Chapter 1

17.2K 295 33
                                    

[ CHAPTER 1: START ]

Zein's POV

"Saan ba kasi tayo kakain?" bakas ang excitement sa tinig nito dahil sobrang lapad ng mga ngiti habang tinatanong ako ni Vanessa.

Nandito kasi kami ngayon sa MOA kasama ang mga kaibigan namin at siyempre my one and only supremo, my knight, my king, my jelly Ace. 

Pinuntahan namin ni Ace ang aming wedding coordinator, because finally, we're engaged, well hindi lang naman kami ang may happily ever after dahil syempre ganun din sila vannesa at Jerome, papahuli ba naman ang mga yun?

Napagplanuhan namin ni Ace na ikasal this year,  samantalang sila Jerome ay next year pa ikakasal.

Ikinasal narin sila ate at Raze a year ago, samantalang kakatapos lang ng kasal  nila Mia at Dave 4 months ago.

Nakakatuwa lang dahil kahit mag kakaroon na kami ng mga sariling pamilya, nananatiling matatag ang relasyon ng bawat isa.

Sumama sila Vanessa samin ni Ace dahil gusto daw nila ako i-support, mas excited pa sakin ang mga ito. Natatawa na nga lang ako kasi para silang shunga kanina, nung nag susukat ako ng gowns aba'y maluha luha akong tinitingnan.

*TOKK*

ARAY!

Nabalik ako sa reyalidad ng batukan ako ni vannesa sa ulo, ang sakit nun ah! Hinimas ni Ace ng marahan ang ulo ko, at agad ko naman tiningnan ng masama si vanessa pero parang hindi nabahala ang gaga dahil tinaasan pa niya ako ng kilay. 

Aba!

"What was that for?" Iritang tanong ko kasi kung makabatok kulang na lang tanggalin ang ulo ko sa sobrang lakas.

"Para namn mapansin mo kami at kanina kapa tulala!" Hindi na niya kakailanganin pa ng microphone sa sobrang lakas ng boses niya, sapat na nga ang tinig niya upang maagaw namin ang atensyon ng mga tao kaya't kami ay pinag titinginan. 

Bitch.

Ingay kasi.

Napakamot na lang ako ng ulo at napapayuko dahil sa hiya at hindi ata napapansin ni Vanessa ang malakas niyang boses o sadyang wala talaga siyang pakialam ang gaga.

" Saan ba tayo kakain?" Salubong ang kilay na tanong niya sa'kin.

" Kanina pa kami nag tatanong wala man lang sagot na nanggagaling sayo!" sapat na iyong boses niya para hilingin ko na sana lamunin na ako ng lupa dahil sa sobrang hiya kaya bago pa kami mapalabas ng guard dito ay  walang pag aalinlangan  ko namang tinakpan ang bibig niya.

Iniisip siguro nila na magkapatid kami at para kaming bata na nag aaway dahil sa damit.

Bwisit!

" Stop shouting!" Suway ko sakanya at napapailing na lamang sila Dave saamin "  I guess sa food court na lang tayo kumain, mas maraming choices." suhestiyon ko habang  nakatakip parin ang kamay ko sa bibig niya. Agad naman nitong tinanggal ang pagkakatakip ng aking kamay  sa kanya bago ako bigyan ng  mapanglisik na titig.

Nag rolled eyes ito bago ako talikuran, aysh.

Sa food court na lang kami kumain para maiba namn at alam ko bar na naman ang sasabihin nila Cedric, wala ako balak mag buhat ng lasing.

" Pareng Ace libre ka namn ng.... " Pineke pa muna nito ang pag ubo bago ipagpatuloy ang kanyang sinasabi na wala namang sense. ".... alam mo na yun" parang tangang sabi ni Cedric kay Ace at tinulak pa ito kaya tiningnan naman siya ng masama ni Ace.

Return To Hell University Where stories live. Discover now