"Sige, salamat." Nagkanya kanya na naman sila ng usapan.

Maya maya may dumating na cake. Bigla akong natakam dahil mocha flavour. Gusto ko no'n! Ako magbubukas! Ako magbubukas!

"Nandito na pala yung cake!" Kinuha ni Art 'yon. Naghiyawan sila at may kinalikot sa cake bago ilabas sa box.

Tumayo silang lahat habang ako nakaupo. Nang tignan ko ang cake ay nakita kong may kandila 'yon at may nakalagay na 'Happy Birthday, Brie! From : Us!'  Napangisi ako nang makita kung saan galing. Hindi naman sila nagtipid sa sulat niyan.

"Tayo na, Brie!" Iginiya nila akong tumayo at kinantahan ng happy birthday. Ngiting ngiti ako dahil para silang mga bata kung kumanta.

"HAPPY BIRTHDAY!!!" Sigaw nila.

Inilapit nila sakin yung cake. "Wish muna." Sabi ni Kristine na nasa tabi ko. Ipinikit ko ang mga mata ko at nag-wish.

Sana may laman na ang t'yan ko at sana umuwi na si Dereck dahil miss na miss ko na siya.

Minulat ko ang mga mata ko at hinipan ang kandila. Naghiyawan na naman sila at kinuha ang mga alak nila samantalang ako ay iced tea ang kinuha.

"Para kay Brie! Happy birthday! Sana magka-lovelife na siya!" Sigaw nila at nag-cheers kaming lahat.

Madami pang dumating na pagkain kaya inihanda ko na ang pera ko. Kaya ko 'to.

Maya maya lumapit samin yung waiter at sinabing pwede na kumanta si Paul. Naghiyawan kaming lahat at nag-cheer sakanya.

Medyo nag-aalala ako dahil medyo nalasing na siya pero alam kong kaya niya na ang sarili niya.

Tumikhim siya at humarap sa microphone.

"Happy birthday nga pala, Brie. Sana nag-eenjoy ka ngayong birthday mo," Tumikhim ulit siya. "Para sayo 'to."

Ngumiti ako at tinignan siyang may sinasabi sa mga kasama niya sa stage.

[ Pangarap lang kita — Parokya ni Edgar ]

"Mabuti pa sa lotto, may pag-asang manalo... 'di tulad sayo, impossible...
prinsesa ka ako'y dukha, sa TV lang naman kasi may mangyayari." Muntik na akong kilabutan sa boses niya. Sobrang lamig no'n.

"At kahit mahal kita... wala akong magagawa tanggap ko 'to aking sinta. Pangarap lang kita..." Ipinikit niya ang mga mata niya.

"Ang hirap maging babae kung torpe iyong lalaki, kahit may gusto ka... 'di mo masabi. Hinde ako iyong tipong nagbibigay motibo. Conservative ako kaya 'di maaari." Pigil ko ang ngiti dahil inartehan niya pala talaga ang salitang 'Conservative'

Minulat niya ang mga mata niya at doon nagtama ang paningin namin.

"At kahit mahal kita... wala ako magagawa tanggap ko 'to aking sinta. Pangarap lang kita." Ngumiti siya sakin.

"At kahit mahal kita... wala ako magagawa tanggap ko 'to aking sinta. Pangarap lang kita." Hindi niya 'yon kinanta. Diretsyo niya 'yong sinabi sakin.

Nagpalakpakan na sila. Bumaba na siya ng stage pagkatapos niyang magpasalamat.

"Ayos 'yon, ha?"
"Aminan ba ngayong gabi?"
"Oo, aminan na kaya umamin ka na na may pagnanasa ka sakin."

Nagbulyawan na sila pero hindi pa din no'n nakuha ang atensyon ko. Umupo na kasi ulit sa tabi ko si Paul.

"Ayos ba?" Bigla niyang tanong.

A Deal with Mr. Billionaire [ Billionaire Series #1 ]Where stories live. Discover now