didn't know na may party mamaya.

He nodded and beckons me to the door. Sumunod naman ako. "It's a party for you, Heiress. It's actually a formal party. It's our way of saying thanks to you for coming back."

So may party nga.

I chuckled. "Hindi niyo naman po kailangang magpasalamat sa'kin. I'm just doing what I have to do. Isa pa po, mahalaga rin sa'kin ang Otherworld pati na rin ang lahat ng Welshes dito." I said honestly. Sa ilang araw kong pananatili dito, marami na agad akong natutunan. At saka wala naman silang ibang ginawa kung hindi ang iparamdam sa'kin na importante ako. That's why I love them.

Master Hans smiled at me with full of respect. Ganoon rin tumingin sa'kin ang lahat ng Welshes dito. Buti na nga lang at sanay na naman ako. "Kahit na, mahal na prinsesa. Parang welcome home party na rin ito sa Mortal World."

I just smiled and nodded. There's no point of even stopping them. Alam ko namang maghahanda at maghahanda pa rin sila.

--

When Master Hans and I parted ways, dun ko lang narealize na wala nga pala akong isusuot sa party na 'yon. Ang sabi pa naman niya, formal party daw ito. At sa Mystic Hall daw gaganapin. Nakita ko na ang Mystic Hall kaya alam kong malaki ito at kayang i-accommodate lahat ng Welshes dito sa Mystic Palace. Pero hindi naman 'yon ang problema ko. Kundi yung isusuot ko mamaya.

Kumakain ako ngayon dito sa kwarto ko ng tanghalian dahil ayokong bumaba sa Dining Hall ng palasyo. Bukod kasi sa mag-isa lang rin naman akong kumakain dun, pinagtitinginan pa ako ng mga taga-silbi. Inaalok ko naman sila pero lahat sila ay tumatanggi. Gusto ko na nga sila minsan pagalitan dahil para ayaw naman nila akong sabayan sa pagkain. Mas lalo lang tuloy akong nalulungkot.

Natutuwa na rin ako at may party mamaya. Makakasama ko na ulit lahat ng kaibigan ko. Bihira rin kasi nila akong bisitahin dito sa kwarto ko sa mismong palasyo ng Mystic Palace dahil masyado raw maraming nagbabantay. Actually, si Wren pa nga lang ang bumisita sa'kin dito dahil pinatawag ko siya.

Ito pala yung sinasabi nilang magiging bahay ko dito. E hindi naman 'to bahay kundi palasyo. Nung unang punta ko kasi rito, nakasarado 'to dahil wala naman daw ang Hari at Reyna kaya walang tumitira. Nung dumating ako, saka lang ito binuksan. Hindi ko pa nga rin 'to masyadong nalilibot.

"Magugustuhan kaya 'to ni Missy?"

"I don't know pero sana magustuhan niya!"

Napatigil ako ng pagkain nang marinig ko sila Yumi at Yuki na nag-uusap. Naglalakad sila at sa tingin ko, papunta sila rito.

Nakinig lang muna ako sa pag-uusap nila.

"Pero diba, ang sabi niya, hindi siya sanay sa mga ganyang klase ng damit?"

"Oo nga pero masasanay rin naman siguro si Missy. Prinsesa naman kasi siya."

Napangiti ako.

"Saan kayo pupunta, Elves?" Biglang may nagsalitang babae. Si Syn.

"Sa kwarto ng prinsesa, Alistair Syn."

"Ano yang dala niyo?" Meron pang isang sumali sa usapan. It was Mishie.

"Ito ang isusuot ng prinsesa mamaya." Yumi said excitedly.

"I see. Siguradong magugustuhan 'yan ni Zy!" Mishie said happily.

Papunta rin ba sila dito? Excited akong napatayo at lumapit sa pintuan pero bago ko pa mabuksan, narinig ko na silang hinarang ng mga kawal. Agad kong binuksan ang kurtinang pinto ng kwarto ko.

"Pasensya na pero hindi kayo pwedeng pumasok sa loob." Drane said. Siya yung pinuno ng mga kawal dito sa palasyo. Nalaman ko 'yun dahil kinausap ko siya sa sobrang kaboard-an ko nung nakaraan.

"What? Pero may ibibigay kami sa kanya." Yuki said.

"That's true. Isa pa, kaibigan niya kami." Segunda naman ni Mishie.

"I'm her Alistair. Papasukin mo kami." Cold na sabi ni Syn.

"I'm just following orders--"

"Drane." I called. Pare-parehas naman silang napalingon sa'kin. "They're my friends."

"Pero, mahal na prinsesa--"

Hindi ko na siya pinatapos na magsalita at lumapit na ako kila Syn at saka sila hinila papasok sa kwarto ko.

"Bakit ang higpit ni Officer Drane ngayon?" Tanong ni Yumi. Medyo may halong pagkairita sa boses niya.

"Baka gusto lang talaga nilang masigurong ligtas si Missy." Sagot naman ni Yuki sa kanya habang hawak ang isang malaking lalagyanan.

"Nasa loob naman ako ng palasyo. Hindi naman siguro ako mapapahamak dito." I said then shrugged. They just look at me and didn't say anything. "Ano palang ginagawa niyo rito? Saka ano yang dala mo, Yuki?" I asked pertaining to the bag she is holding.

Parang kusa namang naalala niya bigla 'yung pakay nila dito. "Ay!" She shrieked. "Para sa inyo po 'to Heiress!" Masiglang sabi niya habang inilalabas yung nasa loob ng lalagyang hawak niya.

Nakatingin lang kami sa kanya habang inilalabas 'yung para sa akin daw.

Inilabas niya mula don ang isang magarang kasuotan. Isa iyong cocktail dress na kulay violet na sa tingin ko ay hanggang ibaba lang ng tuhod ko. Ang ganda ng design niya. Wala siyang sleeve sa kanang balikat pero long sleeve naman dun sa kabila. It has a floral pattern design sa mismong pinakapalda nito. Kulay violet 'yon at white. Tapos may mga totoong bulaklak ito sa mismong laylayan na mukhang fresh na fresh pa kaya ang gandang tignan. It looks so extravagant and magical.

"A-akin yan?" I said, surprised. Yumi and Yuki smiled at me from ear to ear then hand me the dress. They both nodded. "Thank you so much, guys!" Masayang sabi ko sa kanila habang hawak at tinitignan pa rin ang dress.

"Walang anuman, Missy." The Elves' Leader said in chorus.

"Sigurado akong ikaw ang magiging pinakamaganda sa party mamaya, Zy!" Mishie exclaimed. Para ngang mas excited pa siya sa'kin.

"Thank you. Kayo ba may mga isusuot na?" Tanong ko sa kanila at saka ko ipinatong sa bed ko yung dress. Umupo naman dun si Mishie habang yung magkapatid naman, sa sofa naupo. Si Syn, nakatayo lang.

"Yes. Bumili kami kanina sa Mystic Market." Si Syn naman ang sumagot. Mystic Market. Parang maliit na palengke 'yon dito sa Mystic Palace. Medyo nakahiwalay siya sa palasyo kaya medyo malayo rin ang lalakarin. Pero kung sa Mortal World, puro pagkain, damit at kung anu-ano ang nabibili sa market, dito naman puro potions, magical cloaks at puro may kinalaman sa magic ang nabibili don. May mga pagkain rin naman daw pero bihira. Meron ding mga damit. Pero hindi pa ako nakakapunta don dahil hindi ko naman kailangan bumili ng kung ano. Pwera ngayon na may party. Kung hindi ako binigyan nila Yumi at Yuki ng dress, baka pumunta ako dun para bumili.

Napatango nalang ako. "Bakit rin pala kayo nandito?" Tanong ko kay Syn at Mishie.

"Actually, itatanong talaga dapat namin kung may susuotin ka na para mamaya." Natatawang sagot ni Mishie.

"Kaya pala." Ngumiti nalang ako sa kanilang dalawa.

"Tapos na ba 'yung training mo, Zy?" Syn asked.

Tumango ako. "Dahil sa nangyari kanina kay Yana, sinabi ni Master Hans na bukas nalang ulit ako magtraining. Isa pa, may party rin kasi kaya pinagbigyan ako ng Senior Leaders."

"Nabigla nga rin sila Mistress Herina dahil sa nangyari." Said Yumi.

Sumang-ayon naman si Yuki. "Hindi daw nila in-eexpect na ganun ang gagawin mo, Missy."

I shrugged. "Parang normal lang naman ata 'yon dito." I concluded. Matagal na silang gumagamit ng light kaya for sure, halos lahat, nagawa na nila.

Napakunot ang noo ko nang umiling bigla sila Yumi and Yuki. "Ikaw palang ang nakakagawa non, Missy. Dual-Light ang nagawa mong weapon kanina sa training niyo. Sa mga normal na Spell-casters, isang weapon lang ang kayang gawin sa isang element. Except kung gagamitan mo ito ng poisonous potion." Nakikinig lang kami sa paliwanag ng magkapatid.

"That's right, Missy. Pero hindi ka naman gumawa ng poisonous potion kanina. You just turned the water into a poisonous dagger shower. Patunay lang 'yun na makapangyarihan ka talaga."

Hindi na ako nagsalita nang dahil sa paliwanag nila. I'm speechless. I'm powerful. Ilang beses ko bang makakalimutan ang bagay na 'yun? I sighed. Kung hindi pala kontrolado ang kapangyarihan na pinakawalan namin sa Training Room, maaaring naging malubha ang kalagayan ni Yana. Geez, Zeira!

*****
Add me for updates! :)

FB: AleexJin Stories
Twitter: @aleexjin
FB Page: The Heiress

Love,
Jin

The Heiress (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon