Chapter 48

1.2K 61 16
                                    


Chapter 48

Romylyn

Nang marinig ko ang putok ng baril dali-dali akong umakyat sa kwarto ni Vonjo. Wala akong nakitang kalaban pero naabutan kong ginugulpi na ni Arvine si Vonjo. Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari pero dapat ko parin silang pigilan.

"ARVINE TAMA NA IYAN!" Pasigaw na pigil ko ng aakmang susuntukin ulit ni Arvine si Vonjo.

Alam kong hindi parin kuntento si Arvine sa naunang ginawa niya kay Vonjo, mas lalo pa kasi siyang nanggigigil kaya naman pagalit na akong pumigil sa kanila. "TAMA NA SABI ARVINE!"

Kahit papaano kumalma na si Arvine, pero laking gulat ko ng bigla niyang hinatak sa damit si Vonjo at buong lakas niya itong inihagis sa lamesa. Hindi ako nakagalaw sa ginawa niyang iyon. Ngayon ko lang kasi nakitang nagalit ng sobra si Arvine.

Pero mas ikinagulat ko ang naging reaksyon ni Vonjo matapos niyang maka-upo mula sa pagkakabalibag sa kanya ni Arvine. Nakangiti lang siya. At parang masaya pa siya sa sinapit niya.

Nang kumalma na ang lahat, agad kong ginamot ang pagdudugo ng ilong ni Vonjo.

"Ano ba kasing nangyari at bakit ka pinagsusuntok ni Arvine." Tanong ko sa kanya habang linalapatan ko ng pangunang lunas ang kanyang mga pasa.

Kaso hindi siya makasagot, nakabaling lang siya sa ibang direkyon. Kaya naman si Arvine na ang sumagot ng tanong ko.

"Naabutan ko kasi siyang magpapakamatay......" Ani ni Arvine na nakapagpatulala sa akin.

"Nakatutok na yung baril sa ulo niya, buti nalang naabutan ko bago nya makalabit yung gatilyo." Dagdag pa niya.

Dahil sa narinig, hindi ko namalayang nadidiinan ko pala yung linalapat ko sa ilong niya.

"Aarrgghh." Mabilis na reaksyon ni Vonjo.

Sa pagkakataong ito ako naman ang nagalit sa kanya. "Anong problema mo? Bakit mo ginawa iyon? Tama lang pala ang ginawa sayo ni Arvine." Magkakasunod na tanong ko sa kanya.

Pero ngumiti lang si Vonjo, hinawakan niya yung kamay ko na nakaturo sa mukha niya at dahan-dahan niya itong ibinaba.

"Okay. Tama lang talaga itong ginawa sa akin ni Arvine, dahil dito natauhan ulit ako." Panguna niya.

"Inaamin kong na depress ako. Kumitid ang utak ko kaya wala na akong maisip na tama. Akala ko kapag namatay ako matatapos na ang lahat. Titigil na ang RBO sa pagpatay sa bawat myembro ng grupo natin. Iyon nalang ang nakikita kong solusyon. Gusto ko lang protektahan ang lahat." Pagpapatuloy ni Vonjo na napayuko dahil sa kahihiyan.

"Sa tingin mo ba ganon nalang kadaling takasan ang nangyayaring ito? Kami nga pinuntahan pa ng myembro ng RBO para ibalik dito, dahil nagkaroon na daw kami ng koneksyon sa grupo nila. Hindi na natin matatakasan ito, sama-sama na tayong haharapin ang problemang ito hanggang katapusan." Paliwanag ni Arvine na nakasandal sa pintuan.

Naglakad palapit sa amin si Arvine. "Ngayong ikaw ang kailangan sa huling sakripisyo, trabaho naming protektahan ka. Huwag mo kaming pigilang gawin iyon dahil sarili namin itong desisyon."

"Huwag mo ng isipin ang kapakanan namin Vonjo........"

"Dahil maililigtas ang gustong mailigtas, mamamatay ang dapat mamatay at mabubuhay ang nakatakdang mabuhay........ Pero ang pinakamahalaga, gawin natin kung anong kaya nating gawin para pigilan sila. Pro-protektahan ka namin pati na rin ang iba, kaya gawin mo rin ang papel mo sa gyerang ito-----Pigilan mo ang Supremo!" Paliwanag ni Arvine na nakapagbigay ng kaliwanagan sa isip ni Vonjo.

Sa sinabi niyang iyon ni Arvine, nakita ko sa mga mata ni Vonjo ang muling pagkabuhay ng pag-asa.

"M-maraming salamat......" Mahina ngunit nakangiting sambit ni Vonjo.

Unfinished 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon