Chapter 26: Rain

177 6 11
                                    

Chapter 6

Note: This is the part after the prologue. I just want to inform you guys because I'm not that good yet when it comes to transition. Thankie :)

I succeeded. Nagawa kong makaalis sa kaniya. Nakasakay na ako ng bus paalis pero parang gusto kong sigawan ang driver na pahintuin ito at tumakbo pabalik.

I want to go back but I know I shouldn't. Kailangang pangatawanan ko ang desisyon kong ito. Tama si Roxanne. Michael suffered so much to be where he is now. At ayokong mawala 'yon dahil ipagpipilitan ko pa ang pagmamahal ko sa kaniya.

Matagal ang naging biyahe kaya nagawa ko pang makatulog sa bus. Bumaba ako nang nasa terminal na kami at namili ako ng ticket ng barko. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ako mahilig maggala noon dahil makita ko lang ang magandang lugar sa Bataan ay naku-kuntento na ako. Pero ngayon, ngayon na kailangan kong umalis. Hindi ko naman alam kung saan ako dapat pumunta. Ayokong magsabi kila mama dahil alam kong pupuntahan din sila ni Michael. I won't even turn my cellphone on and look for directions because I'm worried that Michael might trace me.

It's better this way. Hindi niya na kailangang mag-alala sa mga pwedeng mawala sa kaniya. Ngayon pwede niya nang unahin ang sarili niya at gawin ang mga bagay na kukumpleto sa kaniya.

Habang nakasakay ako sa barko ay tinitingnan ko ang papalayong daungan. Ang malinaw na tubig dagat ay nagpabalik sa akin ng dagat ng Morong. I closed my eyes as my memories in Bataan slowly comming back to my head. I took my phone out and looked at it. I know that I'm going to regret this later but I realized that in order for me to forget him is I have to get rid of the things that might bring my memories with him. Without further ado, I throw my phone on the sea and I watched it as it immediately sinks.

Nagpahinga ako sa loob ng kwarto. May kasama akong mga hindi ko kilala kaya hindi ko nagawang makipag-usap sa kanila. Nagising lang ako nang may kumatok at naghatid nang pagkain. Pagkatapos no'n ay bumalik ulit ako sa pagtulog. Iyon lang ang ginawa ko buong biyahe ng barko hanggang sa bumagal na ang takbo nito hudyat na malapit nang dumaong. While at the entance of the boat, I saw some people waving. I smiled as I watched some of them crying after seeing some of the passengers. Maybe they are their relatives that they hadn't seen for a long time.

Gabi na at kakaunti na lang din ang mga sasakyan, ibang iba talaga ang buhay sa probinsiya kaysa sa Maynila.

"Wala ka bang kasama?" Tanong ng matandang babae na pinagtanungan ko tungkol sa bakanteng kwarto na pinapaupahan niya. Panay ang tingin niya sa likod ko na parang may hinahanap.

"Uh wala po."

"Kung gano'n eh tara na."

Habang naglalakad kami papunta sa apartment ay nilibot ko ang paningin ko. Napakadilim ng paligid at iilang lampara lang ang ilaw.

"Walang kuryente dito, kung mapapansin mo. Kung galing ka ng Maynila ay maiintindihan ko kung hindi mo magagawang magtagal dito." Sabi sa akin ng matanda na parang nababasa ang nasa isip ko.

It's already late and I know that it will be hard for me to find another place to stay in; so for now I think I need to bear with it.

"Huwag ka mag-alala bibihira ang lamok dito. Marami ring puno kaya hindi mainit. Kung kailangan mong maligo ay nandoon ang balon." Napangiwi ako nang makitang tinuro niya ang mas madilim na parte ng bakuran habang tinatahak namin ang daan papunta sa apartment. Hilaw akong napangiti at tumango sa kaniya.

"Tatlo ang apartment ko. Masuwerte ka at kaaalis lang noong umuupa doon sa isang kwarto kaya bakante. Siya nga pala, oo at tatlo ang apartment ko pero iisa lang ang banyo kaya kakailanganin mo talagang magtiis." Pagpapatuloy niya.

Forbidden Romance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon