Chapter 15

1.3K 65 21
                                    

                                               Chapter 15

                                                   Perez

        Napalayo na namin lahat ng mga tao, pero hindi ko makita si Abby. Maya-maya pa ay lumapit sa akin ang isa sa mga kasamahan ko. “Jack, may binatang nakalusot. Tumakbo siya papunta sa restaurant. Hindi na namin napigilan.” Balita sa akin ni P01 Dudz Aquino.

        “What? Pero paano? Sino? Anong itsura?” Pasigaw na tanong ko sa kanya.

        “Sa pagkakatanda ko kausap mo siya kanina bago ninyo sabihin na may sasabog.” Sagot naman nito sa akin.

        Sino iyon? Sino kina Luther , Vonjo at sa lalakeng kasama nila ang tumakbo papunta sa nasusunog na restaurant? Ilang saglit lang ay lumapit na sa akin sila Alejandre, Luther at ang isa pa nilang kasama. “Nailayo na ang lahat ng tao. Teka nasaan si Vonjo?” Bungad ni Alejandre.

        “May nakalusot daw na binata papunta sa nasusunog na restaurant…. At sigurado na akong si Vonjo ang tinutukoy ni Dudz.” Umiiling-iling na sagot ko sa kanya.

        “Oh shit! Hindi pwede! Bakit siya pumunta doon? Hindi kasama sa plano yun!” Labis na pag-aalala ng kasama nila.

        “Tulong!” Sigaw ng isang lalake na may buhat na batang babae galing sa restaurant. Dali-dali siyang inalalayan ng mga kasama kong pulis. “Anaaaaakkkk!” Humahangos na sinalubong ng babae ang kanyang anak na buhat-buhat ng lalakeng may hawak na camera.

        “Cameraman ni Abby ang lalakeng ito!” Agad akong lumapit sa kanya para itanong kung nasaan si Abby. “Billy! Nasaan si Abby?” Tensyonadong tanong ko sa kanya, kinukutuban na kasi ako na baka nasa loob ng restaurant si Abby.

        “Officer Perez. Linigtas ni Abby ang batang ito. Kaso naiwan siya sa loob. Kailangan niya ng tulong ninyo.” Malungkot na balita nito.

        Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Dahil hindi ko lubos maisip kung bakit sinubukang pumasok ni Abby sa lugar na nasusunog, samantalang may trauma siya dito. Tumakbo ako pabalik papunta sa restaurant pero mabilis akong nahatak at napigilan ni Alejandre at Dudz.

        “Perez, ano bang gagawin mo? Delikado na! Kayo ang nagsabing may sasabog tapos babalik ka pa.” Sambit ni Dudz habang mahigpit ang pagkakahawak nito sa akin.

        “Bitawan ninyo ako! Ililigtas ko ang pinsan ko! Ililigtas ko si Abby!” Pagpupumiglas ko, pero ayaw nila akong bitawan. Mabilis akong pinanghinaan dahil puro negatibo na ang pumapasok sa isip ko. Paano kung mawala si Abby? Nangako ako sa kanya na pro-protektahan ko siya.

        Biglang namang nagsalita ang kasama nila Luther. “Ito pala ang dahilan kung bakit tumakbo si Vonjo papunta sa nasusunog na restaurant, dahil kay Abbygale.”

        “Teka, paano mo nalaman ang buong first name ni Abby?” Nagtatakang tanong ko sa kanya. “Nakita ko na rin kasi siya sa mga panaginip ko, noong binabantayan niya si Vonjo sa ospital.” Sagot nito. Pero ano ba ang tinutukoy niya? May extra-ordinary ability ba ang lalakeng ito? Dahil ang sabi niya nakita na niya ito sa panaginip.

        “Nakita mo sa panaginip si Abby? Ikaw din ba ang dahilan kung bakit pinapalayo ni Vonjo ang mga tao dito? Nakita mo rin ba ito sa panaginip mo?” Tanong ni Alejandre na nakahawak parin ng mahigpit sa akin.

        “Oo….Ako nga Officer Alejandre… At maging kayong dalawa ni Officer Perez nakita ko na sa panaginip ko. Kung paano nyo tinulungan ang grupo nila Luther…. Premonition! Iyon ang tawag sa ability ko.” Pagbubunyag nito sa kanyang sarili.

        “Teka! Ano ba ang pinagsasasabi nyo? Tulungan nyo na si Abby!” Kinakabahang sigaw ni Billy.

        Hindi ko alam kung ilang minuto o ilang segundo nalang ba ang natitira bago sumabog ang restaurant na ito. At kung tatakbo ako ngayon papunta doon, wala rin akong maitutulong dahil masyado na akong huli. Baka mas lalo lang maging kumplikado ang sitwasyon kung dadagdag pa ako. “Tumakbo na si Vonjo para iligtas ang pinsan ko, magtitiwala nalang ako sa kanya.” Kalmadong sagot ko kaya binitawan na ako nila Alejandre at Dudz. Labag sa loob ko ang desisyon kong ito, pero ito ang pinaka tamang gawin sa gitna ng sitwasyon na katulad nito.

        “Teka Zamuel! Anong mangyayari kay Vonjo at Abbygale? Makakaligtas ba sila?” Tanong ni Luther.

        Seryosong tumingin sa amin si Zamuel bago niya sagutin ang tanong ni Luther. “Hindi ko alam Luther, dahil wala sa plano ang pangyayaring ginawa ni Vonjo. Sa katunayan, hindi tayo dapat nandito. Wala tayong tatlo sa magaganap na insidenteng ito….. Pero dahil naki-alam tayo sa nakatakdang mangyari, nabago natin ang magaganap at nailigtas natin ang mga dapat na mamamatay…….Kaya naman malaki ang posibilidad, na si Vonjo ang maging kapalit!”

Unfinished 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon