"Mga hayop kayo! Akala ninyo magpapatalo ako. Well news Flash! Hindi niyo ako matatalo."- sigaw ng prinsesa at kinontrol nito ang lupa at pinalindol ng malakas.

"Shit! Kapit kayo! Masyadong malakas ang kapangyarihan na inilabas ni Cristel.!"- sigaw ni Cristan.

Bumuka naman ang lupa at nilamon ang mga nilalang sa kadiliman. Pinatigil na ng prinsesa ang pag galaw sa lupa kaya nag teleport na ang royalty sa kinaroroonan ng prinsesa at nakita nila na may isa pang kalaban si Cristel.

"Pagod ka na ba, Princess? Sumama ka na kasi sa akin."- nakangising wika ng lalaki.

"Hmm! In your dreams."- ani Cristel.

"Kung hindi man kita madala na buhay mas mabuti pa na mamatay ka na lang!"- sigaw ng pinuno sa kawal ng kadiliman.

"Pwes mauna ka!"- sabi ni Cristel at sinumon nito ang legendary sword at binato sa lalaki.

Parang mag slow motion ang lahat ng biglang sumigaw at humarang si Freezale sa pinuno ng kawal sa kadiliman.

"Noooo!!!"-

"Freezale!"-

"Loveee!!"-

Nagulat silang lahat sa ginawa ni Freezale ngunit huli na dahil bumaon na ang espada sa katawan ng dalaga.

"Zale! Anak! Anak! Lumaban ka! Anak!!!"- sigaw ng lalaki at kinandong ang anak na unti unti ng nawalan ng buhay.

"A-anak mo siya?!"- gulat na tanong ni Cristel.

"Pagbayaran mo ang pag patay mo sa aking anak!"- anito at sinugod ang prinsesa ngunit naunahan ito ni Knight at sinaksak ito patalikod. Agad naman itong bumulagta sa tabi ng anak.

Dahan dahan namang lumapit si Blaze sa walang buhay na katawan ni Freezale at niyakap ito. Napaluhod naman si Cristel sa nasaksihan! Labis siyang nasaktan ngunit sa mga nangyari mas nasaktan niya ang kanyang mahal.

"Patawad! Hindi ko sinasadya.. Patawad..."- bulong ni Cristel at nag uunahan ng namilisbis ang kanyang mga luha. Agad namang dinaluhan nina Knight at Cristan si Cristel.

Gulong gulo silang lahat sa mga nangyayari.

"Pinatay mo ang babaeng mahal ko."- wika ni Blaze at matalim na tumingin kay Cristel. Yumuko naman si Cristel dahil naguguilty siya.

"H-hindi ko sinasadya."- wika nito at paulit ulit na sinasambit.

"Pinatay mo siya! Pinatay mo ang mahal ko! Pashnea ka Cristel!"- galit na wika ni Blaze at sugurin niya sana si Cristel ngunit naunahan siya ni Stone at sinuntok siya!

'Czaquenna's pov'

Nag alala kaming lahat ng may naramdaman na kakaiba si Cristan kaya dali dali naming hinanap si Cristel. Nung lumindol ng malakas ay batid namin na malapit na kami sa kinaroroonan ni Cristel kaya ng tumigil ang lindol ay agad kaming nag teleport. Naabutan naman namin si Cristel at ang lalaking nakaitim na tila pinipilit si Cristel na sumama dito! Ngunit nag matigas si Cristel kaya papatayin na lang raw siya sa lalaki ngunit mas mabilis si Cristel agad niyang sinumon ang legendary sword at binato niya ito sa lalaki ngunit ang mas lalong nag pagulo sa amin ay ang biglang pag harang ni Freezale sa espada.

"Noooo!!!"-

"Freezale!"- sigaw namin.

"Loveee!!!"- ani Blaze.

Ngunit huli na ang lahat dahil bumaon na sa katawan ni Freezale ang espada ni Cristel. Hindi kami nakakakilos sa aming nasaksihan. Hindi paman kami nakahuma sa pagkagulat ay may panibagong pasabog naman kaming narinig.

"Zale! Anak! Anak! Lumaban ka! Anak!!!"- sigaw nung lalaki at kinandong si Freezale na unti unti ng nawalan ng buhay.

A-anak niya si Freezale? Ibig bang sabihin na kalaban siya? Pero bakit? Ano ba ang motibo nila? O my god! Muntik na kaming malinlang.

Bumalik lang ako sa realidad ng biglang sumigaw si Stone.

"Tumigil ka na, kuya! Hindi mo alam ang mga pinagdaanan ni Cristel kaya tumahimik ka!"- ani Stone na hinarang si Blaze. Susugurin kasi sana ni Blaze si Cristel.

"Hindi! Kailangan niyang pagbayaran ang ginawa niya sa mahal ko!"- galit na wika ni Blaze.

Naawa ako sa pinsan ko na si Cristel kaya nilapitan ko sila at inalo si Cristel na walang humpay sa kakaiyak at nagsimula na ring kumulog at umulan ng niyebe kaya inalo na namin siya.

"Stop it! Blaze! Wake up! Kalaban siya! Bakit hindi mo buksan yang mga mata mo ha?!"- napalingon ako kay Winter na galit na galit at sinampal si Blaze. Bigla namang tumindi ang tensyon sa paligid ramdam ko na ang galit nina Cristan at Knight.

"Sige na dalhin mo na si Cristel, babe."- sabi ni Winter kay Cristan.

Binuhat naman ni Cristan si Cristel at nagteleport na kami papunta sa dorm. Iniwan na namin ang abo ni Freezale. Ngunit batid ko na nandoon pa si Blaze.

Nandito na kami sa sala ng aming dorm at pina upo namin si Cristel.

"Magkuha lang ako ng tubig."- ani Icy

Tumango naman kami. Umiiyak nanaman si Cristel at tila may sinasabi ito na sa una ay hindi namin maintindihan hanggang sa naging malinaw.

"Nasaktan ko siya, kuya. Nasaktan ko siya. Napatay ko ang mahal niya. Kuya, hindi ko sinasadya. Patawad.. Kuya.."- parang may kumurot sa aking puso sa mga sinasabi ni Cristel. Inalo naman siya ni Ctistan.

"Shh,, tahan na wala kang kasalanan. Tahan na.."- alo ni Cristan sa kanya.

"Kasalanan ko. Nasaktan ko ang aking mahal kuya... Paano na?"- humihikbi na sabi ni Cristel.

Nang pumasok si Icy sa sala ay agad niyang pina inom ng tubig si Cristel.

"Pagpahingahin mo na siya, babe. Mag pahinga na rin kayo."- sabi ni Winter.

Tumango naman ang aming mga kasamahan. Dinala naman agad ni Cristan si Cristel sa silid nito na nakatulog sa kakaiyak.

"Naawa ako kay, Cristel."- napalingon naman kami ni Icy.

"Me too. Alam ko na nahihirapan siya."- sabi naman ni Autumn.

"Tiyak na kamumuhian siya ni Kuya."- sabi ni Stone.

"At tiyak na madudurog na naman ang aking prinsesa."- sabi ni Knight na sinang ayunan namin.

"Matulog na tayo. Sana matauhan agad si Blaze ng sa gayon hindi magiging huli ang lahat."- sabi ni Hera.

Andito na ako sa aking silid nakahiga sa kama. Hays.. Hindi ko lubos maisip ang mga nakakagulat na rebelasyon sa araw na ito. Una ang pagkamatay ni Freezale at pangalawa ang pagiging anak niya sa kalaban. Hay naku! Pero mas nakakaawa ang mahal kong pinsan. Tsk! Mas mabuti pa na matulog na lang..

-----------------
End of Chapter 17

Pasensya sa typos at grammar guys.

Note:

Matagal talaga ako bago makapag update at alam ko na alam na ninyo ang dahilan. Lalo na ngayon na malapit na akong manganak sa pangalawa kong baby. Kaya pasensya ulit! At maraming salamat sa inyong pag unawa...
I love you guys.. 😘😘😘😍😍😍





             ------
Sorraya_angel

Sapphire Diamond Academy 2: The new Legendary Twins(COMPLETED)Där berättelser lever. Upptäck nu