Obsession 1: Mafia's Obsession

6.2K 60 5
                                    

You need to read first the story of Zrel and Kevin before you'll read this. Halos nabangit na kasi doon kung papaano ang flow ng love story ni Xavier at para hindi rin kayo maguluhan. Pero don't worry, I'll try my best na maintindihan niyo ang story nato without reading the first two. Enjoy reading <3

⚛⚛⚛

X. A. V. I. E. R (Point of view)

"Come to my office, Xavier. Asap."

Napabuga siya ng hangin sa sinabi ng ama niya. Papapuntahin niya ba ulit ako dun para sa pesteng fix marriage na 'yun?

"Why would I go there dad? Inaasikaso ko ang farm ni Tito."

Nandito ako ngayon sa farm ng Tito ko. Actually dito ako lagi pumupunta, tanging ako lang kasi ang inaasahan ni Tito na mag-asikaso sa farm niya dahil wala naman pake ang pinsan ko sarili nilang farm.

I bet you already know my cousin. Siya lang naman ang pinsan kong malantot. Walang alam 'yun kundi mag-babae kaya hindi siya inaasahan ni Tito sa farm o kaya sa business niya.

"Mag-paalam ka at pumunta ka dito. Anong mahirap dun?"

Marahan siyang napapikit sa sinabi ng daddy niya sa kabilang linya. Hindi niya ba nahahalata na ayaw kong pumunta sa office nya?

"Bakit niyo ba ako pinapapunta dyan? Dahil nanaman ba sa pesteng fix marriage na'yun? Tangina ulit ulit nalang dad! I already say na hindi ko gustong makasal!"

Hindi ko na mapigilang mapag-taasan siya ng boses. Bakit ba kasi pinipilit niya ko?

"Wag mokong pag-taasan ng boses, Xavier! You need to come here whether you like it or not! Nandito ang fiance mo."

Napataas ang sulok ng labi ko. Fucking finance?

Tangina!

"I don't want to marry her dad. Kung gusto mo kayo nalang ang magpakasal"

"Wag mokong galitin Xavier!"

"I'll hang up this call. Wag na wag na kayong tatawag kung tungkol nanaman sa punyetang kasal na'yan."

Pinatay ko ang tawag at binulsa ang cellphone sa pants ko. Nasira tuloy ang mood ko.

Ilang araw narin akong ginugulo ni dad na makipag-kita sa babaeng maipapakasal sakin. Bakit ba ang kulit nila? Sinabi kona na ayoko eh.

"Cuz!"

Nag-angat ako ng tingin ng marinig ang boses ni Kevin. Siya ang pinsan ko. "Oh buti nandito ka?" Tanong ko sa kaniya.

Tumawa lang ang loko. "Syempre naman na-miss ko 'tong farm namin!"

"Miss talaga? Seryoso ka?"

"Oo na sige na hindi! Ikaw talaga ang pinunta ko dito"

Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. "Ano kailangan mo sakin?" Tanong ko.

"Ang daddy mo ang nag-papunta sakin para sure daw na pupunta ka sa office niya. Btw cuz, tangina ang ganda nung fiance mo! Nakita ko siya kanina!"

What the fuck?

"Kung gusto mo kayo nalang ang mag-pakasal" sabi ko.

Bakit kasi ako pa ang napiling i-arrange marriage? Pwede naman 'tong pinsan ko. Tsk.

Mafia's Obsession #3.1 [COMPLETED]Where stories live. Discover now