Prologue: The Call

29 3 0
                                    

     "Sa bawat kislap ng mga bituin,
     Sa bawat hampas ng malamig na hangin,
     Habang nakatingala sa langit,
     Hinding-hindi ko makakalimutan ang
     nakaraang dulot ay sakit."

Nakaupo ako sa isang sulok ng aking kwarto, tinitignan sa cellphone na hawak-hawak ang oras na patuloy sa pagpatak. Agad akong tumingala sa bintanang malapit sa akin, minamasdan ang mga bituing walang kupas sa pagkinang na para bang mga diyamanteng nagtatago sa mga kulay nyebeng ulap.

Biglang may sumagi sa aking isip, isang pangyayaring gabi-gabi bumabalik, pangyayaring ni minsan 'di ko nakalimutan. I used to think it every night. I wanted to forget it but can't get out of my head.

"Bakit 'di ka maalis-alis sa isip ko?" Tanong ko sa sarili ko. "Ano bang meron ka at palagi nalang ikaw ang laman ng isip ko?"

     "Gusto ko na sanang kalimutan
     Nakaraang kay sakit balikan,
     Pero paano ko 'yon maiiwasan
     Kung sobrang tagal na ang ating
     pinagsamahan?"

Habang palalim ng palalim ang gabi, unti-unti na ring pumipikit ang mga mata ko, para bang gusto na nitong magpahinga. But before I get back to my bed, in that certain moment, my phone rings. Dali-dali kong inabot ang phone kong nakalapag sa mesang malapit sa kama ko.

I checked my phone why it rings and I received a call from an unknown caller. Gusto ko sanang sagutin 'yon kaso antok na antok na ako at baka wrong number lang ang tinawagan niya. Hindi ko sinagot ang tawag at bumalik sa aking kama.

Nang nakahiga na ako, biglang nag-ring ulit ang phone ko. Bumangon ako mula sa pagkahiga at inabot na naman ang phone ko. I checked again, it's from the same caller who called earlier.

"'Di kaya sya nagkamali ng tinawagan?" sabi ko sa sarili kong naiirita dahil sa antok.

     "Matutulog na sana ako,
     Nang ako'y biglang tinawagan mo,
     Hindi ko alam kung anong sasabihin 'pag
     sinagot ko,
     Ako'y natataranta, naiihi nang dahil sa'yo."

Nang sinagot ko ang tawag, may narinig akong isang misteryosong boses ng isang babae mula sa kabilang linya na para bang natataranta din.

"Hi, Gab," sabi sa kabilang linya.

I'm Gabrielle Gin Gantores, 19 years old, an incoming freshmen college student of University of the Philippines Visayas, taking Bachelor of Secondary Education (BSED) major in Mathematics.

"Hello," tugon ko. "Sino 'to at bakit mo alam ang number ko?"

"Ako 'to si Trina, ah, eh, humingi ako sa classmate natin," sagot niya.

She is Katrina Kaye Mayumi, 19 years old, she applied at the same school, same course taken. I'm 2 months older than her. She's my classmate since Grade 7. Pareho naming paborito ang asignaturang Matematika kaya doon nagsimula ang closeness namin sa isa't isa. We've been in a relationship for 4 years and now, she's my ex-girlfriend.

Love's Whisper (On-Going)Where stories live. Discover now