"Careful, Amity. Baka madapa ka! May pagkashunga ka pa naman madalas."

Nilingon ko si Faerie at seryoso ang kanyang mukha. Hindi ko napigil ang pagngiti.

"Ba't nangingiti ka?" tanong niya.

"Ayaw mo?" tugon ko na tanong din.

Napangiti na rin siya. Alam kong ito ang gusto niyang makita sa akin kahapon pa.

Hindi ko na siya hinintay na magsalita at nilingon ang mga batang nakaupo sa mga monoblock chair. Nakaramdam ng saya ang puso ko. Ilang sandali pa ay dumating na rin sina Ma'am Millicent. Lumabas si Preston ng sasakyan at patakbo kaming nilapitan. Hinawakan niya ang kamay ko at kay Faerie.

Napawi ang ngiti ko nang dumating ang sasakyan ni President. Bumaba siya ng sasakyan at nagtama ang mga mata namin. Iniwas ko ang tingin at naglakad na kami papunta sa unahan kung saan nakaharap ang mga bata.

The program started and I focused my attention on the orphans. Nagpahinga kami nila Preston at Faerie sa tabi pagkatapos naming turuan ang mga bata na sumulat, gumuhit, at magbasa. Nilapitan kami ni Mr. Dela Vega.

"Excuse us," he said. His voice was so manly. Dinala niya si Preston sa kanilang kotse at may kinuha roon. I smiled as I watched him wiping his son's sweat on the face.

Hinarap ko si Faerie at humilig sa balikat niya. Nilingon niya ako na nakakunot ang noo.

"Alam mo, minsan parang hindi lang kita kapatid, parang nanay rin kita," wala sa sarili kong sabi.

Mas lalong nalukot ang noo niya.

"Tingnan mo si Mr. Dela Vega. Ganyan mo ako alagaan, kung paano sila kay Preston."

Tipid lang siyang ngumiti. Hinawakan niya ang kamay ko at inginuso ang hilera ng pagkain sa mesa sa hindi kalayuan.

"Kain ka muna. You puked this morning so I won't allow you to say no." Itinayo niya ako at lumapit kami sa mga pagkain kahit hindi pa lunch.

"Ate..." tawag ko sa kanya. Nilingon naman niya ako. "Alam mo ba..."

Kumunot ang noo niya. "Ano?"

"Alam mo bang sobrang mahal kita?" bigla kong nasabi.

Sa halip na ngiti ay pag-aalala ang lumarawan sa mukha niya. Iniwas ko na ang mga mata at kumuha ng pagkain. Inagaw naman niya sa akin ang plato ko at pinaglagay ako ng ulam at kanin.

"Alam ko."

Muli ko siyang nilingon. Kita ko sa mga mata niya ang lungkot pero hindi niya 'yon gustong ipahalata. Too bad, I knew her as much as she knew me.

"Hindi ka ba hinahanap ni Mommy sa inyo?" tanong ko.

She cleared her throat. "No, alam niya na nasa apartment mo lang ako."

"Uwi ka rin minsan. Baka nami-miss ka nila."

"Umuuwi ako, Amity."

Hindi na ako nagsalita dahil sa takot na mainis siya sa akin kapag pinilit ko pa.

Bumalik kami sa kaninang inuupuan ngunit saglit lang ay umalis muli siya. Nilingon ko siya na naglagay ng juice sa paper cup. I started eating, letting her watch me. Nakasanayan ko na 'yon. Pagkatapos kumain ay iniligpit ko ang pinagkainan. Iniwan ko muna siya para umihi na rin. Papasok ako sa CR nang may pumigil sa akin.

"Can we talk?" that familiar voice asked.

Bumagsak ang tingin ko sa hawak niya sa akin bago ito umangat sa mukha niya.

"I think I've given you enough time ignoring me."

Binawi ko ang braso ko kay President. "May dapat ba tayong pag-usapan?" mahinahon kong tanong sa kanya.

The Charm Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon