"Alam mo bang mahal ka pa din ni Papa, Mommy?" Tanong ko sa kanya. Napatigil siya dahil duon, sandaling nabato at hindi nakaimik.

"Mahal ka pa din ni Papa. But then, he choose to let you go kasi alam niyang diyan ka sasaya. Just want you to know na, you got your great love back there..." pagpapatuloy ko. Ramdam ko ang pagkawala niya sa sarili.

"Everyone has their great love, yung iba swerte if they end up together. Yung iba naman hindi." Pagpapatuloy ko. Diretso pa din ang tingin ko kay Mommy, nanatili ang kanyang mga mata sa baba. Hindi magawang tumingin sa akin, i hope she is thinking.

"Papa is your great love. And you let him go" deklara ko. Pagkasabi ko nuon, nakita ko kung paano unti unting pumula ang kanyang mga mata.

Hindi ko napigilang hindi maging emosyonal. "I'm going to let go Piero too...my great love" pumiyok na sabi ko sa kanya. Nang marinig ang aking pagpiyok ay tsaka lamang niya nagawang tumingin sa akin.

Napatango tango ako. "Maybe you have your reasons kung bakit mo iniwan si Papa. Ako din meron" pagpapatuloy ko.

Nabigla ako sa biglaang paghagulgol ni Mommy. Inasahan ko na ang pagiging emotional niya, pero hindi ko inaasahan ang ganitong klaseng pagiyak mula sa kanya. "Iniwan ko ang Papa mo, dahil hindi ako nakakabuti sa kanya. I was toxic for him! Too toxic..." umiiyak na sumbong niya sa akin. Hindi ko napigilang mapaluha kasama siya.

Naiintindihan ko Mommy, naiintindihan ko. Na kahit siya ang lakas ni Papa, siya din ang kahinaan nito. We're on the same boat.

Kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko matapos ang paguusap naming iyon. I wish, kahit papaano I touched her heart. Bumalik ako sa bahay ni rajiv, anduon na si Papa at naabutan jo silang magkasama sa may sala, seryoso ang paguusap.

"Ate!" Sigaw ni Akie sa akin, tumakbo ito sa akin para salubungin ako. Niyakap ko siya ng lumapit siya sa akin, excited sa aming pagalis. Matagal na niyang gustong makapangibang bansa.

Dahil hindi naman sinasabi ni Rajiv at Papa sa akin ang ilang mga problema, pinili ko na lamang na bumalik sa aking kwarto. Muli akong tumingin sa kama, kailan kaya magsasawa ang katawan kong humiga dito? Habang namamahinga ay nagbasa basa ako ng libro. Kailangan ko iyon para sa baby. Sana maging matalino din siya kagaya ng Daddy niya.

Kasabay ng paglipas ng isa pang araw, unti unting nababalot ng lungkot ang aking buong sistema. Kahit ilang beses kong kumbinsihin ang sariling ganito talaga ang buhay, hindi pa din madaling tanggapin.

"Amary, hold on. Hold on!" Natatarantang sabi ni Rajiv. Binuhat niya ako mula sa pagkakasalampak sa sahig ng aking kwarto. Muli nanaman akong inatake ng paninikip ng dibdib. Hindi ko kinaya ang kirot na nararamdaman ko sa aking dibdib kaya naman mas pinili na nilang dalhin ako sa hospital.

Kumalma din ako matapos ang ilang oras. Nang imulat ang aking mga mata, ang mugtong mga mata ni Papa ang kaagad na sumalubong sa akin. Kahit nanghihina, nagawa ko pa din siyang ngitian. Gustuhin ko man sanang paabutin iyon hanggang tenga ay hind ko na nagawa pa.

Marahas akong napaupo ng muling naramdaman ang pagikot ng aking sikmura. Mabilis na dumalo si Papa para tulungan ako. Kasabay ng aking pagkaduwal ay ang muling pagkirot ng aking dibdib.

"Ahhh!" Daing ko dahil sa sobrang pagkirot ng aking dibdib. Kaagad na pinindot ni Papa ang kung ano sa itaas ng aking higaan para tumawag ng tulong.

"Sobrang sakit po, Papa..." umiiyak na sumbong ko.

Hindi rin naman nagtagal iyon lalo ng dumating ang doctor at ilang nurse. Mas lalong nanlata ang aking katawan dahil sa naging tagpo kanina. Habol habol ko pa rin ang aking hininga. Marahan kong minulat ang aking mga mata. "Papa..." tawag ko sa kanya para sana sabihing ayos lang ako at hindi niya kailangang magalala.

The Heartless Master (Savage Beast #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon