Chapter 37 : Her Script

Start from the beginning
                                    

“Avery.” Salubong ni Kuya at agad itong niyakap.

Tuluyang napahagulgol si Avery nang makita niya kami.

“Nasaan ang kuya ko?” She said in between her cries.

 “Hindi namin, alam.” Sagot ko habang pilit namin siyang pinapatahan.

“Tara na, bumaba na tayo.” Ani Kuya at naunang humakbang ng dalawang beses pababa.

“No, hahanapin ko ang kuya ko!” Giit ni Avery na nanatiling nakatayo sa kinatatayuan niya. Nakahawak siya sa braso ko kaya maging ako ay hindi nakakilos.

 “Avery its not safe here!” Giit ko at muli siyang sinubukang hilahin pero patuloy siyang nagmatigas habang umiiyak.

“Ang kuya ko! Kailangan natin siyang hanapin!” Aniya.

“Avery, tara na! Hindi tayo pwedeng magtiwala sa kahit kanino!” Giit muli ni Kuya.

"Cant trust him? He's my brother for god's sake! my brother!” Pagwawala ni Avery.

 “Alam ko pero—“ Biglang natigil sa pagsasalita si Kuya at napatingin sakin.

“Pero?” Kunot noong tanong ni Avery pero hindi kaya ni kuya na ituloy pa ang sasabihin niya.

“Avery let’s go okay?” Ako na lamang ang nagsalita.

“Pero?” Muling tanong ni Avery pero sa pagkakataong ‘to ay nakangisi na siya.

Kinilabutan ako sa kanya kaya agad akong napabitaw sa kanya, pero siya naman ang biglang humawak ng mahigpit sa braso ko.

“Goodbye Robbie.”

Napakabilis ng mga nangyari, biglang sinipa ni Avery ng napakalakas si Kuya Robbie dahilan para ma-out of balance ito at tuluyang nagpagulong-gulong pababa sa mahabang hagdan.

“Kuya Robbie!” Sa sobrang gulat ay wala akong nagawa kundi mapasigaw.

“You bitch!” Sasabunutan ko sana si Avery pero laking gulat ko nang makitang may hawak na siyang baril at nakatutok na ito sa ulo ko.

"Make one wrong move at pasasabugin ko ang ulo mo.” Banta niya kaya parang nanlamot ang mga tuhod ko sa takot. Muli kong ibinalik kay Kuya ang tingin at tuluyan akong naiyak nang makita siyang nakabulagta at duguan sa pinakababang parte ng hagdan.

“Kuya!” Sigaw ako ng sigaw hanggang sa napapahagulgol ako pero hindi parin bumabangon si Kuya.

Sinubukan kong tumakbo patungo sa kanya pero biglang hinila ni Avery ang buhok ko kaya bahagya akong napaatras.

"Walang hiya ka Avery wala kaming kasalanan sayo!”

“Oh Shut-up! Lakad!” Sigaw niya at mas idiniin ang baril sa ulo ko.

Dahan-dahan kaming bumaba sa hagdan habang hawak-hawak niya ang buhok ko.

Nanginginig ako sa bawat baitang ng hagdan na inaapakan ko. Napakasakit na makita ang kuya ko sa ganyang sitwasyon. Habang papalapit sa kanya ay lalo akong napapahagulgol.

Nilapitan ni Avery si Kuya at pinulsuhan. Ilang sandali pa ay biglang humarap sa akin si Avery na may napakalapad na ngiti sa kanyang mukha.

"Congratulations! He’s dead!” Pagmamalaki ni Avery habang pumapalakpak.

“No!” Napatili ako’t lalong napahagulgol, “No! Kuya! Bumangon ka diyan! Kuya!” Sigaw ako ng sigaw gustong gusto ko siyang lapitan pero wala akong magawa, lumapit sa akin si Avery habang nakatutok parin sa akin ang baril na hawak niya.

Slaughter High 2 : Terror Never DiesWhere stories live. Discover now