"Ayos nga lang, mang. Sasabihan ko kayo kung may kailangan talaga."

"Bibigyan kita bukas. Ang sobra ibili mo ng damit o kaya 'yong nauusong liptint."

Tumango na lang siya sa sinabi nito. Wala naman siyang magagawa dahil mapilit ito. Pasalamat niya na lang na mapagmalasakit ang kanyang mamang at hindi siya inabandona noong mga panahong kailangan niya ng kalinga.

"Ikaw nag-sabi kay mamang 'no?" Tinulungan niya si Tommy sa paghahain, ang anak ni Mamang na pinsan niya. Mas tumatangkad na ito kaysa sa kanya.

Ngumisi si Tommy. "I-libre mo na lang ako kung may pasobra, ate," sagot nito.

Napatawa siya. "Ang kulit mo rin 'no?"

Masaya siya dahil maganda ang schedule niya ngayong sem. Hindi kagaya noon na marami siyang vacant. Sa umaga ay 8.30 ang kanyang pasok hanggang 1PM and an hour vacant in between. At 2PM ay duty niya sa library everyday. Maliban sa maintaining grade ay kailangan niya rin ng regular duty to retain her scholarship.

"Oh fuck..." Dinig niya ang daing sa isang cubicle. Nanlalaki ang kanyang mata. Pinaandar niya ang faucet para naman makaramdam ang tao sa loob na hindi ito nag-iisa. Iisa lang kasi ang CR sa fourth floor ng library dahil hindi naman ma-tao ang floor na 'to.

"Shit... Ugh!" It's a man's voice, grunting sensually. What the hell is he doing inside? Nanindig ang kanyang balahibo. Lumabas kaagad siya ng CR matapos maghugas ng kamay.

Lumabas 'yong lalaki at laking gulat niya nang mapagtanto kung sino ito. Ito 'yong 'Ewan'! Bakit ang baboy ng lalaking 'to? Wala na talagang pinipiling lugar?

Her eyes widened. "What?" Nalilitong tanong nito.

"Were you... Were you jerking off?" singhal niya.

"Ano!?" He looked perplexed.

She gulped before exclaiming, "Kasi kung oo, magtatawag ako ng security!"

Napahagalpak ito ng tawa. He's really crazy. Lumapit ito nang bahagya. She step back defensively. Sisigaw talaga siya ng tulong dito.

His face turned red. "Teka lang naman..." Nagpipigil pa rin ito ng tawa. Hinawakan nito ang kanyang kamay nang akmang aalis na siya.

"Bawal ba tumae dito? Ang linis kasi ng cr niyo." He grinned.

Napatingin siya sa kamay nitong hawak ang kanyang braso. Sinamaan niya ng tingin ang lalaki. Hindi niya alam kung parehong kamay ba ang ginamit nito sa pag... She can't even dare to think about it!

"Sorry..." ika nito saka bumitiw. Napakamot ito sa ulo. She scoffed at him and walked away. The lesser she talks, the lesser the problem. Sana lang ay hindi niya na makita ang ka-wirduhan ng lalaking 'yon. Kailangan niya nang maibalik ang kanyang katinuan. Library is her favorite place in Gustavio and that guy really has to disrespect and taint every part of it.

"Hi, three days lang 'yan." Kinabukasan ay isinauli nito ang dalawang libro. Without looking at him, she grabbed both books and placed it on the cart. She just have to act civil. Gaano ba kahirap 'yon?

"Okay." She shrugged.

"Hi! I'm Shane." Great. Lumapit si Shane saka nagpakilala dito.

All Up In My Head [Completed]Where stories live. Discover now