Kabanata 13

20.1K 746 467
                                    

Hanggang sa matapos ang immersion ay naging ganoon ang set up namin ni Yshara, ihahatid ko siya sa kanila pagkatapos ng immersion ko, sandali kaming magdi-dinner kung minsan sa labas. I can feel that she's almost comfortable with my presence kaya naman sinusulit ko ang bawat araw na kasama ko siya.

May ilang araw na nale-late ako sa oras na dapat susunduin siya at matiyaga naman siyang maghihintay sa akin kapag ganoon nga. Tulad sa araw na ito, medyo late ako kaya naman naabutan ko siyang nakasandal sa pader ng building nila habang marahang pinapadyak ang sapatos, tila nagbibilang sa kanyang isipan.

I get my phone from my pant's pocket and take a photo of her, a stolen shot. Nang mapansin niya ako ay agad ko ring tinago ang phone ko. She smiled at me. "Finally you're here!" I pinched her cheeks just the moment I am so close to her. Ngumuso siya sa ginawa ko, pero sanay na ganoon ako minsan, she's getting extra beautiful and cute everyday.

"I think someone really miss me that much," patuya kong sabi sa kanya. "We're seeing each other everyday. Pero miss na miss na agad ako," I chuckled. Sinamaan niya ako tingin bago tinalikuran at mabilis na naglakad, tulad ng dati ay naaabutan ko pa rin siya ano mang bilis ng lakad niya. Sinakop ng kamay ko ang kamay niya, napangiti ako nang hindi siya tumanggi, sanay na. "Are you free tomorrow?" Agap na tanong ko sa kanya. Sandaling nag-isip bago tumango.

Bigla siyang kumalas sa hawak ko, may sasabihin, "I made an appointment with Dr. Kaye...uh, can you accompany me?" unti-unti akong napangiti nang malaman yun, I widely open my arms for her. Nagtataka siyang tumingin sa mga braso kong nag-aabang sa yakap niya. Nang matanto ang gusto kong mangyari ay unti-unti siyang yumakap sa akin.

Marahan kong hinagod ang likod niya. "I am the happiest. I will always accompany you, wherever you wanna go," naramdaman ko ang pagtango niya sa may dibdib ko.

Yshara opening herself to the possibility of talking again is the one thing I'm always looking forward to see.

"Dinner tonight? I got my paycheck!" Pinakita ko sa kanya iyon, natawa lamang siya habang naiiling bago tumango sa akin. "I can take you to a fine dining tonight." Ani ko sa kanya, subalit umiling agad siya.

"I'm not that hungry." Sinimangutan ko siya. "We can just eat at another fast food restaurant, just like the usual...no need for a fine dining one."

"But I work hard for this..." Maliit ang boses na tugon ko sa kanya bago pagbuksan ng pinto ng McLaren.

"I know that you work hard for that, and that's supposed to be for yourself. I can still pay for my own, it's nothing much." Magrereklamo pa sana ako nang ipagpatuloy niya ang pagsi-sign language niya. "Save that for your future."

"But you're my future." I want to argue about it so bad, lagi niyang tinatanggihan yung mga bagay na gusto kong medyo i-spoil siya. I know I should be thankful because there's still this girl who's always contented with just simple things as long you're both together, but the thought of spoiling her a little, makes me want to even work harder everyday. Hindi ko naman basta nakukuha itong pera na ito, I also work hard for this.

"Ang pera mabilis maubos 'yan. You know me, I'm not picky, I can eat wherever I want to eat, be it street food. Masaya akong kasama ka tuwing ginagawa ang simpleng bagay na iyon. Please don't spoil me, I don't think I deserve it yet." Ngumiti siya sa akin para i-assure ako. "Ayokong darating 'yung araw na maiisip mo na sayang lahat, we just enjoy every little thing we can do for each other to make it work." Sa huling sinabi ay hindi agad ako nakapag- react, she's a very intelligent person, I've always known that but seeing her explain things to me now, opening to me what she really feels, pakiramdam ko iba na ang halaga ko sa kanya kumpara noong una, I'm more important now.

Until You Say It [Completed]Where stories live. Discover now