Spoken Poetry | 32

514 1 0
                                    

Hanggang sa Muli
~lahingmusikero

Alam mo bang ipinangako ko sa sarili ko na ikaw lang ang tanging mamahalin ko, ano man ang mangyari?

Ipinangako ko sa sarili ko na ipaglalaban kita sa kahit ano mang problema ang dumating sa atin.

Ayoko kasing masira ang relasyon natin.

Relasyon na nagbibigay ng kulay sa mga buhay natin.
Relasyon na nagpupuna sa tuwing pakiramdam natin ay may kulang.
Relasyon na kahit minsan man ay nakakaranas ng sakit, pareho pa rin tayong positibo na ito'y ating malalagpasan.

Lahat ng ito ay aking ipinagmamalaki sa kanila.

Lahat ng mayroon tayo ay taas noo kong ipinagmamalaki kasi napakaswerte ko na nakatagpo ako ng kagaya mo.

Mahal na mahal kasi kita.

Pakiramdam ko nga napaka-perfect nating dalawa.

Wala kang katulad.

Iba ka sa kanila.

Ibang-iba.

Sayang lang kasi ngayon, wala ng pupuna sa pagkukulang ko.

Wala ng magbibigay ng kulay sa buhay ko.

Wala na ang dahilan ng aking pagngiti.

Ang dahilan kung bakit lumalaban ako sa problema na pinagdadaanan ko.

Wala na.

Iniwan mo na ako.

Puso ko'y durog na.

Isip ko'y litong-lito na.

Hindi ko na alam kung paano ko ito malalagpasan.

Wala akong planong palitan ka kasi ipinangako ko sa'yo na ikaw lang ang aking mamahalin.

Hindi ko alam kung hangang kailan. Pero sana dumating man ang araw na makatagpo man ako ng bago, sisiguraduhin kong kagaya mo siya.

At tatandaan mo palagi mahal na kahit kailan, hinding-hindi ka mawawala dito sa puso ko.

Hanggang sa muli ng ating pagkikita, mahal. Hinatayin mo ako diyan.

Mahal na mahal kita.

-end-

Tagalog Spoken Poetry (Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon