"H-hala, teka! Boss anong..."

Naramdaman ko na lamang ang malamig na pader sa aking likuran at ang muling pagsara ng pinto. Agad akong napapikit at tinakpan ko ang aking mata. Jusko, baka may makita akong ano! Hindi ako sanay sa ganito, e! At ano naman kaya'ng plano nitong si boss para hilain ako papasok rito?!

"Boss, ito lang talaga pinunta ko rito." Inilahad ko sa kaniya muli ang supot habang nakatakip pa rin sa mata ang isang kamay. Naiiyak ako at hindi ko na maitago ang nginig ng kamay ko! "Pangako talaga, boss."

Baka kasi iniisip nya na sinadya kong magpunta rito upang makita sya sa ganitong sitwasyon. Kahit may kaunti akong kalandiang tinatago sa katawan ay hindi ko naman maiisipang gawin ang bagay na ganito!


"Open your eyes,"

Sinunod ko ang kaniyang utos at unti-unti ko syang naaninag. Napasinghqp ako nang mawari ko ang aming distansya. Ilang sintemetro na lamang at maabot na ng ilong nya ang noo ko! Nakatukod ang isa nyang siko sa itaas ng ulo ko at titig na titig sya sa akin! Jusko!

"Boss, m-masyado kang malapit. Hindi ito—

"Shh."

Nakatitig sya sa aking labi habang ang kaniyang daliri nya ay nakaharang doon. Ramdam ko ang init niyon.

"Don't say anything."

Hindi ko na nagawang magtaka pa sa sinabi nya dahil bigla nyang siniil ng halik ang aking labi. Milyon-milyong boltahe mula roon ang dumaloy tungo sa ibat-ibang parte ng aking katawan. Tila nabuhayan ang pagkatao ko at muli kong naramdaman ang kakaibang init na matagal na ng huli kong naramdaman.

Nagsimulang gumalaw ang kaniyang labi na nagdala ng kakaibang kiliti sa aking puson. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko na maski ang tunog ng tubig ay nawala sa pandinig ko. Paano ko sya tutugunin? Hindi ko alam kung anong dapat gawin! Pumasok sa isip ko ang ideya na gayahin sya, kaya iyon ang aking ginawa.

Hinilig ko ang aking ulo at sinunod ang ritmo ng kaniyang paghalik. Hindi ako sigurado kung tama, basta't ang alam ko ay mas lalong nag-init ang paligid. Tila may sariling isip ang aking mga braso na pumulupot sa kaniyang leeg. Sa mga sandaling iyon, wala akong ibang laman ang isip ko kundi ang sarap ng halik nya, atsaka...

Mabuti na lang nag-sipilyo ako kanina.

"Ginger, wag ka! Kenekeleg ako, e!"

Sinubsob ko ang mukha ko sa sopa ni Ginger. Dahil sa ginawa kong paggalaw ay narinig ko ang pagtunog ng mga kahoy niyon sa kailalim-ilaliman.

"Ano ba! Dahan-dahan, pwede? Baka mamaya lumubog yan! Tsaka ano bang nangyayari sayo? Kanina ka pa parang kiniliting gorilla."

Hinampas ni Ginger ang pwet ko saka sya naupo sa sahig habang kumakain ng chichiria. Day-off ko kaya nandito ulit ako sa tirahan nya. Ang sarap sanang gumala-gala pero dahil may pandemya ay mas makakabuti kung mananatili sa loob bahay. Seypti pers.

Kinuha nya ang remote na nakapatong sa maliit na mesa saka pinagana ang luma at maliit nyang tv. Kaso hindi iyon malinaw nags-statik pa! Nag-martsa si Ginger tungo sa likuran ng tv nya saka ginalaw-galaw ang antenna na parang letrang V.

"Kainis naman! Wala na kasi ang abs-cbn. Yung channel na yun lang sana ang medyo malinaw dito sa tv ko. Hindi ko naman afford mag-cable." Kung anu-ano na ang ginawa nya sa antenna.

"Okay na?"

Tumutok naman ako sa tv. "Medyo ihilig mo pa. Hindi ganyan, sa kabila! Ay, hala!teka nawala... yun, ibalik mo do'n! Ganyan! Ay, na black 'n white!"

The GCQ mission: Billionaire's Baby ✔️Where stories live. Discover now