Kabanata 21

22.2K 737 644
                                    

We both fell asleep as we cried together. I woke up with my head still on her lap while she rest her back on the chair. Napatitig ako sa mukha niyang maaliwalas at mahimbing na ang tulog. Dahan-dahan akong tumayo upang hindi siya magising. Sandali akong nag-stretch dahil nangalay ako. Pagkatapos ay ilang minuto ko pa siyang tinitigan bago buhatin.

"Hmm... ang gaan." Bulong ko nang mabuhat ko na siya. Maingat akong naglakad patungo sa kanyang kwarto at marahan ding sinara ang pinto para hindi siya magising. Inayos ko ang unan sa kanyang kama bago ko siya marahang hiniga roon. Kinuha ko ang comforter para maikumot na rin sa kanya, masyadong malamig dito sa kwarto niya. Inayos ko ang takas na buhok na humaharang sa kanyang mukha. "Maganda ka palagi," maingat kong dinampi ang labi ko sa noo niya. "Sleep well, baby."

Paalis na sana ako nang hilahin niya ang kamay ko, mahigpit siyang humawak dito. Bumilis na naman ang tibok ng puso. Damn. She's making me crazier for her. "Stay, baby." Nakapikit niyang sabi sa akin subalit malinaw naman ang pagkakarinig ko. Parang umaangat ang mga paa ko at dinadala ako sa langit nang marinig iyon sa kanya. "I love you so much, baby." Napakapit ako sa dibdib ko, mariing napapikit habang nakapaskil sa mukha ang malapad na ngiti.

Hindi siya bumitiw sa mahigpit na hawak sa kamay ko, kaya umupo na lang ako sa lapag at sumandal sa gilid ng kama niya habang magkahawak-kamay. Tiningala ko siya para saglit na matitigan hanggang sa hilahin na ako ng antok, may ngiti pa rin sa aking labi. Sa pagkakatanda ko ay 2:30 AM na iyon sa kanyang wall clock.

Nagising ako na may comforter nang nakakumot sa akin habang nasa lapag pa rin, seven o'clock na sa orasan niya. Napalingon ako sa kama pero mukhang bumangon na siya. Kinuha ko ang comforter upang mabalik nang maayos sa kama niya. Doon ko napansin na may nakadikit palang sticky note sa mismong comforter. Baby, I can't carry you like what you did for me. I think a comforter will do. Thank you! I love you so much. That note already complete my day.

Lumabas ako ng kwarto niya at dumiretso muna sa bathroom niya, may extra toothbrush dun na ginamit ko kagabi, katabi ng sa kanya. Napangiti ako, para kasing magkasintahan na magkaharap. Nag-toothbrush akong ngiting-ngiti. Naghihilamos ako nang kumatok si Yshara sa pinto. "Baby?" Nag-hmm lang ako kasi naghihilamos pa. "Breakfast is ready. Kain na tayo!"

"Okay, I'm done." Lumabas na agad ako ng bathroom pagkatapos maghilamos, napaatras pa ako nang bahagya nang bumungad sa akin ang mukha niya. Hindi pala siya umalis, hinintay niya akong lumabas. Ngumuso siya nang magkatitigan lang kaming dalawa at sabay na napangiti.

We are having pancakes, bacon and sausages for breakfast. Napatitig ako kay Yshara habang tahimik kaming kumakain, nag-angat siya ng tingin sa akin. "I love you." Ani ko, napaawis kami ng tingin pareho. Sa peripheral vision ko ay pansin ko ang pagngiti niya na kapareho ng akin.

The feeling someone can get when in love is overwhelming, very heartwarming. Malumanay at paulit-ulit na hahaplos sa puso mo. That's what I'm exactly feeling right now.

"What shall we do today?" Tanong ko sa kanya habang naghuhugas ako ng mga pinagkainan namin. Pareho kaming walang pasok kaya naman kanina pa kami nag-iisip ng pwedeng gawin. "May mga gusto ka bang gawin?" Umiling-iling siya. Napakunot ako ng noo. "Hmm, uuwi na lang ako?" May kaunting tampo sa tono ng boses. Bahagya siyang natawa tsaka yumakap mula sa likuran.

Tumingkayad siya upang mailapit ang mukha sa may tainga ko. "Baby, kahit saan basta kasama ka." Damn it. Kinikiliti ng boses niya ang buong pagkatao ko.

Mahal na mahal ko ang babaeng ito. Mas humigpit pa ang yakap niya sa akin at tsaka sinandal ang ulo niya sa likuran ko habang tinatapos ko ang pagbabanlaw sa mga pinagkainan namin. "Kahit saan. I just wanna cling on you, so bad. Every day. I love you..." Nabitiwan ko ang kutsara at tinidor, mabilis akong umikot paharap sa kanya para mahalikan siya sa noo.

Until You Say It [Completed]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن