Chapter 1 : Battle scars

137K 3.5K 2.6K
                                    

1.

Battle Scars

Robbie's Point of View

Nagising akong mag-isa nalang sa auditorium. Madilim ang paligid at tanging ang ilaw lang sa stage ang gumagabay sakin.  Napatingin ako sa mga upuang katabi ko lang ngunit wala nang katao-tao dito. Nyeta nagsi-uwian na ata silang lahat, di man lang ako ginising.

Kinuha ko ang mga gamit ko at agad na lumabas mula sa auditorium. Makailang-ulit kong pinindot ang elevator button ngunit walang umiilaw. Nyeta sira pa ata, magha-hagdan nalang ako. Biglang nag-ring ang cellphone ko kayat dali-dali ko itong sinagot --Isang unknown number...

"Sino to?" tanong ko habang humahakbang pababa ng hagdan ngunit wala akong naririnig na sagot sa kabilang linya. Tanging malalim na paghinga lang ang naririnig ko. Nakakilabot.

"Nyeta baho ng hininga mo, sino ka ba?!" Napasigaw na lamang ako. Nakakainis tong mga prank callers, di ba nila alam na may trauma pa ako sa takutan.

"Long time no see Robbie"

Shit...Yung boses na yun...

Napako ako sa kinatatayuan ko't hindi ko naiwasang makaramdam ng matinding takot lalong-lalo na nang makilala ko ang boses nito. Nakaramdam ako ng matinding takot gaya nang naramdaman ko dalawang taon na ang nakakaraan sa Provident High...

Ngunit mas natakot ako sa katotohanang hindi nanggagaling ang boses sa telepono. Nanggagaling ito sa mismong likuran ko!

"Dixon" mahinang bulong ko at agad na napalingon sa kanya. Nakakatakot ang tingin niya, parang isang demonyo. Nanlilisik ang kanyang mga mata habang nakangisi. Wala akong ibang nakikita kundi poot at kasamaan...

"H-hindi...Patay ka na... Pinatay ka na namin" Yun na lamang ang mga salitang lumabas sa bibig ko. Takot na takot ako, gusto kong tumakbo ngunit di ko magawa.

Bigla akong tinulak ni Dixon kaya nagpagulong-gulong ako sa hagdan...

Duguan akong bumulagta sa sahig habang hilong-hilo. Sigaw ako ng sigaw, humihingi ng tulong ngunit walang nakakarinig sa akin. Sinubukan kong gumapang ngunit di ko magawa dahil nakalabas na ang buto sa siko ko. Nyeta ayoko pang mamatay!

"Hindi ka makakaligtas Robbie. Sama-sama tayo sa impyerno" Tumawa si Dixon at agad na inilabas ang isang maskara mula sa bulsa ng suot niyang jacket... Maskara ng demonyo...

Napapikit na lamang ako at napasigaw sa abot ng makakaya sa pag-asang may makakarinig at tutulong sa akin.


Biglang natahimik ang paligid kayat dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko.

"And he's awake! Palakpakan!" Nagulat ako nang biglang bumungad sa akin ang teacher kong kamukha ni Dracula. Nyeta for the first time masaya akong makita ang mukha niya. 

Hingal na hingal ako at pawis na pawis pero malaki ang pasasalamat ko dahil panaginip lang ang lahat. Walang round 2 sa hagdanan at wala ang tangnang si Dixon. 

Slaughter High 2 : Terror Never DiesWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu