Chapter 20

1.5K 66 16
                                    

                                            Chapter 20

                                                 Ada

            Nasa comfort room ako nang mapansin ko na para bang namumula ang aking kanang kamay. Pinagmasdan ko itong maiigi hanggang sa mapansin kong unti-unting may lumabas na dugo. “Anong? Saan ako nahiwa?” Hindi ko alam kung saan ako nahiwa, hindi ko nga nararamdaman na masakit ang kamay ko. “Malas naman oh!” Sabi ko habang hinuhugasan ko ang sugat. Ngunit bigla nalang akong napatingin sa salamin ng mapansin kong may kung anong mabilis na bagay ang dumaan sa aking likuran. “Hello! May tao ba dyan?” Pagbabakasakali ko pero walang nagsalita, nag kibit-balikat nalang ako at isinara ko na ang gripo. Aktong kukuha na sana ako ng tissue ng mapansin kong wala nang laman ang tissue holder. “Ano ba naman yan? Meron pa kaninang umaga ito, kinakain ba nila ang tissue kaya mabilis maubos?”

        Nagsisimula na akong mairita dahil pakiramdam ko ay mayroong hindi tama. Pero binaliwala ko nalang ito at pumasok nalang ako sa isang cubicle para doon kumuha ng tissue. Nang makalabas ako ng cubicle, muli akong napatingin sa lababo ng may mapansin akong isang bagay. Sa malayo palang ay alam ko ng picture ang bagay na iyon, at sa bawat paglapit ko ay unti-unti ko ng naaaninagan ang nasa larawan. Hanggang sa bigla nalang akong makaramdam ng kilabot ng makumpirma ko kung sino ang nasa larawan. “Vonjo…..”

        Agad kong dinampot ang picture ni Vonjo, kasabay nito ang matinding kaba ng muli akong mapatingin sa salamin. Sa pagkakataong ito ay nakita ko sa aking likuran ang nakakatakot at nakakakilabot na mukha ni Vonjo. Duguan at maputla ang kanyang mukha, samantalang kulay itim ang kanyang mga mata. “WrrrrAaaahhhhh!!!!” Biglaang sigaw niya kaya napasigaw nalang din ako. “Aaaaaaahhhhhhhhh!” Kasabay nito ang hindi ko maipaliwanag na pwersa na nagpagalaw sa akin. Bigla nalang gumalaw ng kusa ang aking kamay na may hawak ng larawan ni Vonjo. Mabilis at buong pwersa itong lumapat sa salamin dahilan para mabasag ito at dumugo ang aking kamay.

 

                                              Shen

            Kumusta na kaya ang mga kaibigan namin? Halos ilang araw na din kasi ang lumilipas simula nung pumunta kami ni Ada dito sa Australia. Mas magaan sa pakiramdam namin na makita na muling gumising si Vonjo bago kami tuluyang umalis ng Pilipinas. Sayang nga lang at wala kaming pagkakataon para maka bonding ulit siya at ang buong Ghost Club.

            “Excuse me Shena, can you help me on this one? Please….” Pagtawag sa kin ng Australiana kong katrabaho na nakatutok sa kanyang computer.

            “Sure!” Nakangiting sagot ko at lumapit na ako sa kanya. Hindi ko naman sya pwedeng tanggihan dahil baka isumbong ako nito sa boss namin. “Tss… Hilig humingi ng tulong nito…” Mahinang banggit ko na narinig pala niya. “What?” Nagtatakang tanong niya. Buti nalang hindi sila nakakaintindi ng tagalog, kaya kahit anong sabihin namin ni Ada ay okay lang. “Nothing! I’m just singing….” Palusot ko nalang sa kanya.

            Pero napatigil ako sa paglapit sa kanya ng bigla kaming makarinig ng sigaw. “Aaaaaaahhhhhhhhhhh!!!!”  Umalingaw-ngaw sa buong opisina ang sigaw ng isang babae na nanggagaling sa comfort room. Dali-daling tumakbo doon ang mga office mate kong lalake. Napabalikwas naman ako sa aking kinatatayuan ng mapansin kong si Ada lang ang nawawalang babae. Kaya agad din akong sumingit sa mga nagkukumpulan kong katrabaho para makasiguro ako kung si Ada nga ba ang sumigaw.

            Una kong napansin ang basag na salamin. May mga tumutulo pang dugo mula sa tila sinuntok  na parte nito. Hanggang sa mapansin ko si Ada na takot na takot at nakatulala habang nagsusumiksik sa sulok. Nang yakapin ko siya ay mukhang nanumbalik ang kanyang katinuan, at agad din itong yumakap sa akin ng mahigpit. “S-shena….. Na-nandito s…s-siya…. Ma-may mas-masamang mangyayari sa…sa kanya…” Utal-utal at maluha-luha na sambit nito. Tinignan ko siya ng mata sa mata. “Sino? Sino Ada?”

            “S-si Vonjo….” Pagkasabi ni Ada ay ipinakita niya sa akin ang kanyang nangangatog at duguan na kanang kamay. Hawak niya ang larawan ni Vonjo.

            Nagsimula ko na ring maramdaman kung ano ang nararamdaman ni Ada. Mabilis na umakyat ang kilabot sa aking katawan, at mabilis na binalot ng matinding takot ang aking puso. Napatingin ako sa basag na salamin, hindi pa man nasasabi sa akin ni Ada ang buong pangyayari, nabubuo na sa isip ko ang posibleng mangyari. “Isang masamang pangitain…” Mahinang sambit ko. “Anong gagawin natin Shena?” Tanong ni Ada na mahigpit na nakahawak sa aking braso.

            Tumingin ako ng seryoso sa kanya at agad na nagdesisyon. “Babalik tayo, kung saan nagsimula ang lahat.”

                                             Bernadette

            Nauna kaming magkita-kita nila Kimberly, Alex at Luther sa isang restaurant. Ang pagbabalik ni Luther at ang bagong alyansa ang ibabalita namin kay Tom. Alam namin na hindi pa siya nakaka-alala, pero karapatan din niya itong malaman lalo na at nagkaroon siya ng kaugnayan sa RBO. Sa madaling salita ay kabilang din siya sa nakakakilabot na nakatakdang mangyari sa aming bayan.

            “Dumating na si Tom.” Sabi ni Kimberly ng mapansin niya si Tom na pumasok na ng restaurant.

            “Teka, anong nangyari sa noo ni Tom? Bakit nakabenda?” Nagtatakang tanong naman ni Alex kaya napatayo kami ni Luther at agad na liningon si Tom.

            Imbis na kami ang magulat ay parang si Tom pa ang nanlaki ang mga mata sa hindi malaman na dahilan. Nagmamadali itong lumapit sa pwesto namin at nakangiting tumingin kay Luther. “Shit! Buhay ka Luther! Mabuti naman at ligtas kang nakabalik.”

            What? Ngayon naman ay bumalik sa aming apat ang pagtataka. Anong sinasabi ni Tom? Oo alam ni Tom ang nangyari kay Luther dahil sa kwento ni Kimberly. Pero ang ipinagtaka namin ay ang paraan ng pakikipag-usap niya kay Luther. Para bang kilalang-kilala niya ito. Teka! Don’t tell me na………… “Natatandaan mo na si Luther? So ibig sabihin, unti-unti ng bumabalik ang alaala mo?” Tanong ko sa kanya.

            “Hindi lang po basta unti-unting bumabalik Ma’am. Dahil biglaan na pong bumalik lahat. Salamat sa hindi sinasadyang pangyayari.” Nakangiting paliwanag niya habang nakaturo sa kanyang benda sa noo.

            Agad na tumayo si Alex at nagbigay ng mahigpit na yakap kay Tom. “Sa wakas Rustom! Bumalik na ang alaala mo! Sa wakas hindi kana boring kausap at may thrill ka nanamang kasama.” Napatawa kami sa sinabing ito ni Alex. Pero bumalik sa pagiging seryoso ang usapan ng muling magsalita si Tom. “Speaking of thrill… Mayroon akong importanteng bagay na sasabihin sa inyo.” Sabay lapag sa lamesa ng dalawang piraso ng papel.

            “Para saan ang papel na iyan Tom?” Nahihiwagaang tanong ni Luther.

            Seryosong tumugon sa amin si Tom. “Ang huling riddle at ang huling mapa! Ito ang huling dalawang pahina ng librong….. Truth Beyond the Eyes!”

Unfinished 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon