Chapter 31

1.4K 62 12
                                    

                                                         Chapter 31

                                                             Vonjo 

      Binigyan namin ng buong maghapon ang mag-ina para makapag-usap sila ng sarilinan. Ang pangungulila ni Luther ng matagal na panahon ngayon ay nawakasan na. Ngayon ngang tuluyan ng nawala ang demonyong nagbabantay sa katawan ni Cassandra, pagkakataon na namin upang malaman ang katotohanan tungkol sa Red Blood Organization. 


     "Alam kong hindi ito ang tamang oras para sabihin ito, kaso nga lang lumiliit na ang oras na natitira sa atin. Itanong mo na sa kanya ang isa pa nating pakay." Paalala ko kay Luther. 

      "Ano ang ibig sabihin ng kaibigan mo?" Tanong naman ni Cassandra. 


     Tumingin at tumango sa akin si Luther bago niya ito ipaliwanag sa kanyang ina. "Ma, ang bayan natin ay nasa gitna ng isang digmaan. Digmaan ng liwanag at kadiliman. Nagsimula na ang Red Blood Organization sa kanilang mga plano, at kami lang sa oras na ito ang may kakayahang lumaban at pumigil sa kanila bago pa man mahuli ang lahat." 

      Panandaliang katahimikan ang bumalot sa buong kwarto, pero agad namang nagbigay ng reaksyon si Cassandra. "P...pero... Bakit mo sinasabi sa akin ito?" Garalgal na tanong nito.

     "Nakaharap ko ang tinatawag nilang supremo, siya ang nagsabi sa akin na may alam ka sa mga bagay na ito." Seryosong sagot ni Luther.


     Inalis ni Cassandra ang sarili sa pagkakasandal sa upuan, tila gulat sa kanyang narinig. "Pero Luther, ang supremo ay ang iyong.........." Natigilan si Cassandra nang biglang hawakan ni Luther ang mga kamay nito. 

      "Oo, ang supremo ang taong matagal ko nang kinatatakutan. At ngayon, hindi ako papayag na magtagumpay siya sa mga plano niya. Pipigilan namin siya." Pagpapatuloy ni Luther. Bakas sa kanyang mga mata ang galit. Determinado siyang pigilan ang supremo, determinasyon na higit pa sa pagliligtas sa aming bayan. Ano ang dahilan? At bakit ganito ang pakiramdam ko? Para bang may itinatago pa si Luther. 

      Natigilan ako sa pag-iisip ng mag simula ng magsalita si Cassandra, at sa pagkakataon na ito ay sinambit na niya ang kanyang mga nalalaman. "Ang araw ng pagpatak ng Pulang Dugo. Muling papatak ang dugo sa huling pagkakataon para isakatuparan ang isang ritwal. Ritwal na babago sa lahat, babaliktarin nito ang posisyon ng liwanag at kadiliman. Sa bayan natin magsisimula ang isang nakakakilabot na panahon, hanggang sa ipalaganap na nila ito sa buong mundo."

     Halos hindi kami makagalaw sa sinabi niya. Ang lahat ng bagay ay nagdudugtong-dugtong na. Ito na ang tinutukoy ni Zamuel, ang Apocalypse na nakatakdang maganap. Muling itinuloy ni Cassandra ang kanyang sinasabi. 

     "Oras na mapunan nila ang panganga-ilangan ng susi. Magaganap na ang sakripisyo para sa huling hantungan. Muli nilang ipapatak ang dugo ng mga sakripisyo sa lugar na itinakda. Pagkatapos nito ay sisimulan na nila ang isang malawakang ritwal upang buhayin ang mga namatay na myembro ng samahan." Sambit niya. 

     "Ngunit hindi basta-basta masisimulan ang kanilang pagkabuhay, hanggat hindi umaahon sa impyerno ang nagpasimula ng lahat ng ito....." Dagdag pa nito. 

      "Kung ganon, hindi pa natatapos ang ritwal hanggat hindi pa bumabalik ang founder ng RBO. Ibig bang sabihin ay may bukod pa na ritwal silang dapat gawin?" Tanong ni Aurora. 

      Isa-isa kaming tinignan ni Cassandra, at ang kanyang mga titig ay sadyang nakakapagpakilabot. "Ang huling bahagi ng ritwal, ang sakripisyo ng liwanag..... Ang kanyang kaluluwa ang magsisilbing kapalit ng kanilang panginoon. At ang katawan ng sakripisyo ang magiging panibagong katawan ng kanilang panginoon." Kinapitan nito ang magkabilang bisig na tila kinikilabutan. Tapos ay nagpatuloy muli sa pagsasalita. "Sigurado akong nakahanap na sila ng magiging sakripisyo ng liwanag." 

     Pero paano namin malalaman kung sino ang magiging sakripisyo ng liwanag?" Tanong ni Luther. 

     "Ang nakatakdang maging bagong katawan ng kanilang panginoon, ay ang taong nagmamay-ari ng kanilang susi." Tugon ni Cassandra. 

     Tama ba ang narinig ko? Ang magiging sakripisyo ay ang taong may hawak ng kanilang susi? Pero teka, hindi ba't hawak ko ang susi? Yung blood key na tinutukoy ng grupo nila Kimberly. Napansin ko nalang na nakatingin sa akin si Luther at Aurora. "Shit! Mukhang ako nga." Mahinang bigkas ko. 

      "Vonjo, nasayo ang susi. Ngayon malinaw na ang lahat, ikaw ang napili ng Red Blood Org." May takot na sambit ni Luther. 

      Bago pa man ako makapagsalita ay naunahan na ako ni Cassandra. Mabilis itong tumayo at humawak ng mahigpit sa aking braso. "Kung ganon ikaw ang napili nila! May mga kamag-anak ka ba na nasa loob ng bayan natin?" May pagka-taranta na tanong nito. 

     "O...opo! Meron, yung kapatid ko lang na babae." Natatakot na tanong ko. 

     Mas lalong humigpit ang pagkapit niya sa akin. "Lahat ng mahal mo sa buhay ay gagamitin nila upang ikaw mismo ang kusang lumapit sa kanila. UMALIS KANA AT ILIGTAS MO SILA!" Pasigaw na babala nito. 


                                                          Alejandre

         Alas siyete na ng gabi. Ilang minuto na rin ang lumilipas matapos kong mabasa ang text message sa akin ni tita Aurora. Sabi niya sa akin, nagsisimula na daw ang matagal na niyang kinatatakutan. Ito ang muling pagbabalik ng Red Blood Organization. At matinding bilin niya sa akin na magmadali akong pumunta sa bahay nila Vonjo, dahil siguradong ito ang unang pupuntiryahin ng grupo. 

       "Nandito na tayo!" Sabi ni Jack, tapos ay bumaba na ito ng sasakyan. 

        "Teka Jack! Wala ka bang napapansin? Nakabukas ang gate, pero nakapatay ang mga ilaw sa loob." Pagpigil ko sa kanya. Binunot namin parehas ang aming mga baril at dahan-dahang naglakad papunta sa pinto ng bahay. 

        Pinagitnaan namin ang pinto kasabay ng pagmamasid at taimtim na pakikinig sa paligid. "May kumakaluskos sa loob." Mahinang sambit ni Jack. Pumuwesto na ito sa harap ng pinto, at buong lakas niyang sinipa ang pinto. Kasabay nito ang mabilis na pagpasok ko sa loob habang nakataas ang aking baril. "FREEZE!!!!" Sigaw ko! Sobrang dilim at wala akong maaninagang tao sa loob.

       "Shit! Mukhang huli na tayo!" Sambit ni Jack habang inililibot nito ang kanyang flash light sa paligid. Magulo sa buong kabahayan, palatandaan na may masamang naganap dito. Ilang sandali lang ay muli nanamang kumaluskos kasabay ng paglangitngit ng kisame. 

        "Ano yon?" Tarantang tanong ni Jack. Sabay naming itinapat sa kisame ang aming mga flash light ngunit wala kaming nakita. Muling lumangitngit ang kisame at sa pagkakataon na ito ay may kasabay nang mahinang ungol. Madali naming itinapat ang aming mga ilaw sa pinanggagalingan nito. Laking gulat namin nang makita namin si Manong Elmo na nakabigti sa kisame ng kanilang bahay.


Unfinished 3Место, где живут истории. Откройте их для себя