Chapter 36: Mystery painter

11 1 0
                                    

Dumating na si prinsesa li wei na nakasuot ng pulang damit na syang nagpaangat sa ganda nya habang katabi nya ang prinsipe na nakasuot ng magandang damit na may kulay ginto na sequences ,na parehas na mahaba ang mga ito na sumayad sa nilalakaran nilang pulang tela patungo sa harap ng hari at reyna



nang makarating na silang dalawa doon ay yumuko sila ng tatlong beses sa sahig at tumayo ang hari habang sila ay nakaluhod

"ngayong araw ang mahalagang araw sa ating kasaysayan , ibibigay ko sa aking susunod na tagapagmana ang aking korona , naway maging mapayapa,makapangyarihan at kalugolugod ang iyong pagiging hari anak , "sabi ng hari habang nakangiti sa anak


tumayo ang lahat habang ang prinsipe at prinsesa lamang ang nakayuko

"ikaw prinsesa yumi fei bilang reyna , magsisilbi kang ina ng buong bansa naway , maging masigla,mabuti kang asawa sa hari at taga pangalaga ng inyong magiging anak , gayundn ng buong mamayan ng ating bansa "ipinatong nya kay prinsesa li wei ang espada ,mataos ay ang malaking korona na maraming palawt na ginto na lalong nagpaganda sa sa kanya "ikaw na ngayon ay tatawaging reyna li wei sa ating susunod na henerasyon , bigyan mo nawa ng masisiglang mga anak na lalaki ang hari "nakangiting sabi ng hari na yumuko ang mga tao sa prinsesa habang seryoso lamang ang mukha nito



"binabasbasan ko kayo sa pamamagitan ng espada ng ating mga ninuno, ikaw prinsipe daryun ang syang mangangalaga sa ating buong bansa , ang proprotekta sa lahat ng mamamayan kapalit ng iyong buhay ,ang syang tatayong ama ng royal family at ng buong bansa "sabi ng hari ng nilalapag sa balikat ng anak ang espadng hawak at saka naman inabot muli sa alalay nito at kinuha ang malaking sombrero na naglalarawan ng kanyang korona at ipinatong sa anak

"ito ang magsisilbing simbolo ng iyong katapangan at kapangyarihan mnaway mabuhay ka sa mahabang panahon aking anak " sabi ng hari



yumuko ang lahat sa mga bagong hari at reyna matapos na masayng binati ang dalawa "mabuhay ang haring daryun at reyna li wei ..... mabuhay ...mabuhay ..."sabay sabay na sigaw ng mga tao



yumuko ang dalawang hari at reyna sa mga tao matapos ay muli silang humarap sa amang hari at reyna,muling tumayo ang hari sa harap nila habang nasa mataas na hagdan ' ngayon naman bilang susunod na hari ng ating bansa , ipinauubaya ko sayo ang pnagangalaga ng mga sagisag , naway itoy maging proteksyon natin sa mga kaaway , pangalagaan mo ito ng iyong buong buhay ' inabot ng hari kay prinsipe daryun ang espada ng sagisag ng apoy , gayundin ang hangin at kinuha ny ito






"maraming salamat po ama. pinapangako ko pong pangangalagaan ko ang buong bansa ng buong buhay ko "sabi ni haring daryun ng humarap sa mga taong naghihiyawan at nagbubunyi sa kanilang paggiging hari at reyna


lumibot sila sa buong palasyo maging sa buong bayan para makita ang mga mamamayan nila ,na naghihiyawan at tuwang tuwa ng makita ang karwahe nilang dumaan sa byan, kasunod noon sila yesa na naglalakad habang tuwang tuwa sa mga pagdiriwang na may mga konfete pang bumababa sa lupa



"nakakatuwa naman dito , ganito pala sila magcelebrate ng papalit na hari at reyna , parang sa pagiging presidente lang din , wow ang daming mga tao 'tuwang tuwang sabi ni yesa ,habang nasa tabi nyang naglalakad si juang kasama sila hoshi at shiba nanasa likod nila na kumakaway sa mga tao



"oo ganito talaga kami magdiwang sa mga magiging hari at reyna ,"sabi ni juang habang nakangiti na kumakaway din " halika yesa may pupuntahan tayo 'hila nya kay yesa na agad silang sumingit sa mga tao



agad naman na sumunod sa kanila si shiba at hoshi 'sandali lang sila shiba pa"pigil ni yesa sa kamay ng nasa likod sila shiba


"okay lang master , "naglaho ang dalawa at agad na napunta sa kamay ni yesa para hindi sila makaestorbo sa dalawa , habang ang sagisag ng apoy naman ay nakay prinsipe daryun na nasa loob ng karwahe



OVER THE MIRROR(completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon