Chapter 27: Speechless

193 6 6
                                    

Chapter 27

Parehas kaming basa ng ulan pagkapasok sa loob ng kwarto ko. Napatalon ako sa gulat ng muling kumulog at kumidlat. Nanginginig na din ako dahil sa lamig ng tubig ulan.

"Nasan ang mga damit mo?" I asked while looking at him. He's soaking wet.

"Ipinalagay ko kila Melody kanina habang hinihintay kita at ipinapaayos itong kwarto mo." He said and stared at me like he's weighing my expression.

"Kuhanin mo na para makapagpalit ka." I commanded.

Tinalikuran ko siya at pumunta sa bag ko para kumuha ng damit na ipapamalit ko.

"Sige."

Lalabas na sana siya pero lumapit ako at ipinatong sa kaniya ang tuwalya na binili ko. I want him to cover his head from the rain. Habang ginagawa ko 'yon ay nararamdaman ko ang tingin niya. Nang natapos ay tinalikuran ko din siya agad dahil nag-iinit na ang mukha ko sa paninitig niya.

He came back after a while, holding his bag on his right hand. The rain stopped but the thunder and lightning remain.

"Mauna ka nang maligo maghihintay ako sa labas. Babantayan kita."

I noded before I walked outside my room. I used the water that he fetched for my bath. I took a quick bath because I don't want him to wait any longer, especially that he's wet from the rain. I don't want him to get sick. Pagbukas ko ng pinto ng C.R ay siya ring pagharap niya sa akin, he looked at my body before he smiled at me. I am now wearing my pajamas.

"Shall I wait for you here?" Tanong ko.

"Hindi na, mahamog na. Hintayin mo na lang ako sa loob para makapagpahinga ka na rin."

Tumango ako at sinunod ang sinabi niya. Pagpasok ko sa kwarto ay agad kong naisip ang higaan ko. My bed can only occupy one person. Hindi ko alam kung saan ko siya pahihigain. Malamig sa lapag lalo pa't katatapos lang ng ulan. Wala rin akong sofa dito na pwede niyang pwestuhan.

Nagpalakad lakad ako sa loob ng kwarto, iniisip ang magiging pwesto naming dalawa. Hindi nga siya nagtagal. Ilang saglit lang ay bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok siyang nagpupunas ng basang buhok niya. I stared at him and smiled awkwardly.

"Why?"

"Maliit masiyado ang higaan, hindi yata tayo magkakasiya." Nag aalinlangan kong sabi.

Ngumiti siya sa akin bago inilapag sa estante ang tuwalyang hawak niya. Lumapit siya at bigla akong niyakap ng mahigpit.

"Bakit?" Ako naman ngayon ang nagtanong.

"Akala ko, hindi mo iisiping patabihin ako sa'yo matapos kitang sundan dito."

Bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya. Hindi ko rin maiwasan ang pagngiti at pagyakap sa kaniya pabalik.

"Hindi ka pwedeng magtagal dito Michael." Mahina kong sabi sa kaniya habang magkayakap kami.

"Bakit hindi? Ayaw mo ba? I told you, I'm willing to be the father of your child." He replied.

Huminga ako ng malalim. "Magpahinga na tayo. Magkakasiya naman siguro tayo dyan." Kumalas ako sa yakap niya at naglakad papalapit sa higaan.

I moved to the right side of the bed to give him some space. Ramdam ko ang paggalaw ng higaan kaya alam kong nasa tabi ko na siya. Maliit lang talaga ang higaan kaya hindi maiwasan na magdikit ang mga katawan namin. I stilled when he pulled me closer to him. He used his arm as my pillow while his other hand is on my stomach caressing it slowly. Nakatalikod ako sa kaniya kaya hindi ko mabasa sa mukha niya ang iniisip niya.

Forbidden Romance (COMPLETED)Where stories live. Discover now