Chapter 5: Problem

203 8 0
                                    

Chapter 5

I slept peacefully that night. Nadagdagan ko din kahit konti ang sinearch about sa activity namin.

I chose the Mt. Samat in Bataan as a subject in our group avtivity. I have always wanted to go there. Pero wala talaga akong time kahit na malapit lang ang Bataan sa Manila. Wala rin akong kasama kaya hindi pumapayag sila mama. Alam ko meron silang tinatawag na alay lakad kung saan mula sa paanan ng bundok ay inaakyat nila ito hanggang sa makarating sila sa tuktok.

Gustong gusto kong nakakakita ng mga picture about sa bundok na 'yon. Yung mga taong nakakapasok sa loob ng krus, naiinggit ako sa kanila.

Tama si Michael, kinabukasan nandoon na nga si kuya Nelson pero hindi ako sasakay sa kaniya since Michael said that he would pick me up.

"Maam, nasa labas na sir Michael, sabi niya sa kaniya ka daw sasabay." Sabi sa akin ni kuya Nelson nang makita niya akong palabas ng bahay.

"Sige kuya, mauna na ako." Tumango lang siya sa akin bilang sagot.

Nakita ko rin kaagad ang sasakyan ni Michael nakatayo siya sa labas ng bukas na pinto at inilahad ito sa akin. Napangiti ako. He looks like a prince waiting for his princess.

"Seatbelt please," Sabi niya pagkapasok niya. Kinabit ko kaagad ang seatbelt dahil ayokong siya pa ang magkabit no'n para sakin.

"Nag breakfast ka na?" Tanong niya habang diretso pa din ang tingin sa kalsada. Bahagya siyang sumulyap sa gawi ko.

"Uhm." Sagot ko ng hindi siya tinitingnan. Mediyo nakakaramdam ako ng ilang.

"Anong oras ba and simula ng klase mo?" I asked to reduce the awkwardness that I feeling.

He looked at me before he answered "9:00 a.m. pa."
Nanlaki ang mata ko.

Seryoso ba siya. I looked at my wristwatch. Alas siyete pa lang! Dapat siguro hindi na ako magpahatid sa kaniya.

Mediyo bumagsak ang balikat ko nang isipin kong dapat pala tinanong ko muna ng schedule niya bago ako pumayag na magpahatid sa kaniya.

"Why?" Napansin niya siguro ang lungkot ng eskspresyon ko.

"Bakit hindi mo sinabi? Ang aga pa oh!" Inis na sabi ko habang nakaturo sa wristwatch ko.

"It's fine. Balak ko ding sa school na mag review."

"Nag breakfast ka na?" Tanong ko na mediyo may inis pa din.

Napakamot siya sa ulo niya bago sumagot. "Gusto ko sanang sabay tayo pero nagbreakfast ka na pala."

"What?! Ihinto mo nga muna diyan." Sabi ko sabay turo sa nadaanan naming fastfood chain.

"I'm really fine Cyn. We don't have to-" Nabitin ang sinasabi niya nang nauna na ako sa paglabas.

"Gusto ko nito." Tinuro ko yung isang breakfast meal. "Pumili ka na ng iyo bilisan mo ikaw magbabayad niyan ha. Hahanap na ako ng pwesto."

Naiwan siya sa lane habang ako naman ay nakahanap na ng bakanteng pwesto.

"Baka malate ka." Sabi niya pagkalapag ng pagkain namin.

"May twenty minutes pa naman."

"Akala ko ba nagbreakfast ka na?"

"Bakit? Ayaw mo na akong pakainin? Na konsensiya ako e. Sabi mo dati hindi ka sanay ng hindi nagb-breakfast kapag papasok."

Tumingin ako sa kaniya at nakita kong pinipigilan niya ang pag ngiti. Mukhang natatae pero ang pogi padin.

"Ang pangit mo kumain ka na." Inirapan ko siya bago ko pinagpatuloy ang pagkain.

Hinatid niya pa ako hanggang sa room. Mga mata ng matataray kong kaklase ang bumungad sa akin. Pati mukha ni Grace hindi na din maipaliwanag. I just rolled my eyes on them.

Forbidden Romance (COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat