Spoken Poetry | 09

1.2K 8 0
                                    

Alam Mo Ba...
-lahingmusikero

Alam mo ba na mali ka sa tuwing iniisip mo na walang may nagkakagusto sa'yo?

Alam mo ba kung bakit?

Kasi ang totoo,
may isang tao talaga na palihim na nagkakagusto sa'yo.

Isang tao na parati kang tinitingnan nang hindi mo lang namamalayan.

Alam mo ba na ang isang tao na ito,
ay nag-aalala sa'yo sa oras na ikaw ay nahihirapan?

Kapag sa oras na ikaw ay nasasaktan?

Alam mo ba na ang isang tao na ito,
ay patuloy nangangarap na mapansin mo siya?

Nangangarap na makatabi mo siya sa pag-upo at makausap?

Alam mo ba na ang isang tao na ito ay,
takot na sabihin sa'yo ang totoo?

Takot na magtapat sa'yo ng kaniyang nararamdaman?

Takot siya dahil alam niya na sa iba nakatuon ang atensiyon mo.

Sa iba mo ginagawa ang lahat ng gusto niya.

Sa iba ka masaya kahit 'di ka naman 'yon pinapansin.

Alam mo ba na ang isang tao na ito,
ay katulad mo?

Katulad mo ang gusto?

Gusto na mapansin ng taong mahal niyo?

Kaya huwag mong iisipin na walang may nagkakagusto sa'yo.

Kasi hindi lahat ng sa tingin mo ay magiging masaya ka, ay siya na.

Iyong iba ay nagsisilbi lang daan upang hanapin ang taong nararapat.

Nararapat at magpapasaya sa atin ng higit at tunay.

Ang dapat lang natin gawin ay huwag nating hayaan ang ating sarili na magmahal sa isang tao, kahit alam na naman natin na masasaktan lang tayo.

Subukan mong daanan 'yong daan.

Panigurado, bigla ka na lang 'yan hihinto, dahil sa hindi mo inaasahan na pagkakataon, makikita mo 'yong isang tao na tunay at higit na magmamahal sa'yo.

Iyon ay ang isang tao na matagal ng may pagtingin sa'yo.


-end-


Thank you for reading...

Tagalog Spoken Poetry (Collection)Where stories live. Discover now