"Dude, did you forget how to swallow?" natatawang tanong ni Pharell sa kapatid habang pinapanood kung paano nito pinupuno ang bibig ng pagkain.

Bakit ba gutom na gutom siya? Kailan pa siya naging ganito katakaw?

"Kaya nga! May naintindihan ka ba sa sinabi niya?" ani Sierra na sumasang-ayon sa opinyon ni Pharell.

Muling sumabat si Spencer, "Bakit ano naman kung--"

"Peng, umayos ka! Um!" Binatukan ni Sierra si Spencer na balak pang makipagtalo. Mayamaya ay sinasakal niya na si Spencer at hindi na makahinga ang binata, hindi makawala sa mga kamay niya.

"Oy! Pa'no siya makakalunok kung sinasakal mo?" natatawang ani Pharell at umiiling. Natutuwa siyang panoorin ang dalawa.

Inis namang pinakawalan ni Sierra ang binata at inirapan.

"Gan'yan siya! Siraulo 'yan, e!" banas na pakli ni Spencer, inaayos ang kwelyo ng polo at ang nagulong buhok niya.

"Hop! Hops! Tama na! Nasa harapan kayo ng pagkain. Igalang n'yo naman yung grasya... pinagtitinginan na kayo ng mga tao, o!" ani Pharell na nagtagumpay namang sawayin ang dalawa.

"Yawa! Anong tingin 'yan?" sabi niya pa matapos magtinginan ng dalawa bago ibaling ng mga ito sa kanya ang mga tingin na nakaloloko.

"Patawad po, itay!" magkasabay na saad nina Sierra at Spencer, obviously they're picking the crap out of Pharell. Kanina lang magkaaway sila tapos ngayon naman magkasundo na ulit sila? They're teaming up to tease Pharell.

"Sie... saang club ka sasali?" tanong ni Spencer sa katabi matapos isubo ang panghuling subo. Ang bilis niyang kumain, naunahan niya pa yung dalawa. Partida, dumadaldal pa siya habang kumakain, a!

"'Di ko pa alam, pero gusto ko yung may kinalaman sa course ko," sagot ni Sierra bago sumipsip sa straw ng softdrinks niya.

"Ano bang course mo?" tanong ni Spencer at dahil do'n mas lalong napalakas ang higop at napalaki ang lunok ng babae sa inumin.

"AB Major in Philosophy to be exact po, sir!" aniya nang igilid ang tingin sa katabi sabay irap bilang pagbawi.

"Buang ka Peng, course ng jowa mo 'di mo alam?" ani Pharell na nakatuon lang ang atensyon sa kinakain.

"Bakit, alam mo ba course ko?" tanong ni Spencer sa kanya.

"Hindi."

"See? Stepbrother mo 'ko pero 'di mo alam course ko!"

"Malay ko ba."

"Gano'n lang din sa kanya pero History yung sa 'kin," ani Spencer at ipinagpatuloy ang pag-inom sa baso.

"'Wag kang mag-angas, alam kong 'di mo rin alam course ng kapatid mo!" ani Sierra na sumabad na naman sa usapan ng dalawa.

Inis na nilapag ni Spencer ang basong wala nang laman, "Cheese crap, kasatsat mo!"

"Mamatay na sinungaling," pakli ni Sierra, taas-kilay at kumpiyansa sa sarili ang dating.

"Oo na! 'Di ko alam! Happy?" Mukhang napipikon na si Spencer, nagiging paiyak na kasi ang boses niya saka lumalakas na rin ang boses niya.

"BS in Management yung sa 'kin," sagot ni Pharell na natapos na ring isubo ang huling salok ng kutsara niya.

"We're all even now, pare-pareho lang pala nating 'di alam," ani Spencer na ngayon ay nakasandal na sa upuan, medyo dumausos na sa pagkakaupo, nakabuka ang mga hita habang nagkukuyakoy at nag-aalis ng tinga sa ngipin.

"Excuse me, alam ko course mo!" salangsang ni Sierra na ngayon ay hawak na ang cellphone ay nagtwi-Twitter.

"Shh..." ani Spencer habang nakalapat ang hintuturong daliri sa labi, "magagalit si itay."

Muling nagkatinginan ang dalawa at nang tingnan si Pharell ay magkasabay ulit nilang sinabi, "Patawad pong muli itay."

"Buang!" natatawang bigkas ni Pharell sa kanila.

"Ikaw, Pharell saang club ka sasali?" tanong ni Spencer sa kapatid nang makitang busy si Sierra sa kaka-cellphone.

"I think yung may kinalaman sa music," sambit ni Pharell bago uminom sa kanyang drinks na in-order niya.

"O magaling ka kumanta?" ani Sierra na narinig ang sinabi ni Pharell kaya nalipat doon ang atensyon niya, "Sample nga!"

"'Di mo ba alam masamang kumanta 'pag kumakain?" Spencer tsk-tsked just enough to pissed off his girl. "Maganda boses n'yan narinig ko nang minsan no'ng naliligo siya sa banyo kaya lang puro old song lang alam n'yan saka s'yempre mas maganda boses ko."

"Talaga lang, a! Maganda as in parang sinasakal na kambing?" pambabara ni Sierra kay Peng na binubuhat na naman ang sariling bangko. Napakahangin talaga.

"Epal!" ani Spencer at inis na inambaan ng suntok ang babaeng katabi. Hay... mukhang napuno na siya. Napakabilis mapikon talaga.

Pharell faked a cough as he cleared his throat to catch the attention of the two, "Tapos na ba kayo? Tara na kaya? Lalong dumadami yung tumitingin sa'tin, e!"

Nauna nang tumayo si Pharell and that is the right cue for the two to stand too. They should leave the cafeteria now, it's so embarrassing.

"Ito kasi, e! Ayan tuloy ikinakahiya na tayo ni Pharell," ani pa ni Spencer na sinisisi ang babae.

Sa sobrang inis ni Sierra, kinurot niya ulit yung utong ni Spencer dahilan para mapaaray nang malakas.

"Para kayong mga bata," ani Pharell na napakamot na lang sa ulo habang naglalakad sila palayo sa cafeteria at pabalik sa mga klase nila.

Common PointTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon