Spoken Poetry | 06

1.9K 8 0
                                    

Pasukan Na Naman
-lahingmusikero

Simula na naman ng mala-roller coaster na pakiramdam.

Excitement

Lungkot

Kaba

Takot

Saya

O ano pa.

Bahala na! Ang importante, makakatagpo na naman ako ng mga bago kong makakaibigan.

Bagong mukha na makikilala.

Bagong crush na madadagdagan sa mahabang listahan.

Mas malaki-laking baon na galing sa bulsa ni nanay.

Bagong guro,

kaklase,

bag,

sapatos,

papel,

na minsa'y nakakainis kasi hindi pa kumpleto 'yong labin-dalawang notebook na kailangan ko.

Kabataan nga naman.

Wala eh! Tradisyon na lang talaga nating mga estudyante ang mag-introduce yourself infront of the class.

Nakakatawa!

Pero, alam mo ba na isa ito sa best part sa buhay nating mga estudyante, kasi kung wala kayo nito, ang boring ng school niyo.

Trust me.

Gusto mo bang malaman kung bakit?

Dito lang kasi naman natin matutunghayan ang mga magagandang eksena.

'Yong ugali ng bawat isa.

May mga loner na akala mo'y sinasaniban na ng masamang espiritu.

'Yong pabibo, na kahit first day na first day ng klase, ang ingay na. How much more kung tumagal pa.

Dahil din sa introduce yourself na 'yan, maraming inipon na english words ang magsisilabasan.

Hoy bes! Introduce yourself lang ang sabi ni teacher, hindi essay.

Gigil mo ako!

Matutunghayan din agad natin dito 'yong joker.

Alam na agad natin na joker siya kasi 'yong tipo na lahat ng kasinungalingan sasabihin niya, mapatawa lang tayo.

Eh, tayo namang uto-uto, nagpapaniwala agad, kaya tuwang-tuwa.

Kainis din eh!

Siyempre, hindi magpapahuli 'yong mga mala-drawing book na mukha.

Ang colorful bes! Daig pa 'yong rainbow na nakita mo pagkatapos ng unos.

'Yong totoo, sasali ka ba ng beauty pageant?

May mga pa-cute,

hype beast na feeling guwapo, mukha namang ano!

Hay naku! Kabataan nga naman.

Pero, alam mo 'yong feeling na kahit palagi na lang ganito,  mami-miss na lang talaga natin sila kapag dumating 'yong araw na magkakahiwalay-hiwalay na ang mga landas natin.

Gaya n'ong nangyari...

.
.
.
.

LAST SCHOOL YEAR :(

-end-

Please do vote. Thank you so much!

Tagalog Spoken Poetry (Collection)Where stories live. Discover now