Chapter 1: Knowing

20 3 0
                                    

"Gab! Gab! Gising!" sigaw ni mama sabay katok sa pintuan ng aking kwarto.

Binalot ko ng kumot ang buong katawan ko, "sandali lang, ma. Five minutes pa, please." Sobrang antok ko kaya tinatamad akong bumangon mula sa pagkahiga.

"Anong five minutes? Naku, 'tong batang 'to. Bumangon ka na diyan at late ka na sa unang araw mo sa eskwela," sumbat ni mama.

     "Unang araw sa eskwela,
     Nawawalan ako ng gana,
     Ewan ko ba kung bakit ngayon pa,
     Gusto ko pa sanang matulog buong
     umaga."

"Bangon na!" sigaw ulit ni mama.

"'Eto na po," tugon ko.

     "Pero wala naman akong magawa,
     Sigaw ng sigaw si mama,
     Galit na galit, ang aga-aga,
     Pagbaba'y ako nama'y binola."

Bumangon ako mula sa pagkahiga, inayos ang kama, naligo, nagsipilyo, nagsuklay, nagsuot ng polo shirt para magmukhang cool, inayos ang bag at 'di nagtagal, bumaba na ako to take a meal.

"O ayun, bumaba ka rin sa wakas, halika na at makapag-almusal, ang gwapo naman ng anak ko," tawag ni mama sa akin na may kasamang pambobola.

Umupo na ako sa mesa at kumain, "wow, hotdog! Paborito ko 'to!"

"Excited ka na ba sa bago mong school?" tanong ni mama.

"Ma, sa dinami-dami ng school bakit doon at private pa, mahal doon, ma, sana 'di niyo nalang ako trinansfer ni papa, eh doon marami akong kaibigan, maraming magagandang babae at public school pa," sagot ko kay mama.

"Anak, mahusay magturo ang mga teachers doon at isa pa, makakahanap ka din ng bago mong kaibigan doon," dagdag ni mama.

"Ako naman ang hahatid at susundo sa'yo sa school," sabi naman ni papa.

"Gusto ko sa dati kong school eh," pagmamakaawang sabi ko sa kanila.

"Trinansfer ka namin ni papa mo para tumino ka, Grade 8 kana, mag-focus ka naman sa pag-aaral at hindi paglalaro ng computer inaatupag mo, palagi ka nalang nagka-cutting classes," sumbat ni mama sa akin.

'Di na ako nagsalita pagkatapos sabihin ni mama 'yon. Pagkatapos kong kumain, nagpaalam na ako kay mama at umalis na. Hinatid ako ni papa patungong eskwela. Habang nagbabyahe kami, may napansin akong mga estudyanteng nagtatakbuhan, naghahabulan, nag-uunahan na para bang takot na mahuli sa eskwela.

     "Pagkatapos ng almusal, agad nagpaalam,
     Hinatid ako patungong skwelahan,
     Pagbaba'y kumaway,
     'Eto ako ngayon, bagong buhay."

"Mami-miss ko ang mga dati kong kaklase," sabi ko sa sarili ko.

At nang nakarating na kami, itinabi ni papa ang sasakyan sa tapat ng school at doon na ako bumaba.

"Bye, pa," pamamaalam ko kay papa sabay kaway.

"Susunduin kita bago mag-5-o'clock," sabi ni papa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 01, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love's Whisper (On-Going)Where stories live. Discover now