43 | Indirect Confession

32 5 0
                                    

43 | Indirect Confession

Nag-aagaw dilim na pero hindi pa rin niya nahahanap ang nawawala. Nasa'n na ba 'yon? Sa'n ba nagpunta ang babaeng 'yon? Patuloy pa rin sa paghahanap si Pharell kay Almira at sa wakas nakahinga siya nang maluwag nang makita niya ang babae sa loob ng van. Lumabas kasi siya at noong natanaw niya na bukas 'yong van ay kaagad siyang nagtungo ro'n dahil may kutob siya na baka nando'n ang babae at tama nga siya.

Pero sa pagkakataong ito ay nakaramdaman siya ng kaba nang makita niya si Almira na nagkakalkal sa backseat. Lagot! Namilog ang kanyang mga mata. Alam niya kung anong hinahanap ni Almira.

"Uy… anong hinahanap mo?" tanong ni Pharell.

"My gosh, nagulat naman ako sa 'yo bigla-bigla kang nagsasalita!" ani Almira na napitlag nang may magsalita sa likuran niya. Tumigil siya sa paghahanap at hinarap si Pharell.

"What happened?" tanong ni Pharell, pinipilit itago ang kaba.

"Hinahanap ko 'yong phone ko, iniwan ko kasi talaga 'yon dito kagabi. Tapos kanina 'di ko naman nagamit kasi busy sa photoshoot, nasa'n na ba 'yon? Wait nga lang… nakakainis naman," ani Almira, nababanas at muling ipinagpatuloy ang paghahanap.

Nasa bulsa ni Pharell ang cellphone ni Almira. Iniisip niya kung paano niya ipupuslit iyon nang hindi napapansin ng dalaga. Ilang beses siyang napabuntong-hininga bago tuluyang nakapagdesisyon.

Kinalabit niya si Almira at nang humarap ito sa kanya ay, "Umm…" iniabot niya ang cellphone sa babae na dinukot niya sa bulsa. Iyon ang naisip niyang gawin kaysa lokohin pa ang babae. Bahala na kung magalit siya, sa loob-loob niya.

"Ba't? Nasa 'yo 'yung phone ko?" tanong ni Almira, medyo napataas ang boses nito kaya naman mas lalong kinabahan si Pharell.

Kaagad siyang kumibo, "Sorry, Almira. Nakita ko 'yan kasi kagabi tapos ibibigay ko naman sana sa 'yo kaso nawala sa loob ko… sorry din hindi ko sinasadyang--"

"Shh…" pagpuputol ni Almira, "Ano ka ba? Okay lang." Ngumiti ang babae at inopen ang cellphone niya, "Naisip ko na rin na nasa 'yo 'to, pero s'yempre, hinanap ko muna rito bago ko itanong sa 'yo…"

"H-Hindi ka galit?" nagtatakang tugon ni Pharell.

"Ba't naman ako magagalit? May ginawa ka ba na dapat kong ikagalit?" nang-iinong tanong ni Almira.

"W-Wala…" Umiwas ng tingin si Pharell, papahina ang boses at pinagpapawisan ang palad.

"Wala naman pala, e!" sabi ni Almira saka kinabig ang pinto ng van at naglakad palayo sa lalaki.

"Uy, sa'n ka pupunta?" Sinundan ni Pharell ang babae at kaagad niya naman itong naabutan.

"May earphones ka?" tanong ni Almira kay Pharell na kasabay niya ng naglalakad.

"Mayro'n," pakli ni Pharell at kaagad na kinapa ang bulsa, "O…" aniya pa at mabilis pa sa alas-kwatrong inabot kay Almira ang earphones.

"Thanks," sagot ni Almira nang kunin niya 'yon at i-connect sa phone.

Naupo si Almira sa gilid at isinandal patagilid ang ulo sa haligi. Nandito sila ngayon ni Pharell sa foyer ng charity house. Naupo na rin ang lalaki sa sahig at tinabihan ang babae.

"Makikinig ka lang ng music?" tanong ni Pharell nang makitang isasalpak na sa tainga ng babae ang earpiece.

"Yeah," sagot ni Almira at isinuot ang earpiece sa isang tainga.

"Wala kang ite-text or tatawagan?" tanong pa ni Pharell kaya naman napatingin na sa kanya si Almira at inalis ang pagkakasandal ng ulo sa haligi.

"Wala naman."

Common PointWo Geschichten leben. Entdecke jetzt