KABANATA XLV: Dapithapon

Start from the beginning
                                    

Animo’y naramdaman na lamang ang pagbagsak ng aking luha at agad itong pinunasan. Panay ang paghaplos sa litratong nagpapakita sa akin ng dahilan para balikan ang araw na tila sinayang ko.

Kumuha pa ng isang larawang laman ay si Nikko na tila balot na balot ng lampin. Ako na lamang ay napangiti habang patuloy pa rin ang pagpawi ng mga luhang bumagsak.

“I miss you, nak,” bulong ko sa hangin habang hinahaplos pa rin ang larawan.

Ako na ay bumuntong-hininga at tiningnan ang likod nito’t laking gulat ko’y mayroon palang nakasulat.

---------------------------------------------------------

January 05, 2012

Love,

Nikko got my eyes, nose, lips and everything. Huwag ka ng umangal pa. Joke, I love you.

A.

---------------------------------------------------------
Ako na lang ay natawa pawang ilang segundong nakangiti’t patuloy pa rin ang pabalik-balik na mga tingin sa mga larawang aking nakita.

“Aya, I miss you. Tulungan mo naman ako kung saan ko mahahanap si Nikko oh. Ilang ulit na akong naghahanap, hindi ko pa rin siya nakikita.”

Mga salitang binigkas ko habang hinahaplos at tinitingnan ang larawan ni Aya.

Bigla akong napaigtad nang narinig ang malakas na pagkatok sa pinto ng kwarto. Agarang ibinalik ang mga litrato’t tula sa kahon at ito ay isinilid. Dali-dali namang binuksan ang pinto at laking gulat kong bumungad sa aking mga mata ang nahahapong si Tatay Gabo.

“Tay, ano bang nangyari sa’yo?” pagtataka ko’t agad itong inalalayan.

“Ikaw naman kasi eh, kanina pa ako katok ng katok, hindi mo ‘ko pinagbubuksan,” mabilis niyang sagot, “Hayaan mo na, tara aalis tayo.”

Gumuhit sa aking mukha ang pagtataka kung kaya ako ay agad na nagsalita. “Ha? Saan ba tayo pupunta? Pawisan pa ako eh.”

“Ano ba naman ‘yan. Sakto na ‘yan. Mabango ka naman eh,” sagot niya pa.

“Tay naman, sa’n ba talaga tayo pupunta? Kita mo pa ngang nagliligpit pa ako ng kwarto eh,” diin ko.

Ito ay umiling at sinenyasan ako na magbihis. Tila bang pagtataka pa rin ang nasa isip ko.

“Mamaya na ‘yan. Magbihis ka na, dalian mo!” aniya’t ako na lang ay agarang bumalik ng kwarto at nagbihis.

Ako na lamang ay bumuntong-hininga at hinubad na lamang ang aking damit upang magbihis ng mas kaaya-ayang damit. Nagsuot ng pantalon, kumuha ng medyas at nagsuot na ng sapatos. Pawang wala pang isang minuto’t bihis na agad ang aking sarili.

Aakma na sanang lumabas ng kwarto subalit ako ay napatigil nang natanaw ang isang kulay puting panyo na nasa aking kama. Kumunot ng ilang segundo ang aking noo ngunit ako na lamang ay umiling at ito ay ibinulsa. Tuluyan nang lumabas ng kwarto at ito na ay isinara.

“Tay, saan ba kasi talaga tayo pupunta’t nagmamadali pa tayo?” tanong kong muli sa kanya.

“Basta, tara na!” aniya.

“Tay, ano ‘to? Aalis tayo tapos hindi ko alam kung saan tayo pupunta?” saad ko pa sa kanya at ito na lang ay napameywang. “Sino magmamaneho? Ikaw?”

“Syempre ikaw. Alam mo namang hindi ako marunong magmaneho eh. Basta, tuturo ko lang sa’yo ang daan.”

Bumuntong-hininga na lamang ako ng paulit-ulit at napakamot na lamang ng ulo. Aakma na sanang lalabas ng bahay kung kaya pareho kaming naigtad ni Tatay Gabo nang bumungad sa aming pananaw ang animo’y paglitaw nina Jim, Rex at Xavier.

The Sunset's Cry (Nostalgia On Sunsets)Where stories live. Discover now