Spoken Poetry | 34

455 2 0
                                    

Sandigan
-lahimusikero

Nilamon na ako ng aking galit.
Sa bawat kilos ko, may nasasaktan akong tao.
Hindi ko na alam kung magbabago pa ito.
Basta ang alam ko hindi ko na makontrol ang sarili ko.

Gusto kong takasan ang mundo kong ito
Pero hindi ko magawa dahil isip ko'y gulong-gulo.
Paano na ito?
Hindi ko na ba ito mababago?

Isang araw, hindi ko inaasahan na makikilala kita.
Una kitang pinansin kahit takot ako.
Takot na baliwalain dahil ganoon naman talaga.
Lahat ng nakikilala ako bigla na lang ako iniiwan at tuluyan na naglalaho.

Pero, takot biglang naglaho dahil..

Sa unang pagkakataon, may taong ngumiti sa harap ko.
Sa unang pagkakataon, may taong lumapit sa akin.
Kahit sa kabila ng aking mga naging kasalanan.
Andiyan ka pa rin kahit na ang iba ay takot sa akin.

Hindi ko akalain na sa tuwing kailangan ko ng tulong,
Parati kang nasa tabi ko.
At sa tuwing kailangan ko ng makakausap,
Nasa tabi kita.

Mga bumabagabag sa akin tila naglalaho.
Isip ko na gulong-gulo ay unti-unting naghihilom.

Ikaw lang ang nagtitiwala sa kakayahan ko.
Ikaw lang ang nagparamdam sa akin na importante ako.
Ikaw lang ang nagbigay sa akin ng pag-asa.
Pag-asa na baguhin ang takbo ng buhay ko, at maging isang mabuting tao.

Salamat, mahal kong kaibigan.
Huwag kang mag-alala.
Handa ako palagi sa tuwing ikaw naman
ang nangangailangan ng tulong ko.
Kahit buhay ko pa ang kapalit nito.
Totoo! Walang halong biro.

-end-

Tagalog Spoken Poetry (Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon