KABANATA XLIV: Ngiti sa Labi

Start bij het begin
                                    

Rinig ang palakpakan ng lahat ganoon na rin ang mga hiyawan.

“So Direk, can we hear any words from you regarding with this movie?” tanong pa ng emcee.

Inabot ang mikropono at agad akong nagsalita. “Good Evening everyone!” pagbati ko muna, “First of all, I would like to thank everyone who join us here in the premiere night of ‘We, Us, & Trafalgar’ and also thank you for having us in your priority watchlist for this year, CFFF...”

Ako ay huminga muna ng malalim bago nagsalita muli.

“Being a first time director is really a challenging opportunity. Hindi ako makapaniwala, Andromeda and Primavera offered me a movie na ililinya pa sa CFFF. I didn’t expect this to happen that from a writer to a director-writer, nabigyan ako ng light of encouragement para baguhin ‘yung sarili ko and I’m very happy that I made it at dahil ‘yon sa tulong nila.”

“It is really a light of encouragement, Direk,” wika pa ng emcee, “How about Jason and Sam, ano naman ang aabangan namin dito sa pelikula ninyo?”

Naunang nagsalita si Jason. “Of course, this movie is very promising. It’s not just about romances but it is also about sacrificing almost everything just to save your relationship with your partner. Ano ba ‘yong kaya mong isakripisyo na desisyon para sa ikabubuti ninyong dalawa?”

“Ano nga ba?” tanong pa ng emcee.

“’Yon ‘yung papanoorin ninyo,” sagot pa ni Jason kung kaya pareho na lang kaming natawa.

“Sige na nga,” sagot ng emcee, “Eh, ikaw Sam. Ano bang aabangan namin dito?”

“As what you have seen in the trailer or in the title itself, saan ba o ano ba ang Trafalgar? Ano ba ‘yung role niya sa istorya nina Brian at Elisse?” pangungusap pa ni Sam.

“Short but interesting. Kaya, aabangan natin ‘yan mayamaya ang ‘We, Us, & Trafalgar’," wika pa ng emcee. "So thank you, Direk, Jason and Sam, you may now go back to your seats..."

Isa-isa na kaming bumalik sa aming kinauupuan, katabi sa aking kaliwa si Sam at si Jason naman ay katabi niya rin.

"Buckle up your seats and prepare your tears because in a few seconds, we will be witnessing the much-awaited movie of the year, We, Us, & Trafalgar. Starring Jason Carranza, Sam Garcia and directed by Lance Samaniego..."

Hindi magmaliw na pagbatingaw ng mga hiyawan sa loob ng sinehan nang muling nagbigay ng pangungusap ang emcee. Tila ang mga ito ay nasasabik na nga sa pelikula.

Pawang kaming tatlo'y napapatingin na lamang sa isa't-isa. Ganoon na rin ang mas lalong pagbatingaw ng mga hiyawan nang pinatay na ang mga ilaw ng sinehan upang pelikula ay magsimula na.

Unang tunog ng musika, unang eksena ng pelikula. Tila, agad nairehistro ang saya sa mga mata't hindi maipaliwanag na abot-tengang ngiti ng labi.

Pawang hiyawan at pagdagungdong ng puso lamang ang naririnig habang nakatingin sa screen ng sinehan. Ako na lamang ay napahawak sa aking inuupuang silya.

"D-Direk, I hope they will love it until the end---" magkahalong kaba't sayang pag-utal ni Sam kung kaya ay hindi na nito na tapos ang kanyang pangungusap.

"We will hope for the better, Sam," sagot ko.

Natawa na lang kaming pareho at ibinaling na lamang muli ang tingin sa screen nitong sinehan.

Hindi maalis-alis na tingin sa screen, hindi naman sa kinikilingan ang aming gawa. Tila, mahusay naman ang pagkagawa't kuhang-kuha agad ng madla.

Nagdaan pang mga eksena, paulit-ulit na pagtawa ang naririnig pati na rin ang mga iyakan. Kahit man ay madilim ang palibot tila kitang-kita ang pagkahumaling ng mga manonood.

The Sunset's Cry (Nostalgia On Sunsets)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu