Chapter 5

880 65 0
                                    

"Ladies and gentlemen, welcome to the search for Mr. and Ms. Isla Mercedes 2023. To formally start the program, we would like to request everyone to stand for our invocation and Philippine National Anthem."

Ito na iyong araw mismo ng fiesta ng Isla Mercedes. Lahat kami ay nagtipun-tipon sa malawak na covered court ng munisipyo. Matapos naming tumayo ay saka inumpisahan ang panalangin na sinundan nang pagkanta ng Lupang Hinirang.

Halos mapuno ang lugar na ito para tunghayan din ang gaganaping contest. May ilang dumalo na bigating tao, mga kaibigan ng Mayor at iba pang kasama sa politika, na sila ring nagsilbing sponsor ng event.

First time ko lang makasama sa mga ganitong ganap ng mga probinsya, parang tradition na rin nila. Ibang-iba sa Manila. Ang saya pala at masasabi kong isa ito sa magiging memorable na alaala ko rito sa isla.

Siguro kung babalik man ako ng Manila, pupunta at pupunta pa rin ako rito sa tuwing sasapit ang fiesta. Para kahit man lang sa isang taon ay makadalaw ako rito sa pinagpalang lugar na ito.

"Live at the center stage, it's the Mr. and Ms. Isla Mercedes 2022. Let's all welcome our hosts for this evening Ms. Bianca Tumbali and Mr. slash Cop. Calvin Frias," ani isang boses mula sa background at natawa pa dahil sa huling tinuran nito.

Nangunot ang noo ko. Kaagad ding sinalubong ng tingin ang dalawang tao na siyang lumabas galing sa likod ng stage. Awtomatikong tumutok sa kanila ang spotlight. Nakangiti sila para salubungin ang masigabong palakpakan.

Nagbaba ako ng tingin sa kamay ng babaeng nagngangalang Bianca Tumbali, nakalingkis iyon sa braso ni Calvin. Maputi at matangkad ang babae, tunay ngang maganda. Hindi maipagkakailang pang-beauty pageant ang kaniyang itsura at tindigan.

Lumihis ang mga mata ko kay Calvin. Hindi ko alam kung ngingiti ba ako bilang kasiyahan na malamang dati pala siyang sumali sa ganitong event at nanalo pa bilang Mr. Isla Mercedes, o malulungkot dahil ito pala ang pinagkakaabalahan niya kaya hindi siya nagpapakita sa akin.

Akala ko ay busy lang siya sa trabaho at hindi na siya nagagawi rito sa munisipyo. Well, hindi ko naman siya hinahanap. Nagtataka lang din ako— at ito pala. Napanguso ako at kinimkim na lamang kung ano man ang ikinahahabag ng puso ko.

"Good evening, everyone! Tonight, witnesses, as twenty dazzling candidates present their very best and vie for the covetous crown right here at this stage," maligayang panimula ni Calvin.

"As the night fills with veer excitement, we will soon find out who will be the worthy title holders. I'm Bianca Tumbali," anang Bianca, kumaway ito sa madla at ngumiti nang ubod ng tamis.

"And I'm Calvin Frias. And this is—" Si Calvin na saglit tumigil para lang balingan si Bianca, pareho silang tumango sa isa't-isa bilang hudyat na sabay silang magsasalita. "Mr. and Ms. Isla Mercedes 2023!"

Muling nagpalakpakan ang mga tao sa paligid. Marami rin ang tumitili at nagsisigawan, kasunod nang masayang tugtugin. Sumasabay ang ingay nila roon, hindi maikukubling masaya ang lahat.

Bandang huli nang mapangiti rin ako. Hindi ko na lang pinagtuunan ng pansin kung bakit parang bumigat ang loob ko. Nakisali ako sa palakpakan. Katabi ko sina Ma'am Darlene at iba pang katrabaho mula sa harapan kung kaya ay hindi ako pwedeng mawala sa focus.

Sina Bianca at Calvin ang nagsilbing host sa gabing ito. Isa-isang ipinakilala ang mga kandidata sa harapan, nagpakilala at nagpagalingan sa kani-kanilang talent. Mayroon ding swimwear portion, sports attire. Panghuli ay ang formal attire.

Sa ilang oras na nagdaan ay marami ang nangyari at naganap sa entablado ngunit hindi ko halos iyon masundan. Sa sobrang kalutangan ko ay hindi ako makapagsabi kung sino ang napupusuan ko sa mga kandidatang naroon.

Nights Of PleasureWhere stories live. Discover now