Chapter 44: Total Destruction

43.7K 1K 75
                                    

Chapter 44: Total Destruction

Just looking at Roanna's smiling face makes me want to take the life out of her pale body. Ngayon ko lang yata narealize kung gaano ako kagalit sa kanya. I want to kill her so badly. Nagalit sa'kin si Viex nang dahil sa kanya. I should have stabbed her right through her heart that day. Edi sana, naging worth it ang galit ni Viex.

"Akala niyo ba, makakatakas kayo?" Mas lalong lumapad ang ngiti niya. Naikuyom ko ang mga kamao ko sa sobrang galit. Nanginginig ako hindi dahil sa kaba o ano. Nanggigigil ako sa kanila. Gusto ko silang ubusin lahat.

Humigpit ang hawak sa'kin ni Wren pero hindi ko 'yun pinansin. Napatingin naman si Roanna sa wrist kong hawak ni Wren. She, again, smiled mischievously. "Nagkabalikan na pala kayo." Her smile turned into a smirk. I want to erase that smile off her face pero hindi ako makalapit sa kanya dahil mahigpit ang hawak sa'kin ni Wren. "That's good. Para naman hindi mo hinahabol-habol ang boyfriend ko." She said. I froze.

I felt a pang of pain in my chest. Napayuko nalang ako. Ang sakit pala talagang marinig ang totoo. Na ang tanga tanga ko dahil hinahabol ko ang taong may nagmamay-ari nang iba.

"Don't mind her, Zeira." Wren whispered but I just shook my head.

I laughed, sarcastically and look directly in Roanna's eyes. Ito ba ang nagiging epekto ng taong nasasaktan? I smirked. "It's too early to celebrate, bitch. You shouldn't take your eyes off your boyfriend, dahil baka magulat ka isang araw, he's already mine." Mukhang nagulat siya sa sinabi ko dahil bigla siyang tumingin ng masama sa'kin. Miski ako. Hindi ko alam kung ako pa ba ang nagsasalita sa mga oras na 'to. "Oh. I must also remind you the fact that he was in love with me before your demon father took him away from this place. Hindi na ako magtataka kung mahal niya pa rin ako hanggang ngayon." I smiled triumphantly pero nawala 'yun nang mapansin kong balak niyang sumugod.

Mabilis kong kinuha mula sa pagkakahawak ni Wren ang kamay ko. Pero nang matanggal ko ang pagkakahawak niya sa'kin ay nasa likod ko na si Roanna. She snaked her right arm on my neck. I act like I was shock para hindi niya mabasa ang susunod kong gagawin. Mukhang magsasalita pa siya nang humawak ako sa right arm niya kaya napasigaw siya bigla at ibinend ang half ng katawan ko para mapahiga siya sa sahig. Nagmamadali akong pumatong sa kanya and pinned her on the grass.

Magkasing lakas lang kami dahil na rin sa parehas kaming vampire. Pero hindi siya makakabawi agad ng lakas nang dahil sa tinusok ko sa right arm niya. As a vampress, I can use both my blood to be more powerful than any ordinary Welsh. At habang sakal sakal niya ako kanina, nagawa kong gumawa ng poisonous dagger na ginawa ko sa training namin ni Yana at mabilis 'yong itinusok sa kanya. I didn't have to use water. The air is enough para makagawa ako nun. Hindi ko rin alam kung paano, basta nagawa ko nalang. Dahil sa invisible ang hangin, bigla ring nawala ang dagger na isinaksak ko sa kanya. Pero sigurado akong nakapasok na ang lason na nandoon bago pa man ito tuluyang maglaho.

"W-what did you do to me?" Napansin ko ang pag-uumpisa ng pagkaparalisado ng buong katawan niya. Medyo nahihirapan na rin siyang huminga. Pero alam kong hindi siya mamamatay rito. Manghihina lang siya. I still have to stake her through the heart.

"Have you forgotten what you did to me already? Ginawa mo akong vampress. Poor you. I'm more powerful than you, ten times more if you'd ask." Nakangiti kong sabi. I see fear in her eyes the moment na sinabi ko ang mga bagay na 'yun.

"Zeira." Napatingin ako kay Wren na may hawak nang matulis na wood ngayon. Hindi ko alam kung saan niya nakuha yun pero nakita kong hinihingal siya. Hindi ko napansin na umalis siya. Agad niyang inihagis sa'kin yung wood at nasalo ko naman 'yun.

"Ar--e you r-really going to kill me?" She said, nervously.

Umiling ako habang nakangiti. It's weird to find myself smiling despite the pain that I am feeling. "Not yet, dear." sabi ko at saka itinusok sa wrist niya yung matulis na kahoy. Nagdugo 'yun kasabay ng malakas na pagsigaw niya. Hindi ko na siya kailangang hawakan dahil mismong katawan na niya ang nanghihina dahil sa lason. "I'll make you suffer first. Ang unfair naman kasi kung ako lang ang laging nasasaktan hindi ba?" I asked her pero parang hindi naman niya 'yun naiintindihan dahil sigaw pa rin siya ng sigaw. Dahan-dahan kong ibinaba 'yung nakatusok na wood sa braso niya. Kaya puro dugo na 'yung buong braso niya.

Hindi ko na ininda kung puro dugo na rin ang dress na suot ko. All I want now is to hurt her. To make her feel the pain. Though, I'm hurting her physically and not emotionally. Hindi ko pa rin mababago ang katotohanang siya na ang mahal ni Viex.

I saw tears running down her face kaya napatigil ako. She's crying. Roanna's crying! Hindi ko alam kung bakit bigla kong nabitawan yung wood at itinapon. Umiiyak pa rin siya at nakatingin lang ako. Why am I doing this? This is not me!

Nanginginig akong umalis sa pagkakadagan sa kanya at saka umupo sa grass. Napatingin ako sa kamay kong puro dugo. What's happening to me? Bakit parang hindi ko na makontrol ang emosyon ko? At ang nakakapagtaka pa, gusto kong umiyak pero walang lumalabas na luha sa mga mata ko.

"Zeira." Narinig kong tawag sakin ni Wren. Ramdam kong umupo siya sa tabi ko pero hindi ko siya pinansin. Naiinis ako sa sarili ko. Kung gusto ko siyang patayin, dapat pinatay ko nalang siya agad. Bakit kailangan ko pa siyang torture-in? Hindi ko na kilala ang sarili ko!

"Damn it! Roanna!" A familiar voice called.

Agad akong napatingin sa lalaking dumating na agad chineck si Roanna. Nakarinig pa ako ng ilang mura galing sa kanya at saka napatingin sa'kin. Nagulat siya nang makitang puro dugo ang kamay ko habang malapit sa'kin yung wood. Hanggang sa mapalitan ng galit ang tingin na 'yun. Nasasaktan ako dahil nakikita ko kung gaano siyang nag-aalala para kay Roanna, habang galit naman ang nararamdaman niya para sa'kin.

"Ano na namang ginawa mo?!" Nagulat ako nang sigawan niya ako. Second time. This is the second time na sinigawan niya ako.

"I-I'm sorry." Napayuko ako bigla.

"Tumayo ka dyan, Zeira." Naramdaman ko ang paghila ni Wren sa'kin patayo pero nakayuko pa rin ako. Nahihiya ako at nasasaktan dahil kailangan pang umabot sa ganito ng lahat. Bakit Viex? Ano bang ginawa kong masama sa'yo? Bakit ganito ka sa'kin ngayon? "Hindi na sana kayo umatake rito kung hindi niyo expected na ganyan ang mangyayari." Walang emosyon na sabi ni Wren. Pati ako kinilabutan sa tono ng boses niya.

Napatingin ako kay Viex na nakatingin samin ng masama. "Asshole." He mumbled and lift Roanna up. Nakita kong gumagalaw si Roanna kaya alam kong gising siya.

"Tsk. Umalis na kayo rito at wag na wag na kayong babalik." Wren said . He looks grave. Why do I feel na parang mas sinasabi niya lang 'yon kay Viex at hindi sa kanilang dalawa ni Roanna?

Hinila na ako paalis ni Wren dun pero hindi pa kami nakakailang hakbang nang marinig kong nagsalita si Roanna.

"How will you be able kill m-my father if you're that afraid to kill?" Napahinto ako sa sinabi niya. Seryosong seryoso ang boses niya nang sabihin niya 'yon. Walang halong pang-aasar. Walang halong galit. It's just as plain as asking your acquaintance. Napatingin ako sa kanya at naghintay pa ng sasabihin. Karga pa rin siya ni Viex at mukhang unti-unti na siyang nasasany sa sakit na dinulot ko sa kanya. "Come on, Zeira. Hindi ka dapat matakot na pumatay kung ayaw mong ikaw ang paglamayan." She said with finality. Hindi ako nakasagot. Dahil tama naman siya.

Nang matapos niyang sabihin 'yon ay umalis na sila ni Viex. Ilang minuto rin akong nakatingin sa nilakaran nila simula nang makaalis. Hindi pa nga siguro ako matatauhan kung hindi pa ako tinawag ni Wren.

"I'm so sorry. Hindi ko siya napatay." Mahinang sabi ko kay Wren habang naglalakad kami papasok sa Mystic Hall. Humupa na kasi ang naririnig naming pagsabog at sigawan mula sa loob kaya napagpasyahan naming bumalik.

Umiling si Wren. "Wala kang dapat ihingi ng tawad." Mariing sabi niya kaya tumahimik nalang ako.

Sira sirang Mystic Hall ang bumungad samin pagkabalik. Halos hindi na nga aakalaing ang ganda ng lugar na ito hours ago. Dahil total destruction ang nadatnan namin ngayon. Ang dami ring katawan na nakabulagta sa sahig. Pati mga nasusunog na kurtina. Butas na rin ang mga pader dito sa loob. Parang dinaanan ng bagyo at lindol ang lugar.

"Zy!"

"Heiress Zeira."

Nagsilapitan samin ang leaders kasama sila Mishie at Syn. Lahat sila halos mukhang galing sa pakikipaglaban. Nagulat pa ako nang makitang may dugo sa leeg ni Zero. "Ayos ka lang, Zero?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya. Tumango siya.

"Kakaunting dugo lang naman ang nakuha sakin, Heiress." Nakahinga ako ng maluwag.

Napatingin si Syn sa suot ko. Mukhang napansin rin ng ibang leaders na puro ako dugo. "Anong nangyari? Bakit puro ka dugo?" She asked nervously.

"My Gosh, Zy! May sugat ka ba?" Ininspeksyon pa ni Mishie ang buong katawan ko pero napailing ako.

"Dugo 'yan ni Roanna." I said.

They all gasped. Halatang nagulat sa sinabi ko. "Hinarang kayo ng prinsesa ng mga Vampires?" Zero asked.

Tumango ako.

"Nasaan sila, Heiress?" Asked Jae Kyline at mukhang lalabas pa para lang makita kung nandoon pa sila. I stopped her.

"Nakatakas sila." I lied. "Don't worry. I'm fine."

Nakahinga naman sila ng maluwag nang dahil sa sinabi ko. Tahimik lang ang iba at parang nag-iisip kaya natahimik nalang rin muna ako. Mukha ring nashock yung ibang Welshes na nakaupo sa bawat sulok ng sirang Hall dahil wala ni isa manlang sa kanila ang nagsasalita. May mga ginagamot na Welshes ang mga Senior Leaders sa isang sulok habang yung ibang Sorcerers naman ay lumilibot sa buong Hall para magtanong sa mga nananahimik na Welshes. Konti lang ang natira dito sa Hall. Siguro, nasa labas ng palasyo yung iba. Napatingin ako kay Wren nang magpaalam siya sa'king pupuntahan raw muna niya yung ibang Wolves kaya napatango nalang rin ako. Sugatan rin kasi sila.

Hindi pa sana ako magsasalita nang may mapansin ako. "Nasaan si Yana?" Nag-aalalang tanong ko sa kanila. Nagkatinginan naman silang lahat na parang ngayon lang rin napansing nawawala ito.

"Hindi po namin siya napansin simula kanina, Missy." Yumi said. Tumango si Yuki bilang pagsang-ayon.

Napatingin ako kay Zero pero nagshrug lang siya. "Hindi ko na siya nakita simula nang may sumabog, Heiress."

"Ikaw, Jae Kyline?" Tanong ko sa kanya. Dahil ang alam ko, bestfriend niya si Yana. Umiling siya.

"Hindi ko na rin siya nakita simula kanina, Heiress." Nag-aalala ring sagot niya. Napakagat ako sa kuko ko nang dahil sa kaba. Hindi kaya--

"Heiress!" Napatingin kaming lahat sa Welsh na tumawag sa'kin mula sa malaking pinto ng Hall. Nagmamadali siyang tumakbo palapit samin at parang mabunutan ako ng tinik sa dibdib nang makita ko kung sino siya.

"Yana!" Jae Kyline and I both exclaimed.

Nag-aalala siyang tumingin sa'kin kaya nag-umpisa na naman akong kabahan.

"Heiress..." Parang nag-aalangan siyang sabihin sa'kin kung ano mang sasabihin niya kaya napakunot ang noo ko.

"Bakit? Ano'ng nangyari?" I asked, eagerly.

"Y-yung kwarto niyo, Heiress. Pinasok ng mga vampires." She said, nervously.

Napaisip ako. Bakit sila papasok sa kwarto ko? Unless may kinuha sila mula don.

"Nagpunta kami ng ibang Sorcerers sa ibang parte ng Palasyo para malaman kung may vampires pa don. Sa fifth floor ako nakarating at nakita kong nakabulagta na 'yung ibang nagbabantay sa kwarto mo so I walked into your room at nakita kong sira na lahat ng gamit dun. It's like they're searching for something, Heiress." She explained.

Nang sabihin niya ang mga huling salitang sinabi niya ay parang may nagsink in sa'kin. Napatakbo agad ako palabas ng hall papunta sa kwarto ko. Yung vampire book! They're searching for the vampire book! I don't know why pero sigurado akong 'yun ang hinahanap nila dahil wala namang ibang mahalagang bagay sa kwarto ko kung hindi iyon!

"Heiress!" Narinig kong nagsisunuran sila sakin hanggang sa makarating ako sa fifth floor. May isang mahabang hagdan naman kasi mula dito sa ground floor papunta sa kwarto ko na gumagalaw kaya hindi ako nahirapan sa pag-akyat.

Tama si Yana nang makarating ako sa kwarto ko. Lahat ng gamit ko ay sira. Kung hindi naman sira ay nakakalat. Alam ko na agad na nakuha nila 'yung vampire book dahil nakataob yung bookshelf ko dito sa kwarto na nakadikit sa pader. Nasa likod kasi nun yung vampire book pero nang tignan ko dun, wala na akong nakita. Naghanap pa ako dito sa buong kwarto ko pero wala akong makitang vampire book.

Napaupo nalang ako sa kama dahil parang biglang nanghina yung mga tuhod ko. Nagtataka ako. Bakit nila kinuha yung libro? Ano'ng kailangan nila don? Napasabunot ako sa sarili ko. Bakit ba kasi hindi ko pa 'yun binasa? Stupid!

"Zy? Ano'ng nakuha nila?" Syn asked.

Nakasunod na pala sila dito at lahat sila nagsipasukan na rin. Napabuntong hininga ako. "Yung vampire book na binili ko dati, Syn. Yung ang kinuha nila." Nanghihinayang na sabi ko.

"What?" Gulat na gulat na sabi ni Mishie. Napatingin ako sa kanya nang nagtataka dahil parang sobra naman yata ang naging reaksyon niya pero umiwas nalang siya ng tingin sa'kin. Weird.

"Bakit naman nila kukunin 'yung librong yun, Zy? Last time I checked, that's just an ordinary book, right?" She asked. Tahimik lang si Jae Kyline at yung Elves. Pati na rin si Yana at Zero dahil wala naman silang alam tungkol sa librong binili ko dati sa Book Store.

Napailing ako. "Hindi ko na alam, Syn. Dati ang akala ko, normal na libro lang 'yun. Not until mamatay si Night Collins." Napatingin ako kay Mishie na nakatingin na ulit sa'kin. "Nakita ko yun sa gamit niya nung inayos namin yung kwarto niya." Nagtatakang sabi ko. Pati ako, naguguluhan na rin.

"Pero anong connect nun sa pagkamatay ni Night? Kung gusto ni Roanna na kunin yung book kay Night, edi sana siya na mismo ang pumatay kay Night diba? Bakit kailangan niya pang i-turn si Mishie?" Sunod-sunod na tanong ni Syn. She's right. Bakit kailangan niya pang gawing vampire si Mishie at hindi nalang siya ang pumatay kay Night?

Napatingin lang kami kay Mishie pare-parehas. Hindi namin alam ang tunay na sagot sa mga tanong namin. Si Mishie lang ang makakasagot nun.

"A-actually, pagkatapos niya akong i-turn, she compelled me to kill N-night. I didn't want to kill him pero wala akong nagawa." Umpisa niya. "T-tapos, sinabi niyang kunin ko 'yung libro at--" napatingin siya sa'kin. "At ibigay ko raw sayo, Zy." Nagulat ako sa sinabi niya. Kinompell siya ni Roanna para ibigay sakin yung libro? Bakit? "Pero hindi ko nakita yung book. Buti na nga lang at ikaw na mismo ang nakakita."

Napatahimik ako nang dahil sa sinabi niya. Pati na rin ang ibang kasama ko sa kwarto. Parang nag-echo bigla sa utak ko yung sinabi Roanna kanina.

"How will you be able kill m-my father if you're that afraid to kill? Come on, Zeira. Hindi ka dapat matakot na pumatay kung ayaw mong ikaw ang paglamayan."

Ano'ng ibig niyang sabihin? Bakit gusto niyang makuha ko yung libro? At bakit gusto niyang hindi ako matakot patayin ang ama niya? Anong plano niya?

"Hey." Napabalik ako sa kasalukuyan nang marinig ko ang boses ni Wren. Napatingin kami sa kanya.

"Bakit?" I asked.

"Pinapasabi ni Master Hans na maghanda raw kayo." Napakunot ako bigla. Maghanda?

"Para saan?" Zero asked what I was about to ask.

He shrugged. "Hindi na raw tayo pwedeng magstay dito kaya babalik na tayo sa mismong Lairhart Kingdom."

*****

Add me for updates! :)

FB: AleexJin Stories
Twitter: @aleexjin
FB Page: The Heiress

Love,
Jin

The Heiress (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon