Chapter 35 : The face of evil

Start from the beginning
                                    

Tumayo na lamang ako at tumakbo sa kabilang direksyon papunta sa monitoring rooms. Pag nakarating ako doon, maaring masagot ang mga katanungan ko, maaring mahanap ko rin sina Curt. Kung okay lang sina Ria at Robbie, malaki ang posibilidad na okay lang din ang iba.

Natigil ako sa pagtakbo nang makita ko ang isang taong nakamaskara na naglalakad sa gitna ng pasilyo habang may kinakaladkad. Kinilabutan ako nang mapagtanto kung ano ito—Dalawang katawan, isang babae at isang lalake. Ngunit parang dinurog ang puso ko nang mapagtanto ko kung sino ito—Si Kitty at si Milo.

Muling nangatog ang mga tuhod ko at nag-unahan sa pag-agos ang luha ko. Kapwa sila hindi gumagalaw at duguan. Wala na sila… Wala na ang mga kaibigan ko.

Biglang napatingin sa akin ang salarin at nabalik ako sa reyalidad. Binitawan niya ang taling ginagamit sa pagkaladkad kay Milo at Kitty. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin kayat napatakbo ako.

Hinahabol niya rin ako kayat mas binilisan ko ang pagtakbo.

Natigil lang ako sa pagtakbo nang makitang dead end na pala ang tinatakbuhan ko.

Wala akong ibang magawa kundi ang kunin ang lampshade at manglaban.

Biglang dumating ang salarin. Magkaharap na kami. Agad kong inihampas sa ulo niya ang lampshade pero parang baliwala lang sa kanya.

Napaatras ako nang may kinuha siya mula sa bulsa niya—Isang panyo.

“Matulog ka muna.” Aniya at nanlaki ang mga mata ko nang mabosesan ko siya.

Bigla siyang tumakbo palapit sakin at hinigit ang bewang ko. Niyakap niya ako ng mahigpit. Pilit akong nagpupumiglas. Pilit akong nanlalaban pero mas malakas siya sakin.

Alam niyang marami akong mga tinamong sugat kayat sinadya niyang yakapin ako ng napakahigpit.

Siniko-siko ko siya ng maraming beses. Lahat ng lakas ko binuhos ko sa bawat sipa at sapak ko sa kanya.

Nakita kong nabitawan niya ang panyo kayat naglakas loob akong sipain ang ari niya.

Napaluhod siya sa sahig, sigaw ng sigaw habang hawak ang pagitan ng hita niya. Isa nga siyang lalake.

Napaisip ako bigla, kung si Kevin siya ay baka binugbog na ako nito pero hindi,  parang gusto lang niya akong patulugin tapos hindi pa siya masyadong nanlalaban. Niyakap niya lang ako para hindi ako makapagpumiglas.

Nakaluhod parin siya kayat sinamantala ko ang pagkakataon at dali-dali kong tinanggal ang suot niyang maskara.

 Nalaglag ang panga ko. Halos hindi ako makapagsalita at napahawak na lamang ako sa bibig ko. Lalong tumindi ang pag ragasa ng luha ko.

“Hiro…”

Hindi ako makapaniwala sa natuklasan ko. Hindi ko inaasahang siya ang tatraydor sakin. Hindi ko inaasahang ang taong nagligtas sakin noong bata pa ako ang siya palang magdadala samin ng kamatayan ngayon.

Third Person’s Point of View

Flashback.

"Climb to the other window. Don’t stop, Don’t look back. Just run okay? Don’t stop running until you’re safe. If you see my sister, tell her I love her." bilin ni Hiro kay Erin.

Pagkatapos masara ang bintana ay sumenyas si Hiro kay Erin na umalis na. Napangiti si Hiro nang makitang tuluyang nakalayo si Erin.

"Wow! That was very convincing! Inulit mo pa talaga ang linya ni Ethan pati ang buong eksena!” Pumalakpak si Kevin ng mabagal habang humahalakhak, “And the best actor award goes to dun dun dun—“

Nanlaki ang mga mata ni Kevin nang bigla na lamang humarap sa kanya si Hiro at may dala na itong baril. Hindi na siya nakailag pa nang bigla na lamang siya nitong binaril sa tuhod.

“Shit! Shit!” Umiiyak na bumagsak sa sahig si Kevin sa sahig.

"I told you so many times! So many times! Dapat hindi masaktan si Erin! I told you clearly na wag sasaktan si Erin! Pahirapan mo na ang lahat wag lang siya pero anong nangyari?! Sa lahat lahat siya ang pinaka pinahirapan mo!” Nanggagalaiting sambit ni Hiro habang dinuduro at tinatadyakan ang walang kalaban-labang si Kevin na namimilipit sa sakit.

END OF CHAPTER 35

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

Slaughter High 2 : Terror Never DiesWhere stories live. Discover now