Chapter 8

620 52 1
                                    

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. Halos hindi ko makumbinsi ang sarili na narinig ko ang bagay na iyon— mang-aagaw? Iyon din ang salitang minsan kong kinamuhian.

Pagak akong natawa nang mapagtantong tila naulit ang nangyari sa amin noon ni Elsa. Ang kaibahan nga lang ngayon, ako na iyong masama. Ako iyong babaeng pumagitna sa dalawang taong nagmamahalan.

Wala sa sarili nang mapabuntong hininga ako. Naninikip ang dibdib ko at halos kapusin ng hangin ang dibdib ko. Parang hindi ko matanggap na kung kailan ko gustong sumaya ay ganito pa ang nangyari.

Bakit? Ano bang mayroon at bakit parang pinuputulan ako ng kaligayahan? Bakit palaging mailap sa akin ang kasiyahan?

"Mang-aagaw ang babaeng 'yon, Calvin!" sigaw ni Bianca sa labas, hindi ko siya makita ngunit kung ibabase sa boses niya ang emosyon nito ay alam kong galit na galit siya.

Nandito ako sa loob ng munisipyo. Pinapasok ako rito nina Ma'am Darlene kanina, marahil para iiwas na kay Bianca na nangagalaiti. O baka dahil hindi naman talaga kailangan ang presensya ko roon?

May punto rin naman si Bianca; salta lang ako rito. Kaya sino ba naman ako?

"Tama nga ang sabi-sabi nila rito, nilalandi ka niya! Inaagaw ka niya sa akin!"

"Bianca, stop!" singhal pabalik ni Calvin. "Paanong inaagaw? Naging tayo ba?"

"Ano pala, Calvin? Ano lang pala tayo kung gano'n? Sobrang close natin... ang sweet mo! Caring! Ang effort mong magpunta sa bahay namin para lang bisitahin ako!"

Hirap akong napalunok habang tahimik na pinakikinggan ang lahat. Tantya ko pa ay saglit na napahinto ang kasiyahan sa labas dahil sa kaninang nangyari. May ganito pang eksena at pareho silang nagsisigawan.

Sa totoo lang, sa ngayon ay wala pa akong maramdaman. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang unang mararamdaman ko. Nandoon na ako sa puntong nakakadismaya, may parte ring nagagalit na hindi ko alam kung kanino ko ibubuntong.

Gulung-gulo ang isipan ko. Nakikisali pa iyong nakaraan ko na siyang nauungkat ngayon dahil sa nangyari. Hindi ako makapag-decide. Masyado rin yata akong namanhid na pati ang pagtíbok ng puso ko ay hindi ko na maramdaman.

"Friends do that, don't they? We're friend, Bianca. Nothing special."

Friends, huh?

Nakagat ko ang pang-ibabang labi. Una rin kaming naging ganiyan, o ewan ko nga kung kaibigan na bang matatawag 'yon. Basta ang alam ko, lahat ng ginagawa sa akin ni Calvin ay siyang ginawa na rin niya kay Bianca.

Ibig sabihin ay wala ring special sa akin? Na kaya namang gawin lahat iyon ni Calvin sa lahat ng babaeng kaibigan niya. Ang malala, umaabot din hanggang kama. Umaabot din sa kasukdulan dahil gusto ko naman.

"In the first place, hindi ko naman nilinaw sa 'yo na nililigawan kita. Ikaw lang ang nag-assume," dagdag ni Calvin.

Halos magdugo na ang labi ko sa sobrang pagkakakagat ko roon. Kung hindi lang siguro ako nakaupo ay baka kanina pa ako natumba dahil sa sobrang panginginig ng dalawang tuhod ko.

Sana pala ay hindi na lang ako dumalo rito sa munisipyo. Mukhang ako pa ang nakasira sa mood nilang lahat. Ako pa ang dahilan kung bakit nahinto ang kasiyahan nila. Kung alam ko lang, sana pala ay nanatili na lang ako sa bahay at hindi na lumabas pa.

Ang dami kong pinagsisisihan. Una na roon ang pagpunta ko rito sa Isla Mercedes. Nakakatawa, iyong gusto ko lang namang mag-move on, pero panibagong sakit na naman iyong ipinaranas sa akin.

Hindi pa man ako sumasaya, panibagong lungkot ulit ang ipapadama sa akin. Panibagong takot na naman iyong mararamdam ko, takot na baka lahat na lang ng gawin ko ay mali.

Nights Of PleasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon