Wala akong masabi patungkol doon, sobrang lala niyang magpakilig at ako na lang itong sumusuko dahil pati buto ko ay nanlalambot. Can you imagine? Araw-araw ko siyang kasama, araw-araw din akong nangingisay sa tuwing ganito siya.

Ang masasabi ko lang din, settle with someone who is 100% sure about you. We, people, deserve someone who chooses us every single day.

Isang halik pa sa labi ang ginawa niya ay tuluyan na akong namatay sa kilig. Please lang, awatin niyo si Calvin Frias!

"I love you," aniya pagkatapos ng halik.

"I love you, too, Calvin."

Sabay kaming napangiti, sa paglubog ng araw ay ang mas mabilis na pagdaan pa ng mga araw na tipong halos hindi ko na masundan pa ang mga nangyayari. Partikular ang tiyan kong sobrang laki na.

Nakaharap ako sa tapat ng malaking salamin na kita ang kabuuan katawang ko. Rito ko na lang kasi nakikita ang dalawang paa ko, kapag yumuyuko kasi ako ay ang laking harang ng tiyan ko.

Kitang-kita ko pa ang stretch mark na nakapaligid sa tiyan ko, may parteng nangingitim, para rin bang ano mang oras ay puputok iyon at mukha iyong bulkan. Marahan kong hinawakan ang tiyan ko at dinama si Jill sa loob.

Ang sabi ng OB ko ay next week pa ang expected kong panganganak. Pinaghalong kaba at excitement ang nararamdaman ko. Hindi na ako mapakali. Kating-kati na akong ipakilala ang anak ko sa mundo.

"I promise to be a good mother to you, Jill. Pangako na ikaw ang isa sa magiging swerteng anak at naging ina mo ako, hindi ka magsisisi. Ibibigay ko sa 'yo ang lahat ng pagmamahal na mayroon ako. Hindi ko ipaparanas sa 'yo iyong mga masasakit na napagdaanan ko. Kakayanin ko na igapang lahat ng mga gusto mo, magiging spoiled ka sa akin. That's my promise."

Wala sa sarili nang mapangiti ako. Isang tadyak sa tagiliran ko ang naramdaman ko dahilan para iinda ko iyon. Hindi ko rin alam kung ipagpapatuloy ko ba ang ngiti ko nang magtuluy-tuloy ang sakit.

Dalawang kamay na ngayon ang nakahawak sa tiyan ko, ramdam kong tila malalaglag iyon. Nataranta ako, lalo pa nang dumaloy ang masaganang tubig sa magkabilaan kong hita. Malakas akong napatili.

"Calvin!! Mama!" sigaw ko, napaupo ako sa dulo ng kama habang paulit-ulit na umaaray sa sakit na nanunuot sa akin. "Mama!"

Padarag na bumukas ang pinto sa kwarto ko. Iniluwa nito si Mama na kaagad nanlaki ang mga mata nang matunghayan niya ako. Umabante ito ngunit mabilis ding umatras. Animo'y hindi alam ang gagawin.

"Omo! Jinky! Haru, Diyos ko! Calvin!!" matinis niyang sigaw at sumungaw pa ang ulo sa kung saan siguro naroon si Calvin.

Mayamaya ay nilapitan din niya ako. Tangkang bubuhatin ako nito ngunit mabilis na nag-marterialize sa likod niya si Calvin. Gumilid si Mama upang bigyan daan ito. Natataranta man din ay seryoso akong binuhat ni Calvin.

Nagpatiuna naman si Mama upang mas buksan nang maluwang ang pinto. Nang makalabas ng bahay, si Mama ang naging traffic enforcer namin sa mga taong humaharang sa daanan.

"Tumabi kayo, mga hudas! Manganganak na ang anak ko! Tabi!!" paulit-ulit siya sa ganoon, gusto kong tumawa ngunit masyado akong apektado sa sakit na nararamdaman. "Tabi sabi! Kulit mo, ah!"

Wala pang pang-itaas si Calvin, mukhang nasa kalagitnaan siya kanina ng pagluluto para sa tanghalian namin. Mabuti rin at palagi niyang dala ang kotse nito sa tuwing pumupunta siya sa amin.

Si Mama na ang nagbukas ng pinto sa passenger's seat at doon ako inupo ni Calvin. Sumunod din naman si Mama. Maagap niya akong dinaluhan. Kita sa mukha niya ang labis na pag-aalala at pagkatakot.

Nights Of PleasureWhere stories live. Discover now