Chapter 26

27.6K 985 66
                                    

Chapter 26

Maaga akong nagising kinabukasan. Lumabas ako ng kwarto at nakita si Faerie na nagsasalin ng fresh milk sa baso. Inabot niya ito sa akin at nginitian ako. Mukhang kanina pa siya paligo dahil bihis na rin siya.

Uupo na sana siya sa tabi ko nang nag-ring ang cellphone niya. Agad niya 'yong sinagot. "Hello? Good morning."

Uminom ako ng gatas. Muli ko siyang nilingon nang narinig ang pagbuntong-hininga niya.

"That's a three-day seminar, Rye. I've already sent an email to the president informing him that I won't attend. Isa pa sa Baguio 'yon."

Ibinaba ko sa lamesita ang baso. Pinanonood ko siya na humawak sa handle ng refrigerator.

"May kapalit na ako, don't worry. Magkano rin ang gastos ng school doon. Hindi naman garapal ang mukha ko para bigla na lang mag-cancel. Inayos ko na 'yon a week ago."

Matagal silang nag-usap. Nang natapos ay agad siyang tumabi sa akin. Naubos ko na rin ang gatas sa baso.

"May seminar ka pala dapat." Tumuon ang mga mata ko sa baso. "Ba't ka nag-cancel?"

"Ipagluto ba kita ng pancake—"

"'Wag mong ibahin ang usapan," putol ko sa kanya. "Bakit ka nag-cancel?" ulit ko.

She just shrugged her shoulders.

"Ako na naman ba ang dahilan?"

Wala akong narinig na sagot mula sa kanya.

"Ang dami mo nang naisasakripisyo dahil sa akin." Mariin kong kinagat ang ibabang labi ko. "Pati trabaho mo naaapektuhan na."

Natawa siya. "Anong sinasabi mo? Kahit kailan ay hindi ko napabayaan ang trabaho ko. Sadyang ayoko lang mag-seminar."

Hindi na ako nagsalita. Pumasok ako sa kwarto at inihanda ang uniporme. Naligo ako sa banyo at mabilis na nagbihis.

Walang umiimik sa amin sa sasakyan papunta sa Hasse. Tanging ang kanta ng Blackpink na nai-play ko ang nagsilbing ingay sa pagitan naming dalawa.

Pagbaba namin ng sasakyan ay agad kaming nag-in. Nasa likod ko lang siya kahit hanggang sa matapos kami.

"Maghihiwalay ba tayo na hindi nag-iimikan?" tanong niya na nakapagpatigil sa akin paglalakad. "Seriously, Amity? Hindi ka dapat magalit at hindi mo dapat sisihin ang sarili mo kung bakit hindi ako pumunta sa Baguio. Alam mong may pagka-tamad ako minsan."

Nilingon ko siya. Nakataas ang kilay niya na nakatingin sa akin.

"Hindi ako galit. Nakokonsensya lang ako."

She just sighed. Umabrisyete siya sa braso ko at umiling-iling.

"Ayaw mo akong iwanan mag-isa sa apartment, 'di ba?" Nakatingin ako sa kanya habang naglalakad kami.

"Hindi. Ayoko lang ma-miss 'yong kama mo."

Napanguso ako. "O ako ang ayaw mong ma-miss?"

Pinagdikit niya ang mga labi sa pagpipiit ng ngiti. Pinaseryoso niya ang kanyang mukha pero sumilay pa rin ang magandang ngiting 'yon. "Yiiiieh! Kilig ka naman?"

Napairap lang ako at hindi na rin napigil ang pagngiti.

Inihatid ko siya sa registrar's office.

"Male-late ako ng labas. Can you wait for me?" Piit niya ang pinto sa pagsara. "Marami akong tatapusin na trabaho."

Magsasalita sana ako nang may sumilip sa amin mula sa loob ng office nila. Isang lalaki na tumutok ang tingin kay Faerie.

Umarko ang kilay ko at sinundan ni Faerie ang tinitingnan ko.

The Charm Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon