"Yes," simpleng sagot niya rito.

He looked hurt for a moment before he gave her a sad smile. He tried to take his hand from her pero mas hinawakan niya ito nang mahigpit.

"I always thought you're strong. Pero mali ako, Wyatt. You're stronger. I admire Tita Mona more for raising a good son like you, despite everyone's judgment about her. We'll get this through. And if I need to ask my parents for help, I will, Wyatt. Just don't give up, okay?"

Nang makitang pabalik na si Marianne sa table nila, pinisil niya pa ng isang beses ang kamay nito bago iyon binitawan.

Wyatt smiled at her. And despite the eyeglasses, she can see his eyes shining with admiration. Who knew someone would look at her like that? Kasi kahit siya hindi niya inakala na posibleng may humanga sa kaniya ng ganu'n.

"Thank you, Azalea."







WHEN they went back to the University for their classes after their breaktime, ang pinakahuling sumagi sa isip niya ay na baka makaharap nila ng personal ang nanay ni Jordan.

Pero nasa gate pa lang sila ay may mga naka-unipormeng bodyguards na ang humarang sa kanila. The woman went out of the car, kasunod nito si Jordan na ngayon ay nakangisi lang sa kanila.

Oh, buddy. You are so going to regret this.

Nang maalala ang sinabi ni Wyatt ay biglang kumulo ang dugo niya sa galit. Lahat nang sinabi ni Jordan na pang-iinsulto sa Mama ni Wyatt ay hindi katanggap-tanggap.

Nanlaki ang mata niya nang mabilis na lumapit ang ginang sa kanila at walang pag-aalinlangang sinampal nang malakas si Wyatt.

"You, bastard! Ang kapal ng mukha mong saktan ang anak ko! You will regret what you did! Sisiguraduhin kong masisira ang buhay mo!" dire-diretsong sabi nito.

Tahimik lang si Wyatt na tila hindi na alam ang gagawin. Kung ipagtatanggol ba ang sarili o hindi. Si Marianne ay halos naka-nganga na dahil hindi rin inaasahan ang nangyari. While she was already seething with anger inside.

Hindi nakuntento ang babae na idinuro-duro pa si Wyatt. "Ang lakas ng loob mong gawin 'yun. Who the hell do you think you are? Sino ka ba? Ano'ng ipinagmamalaki mo? 'Yung nanay mong maruming babae?" sabi pa nito.

She saw how Wyatt clenched his fists. Pero kilala niya ito. Kahit ano pa'ng gawin ng ginang ay mananahimik lang ito. Magtitimpi. Wala sa ugali ni Wyatt ang mambastos at manakit ng nakatatanda o babae. Tita Mona raised him better than that.

Lumapit pa lalo ang babae kay Wyatt. Umangat ang kamay nito na aktong sasampalin ulit si Wyatt pero mabilis siyang nakakilos. Sinalo niya ang kamay nito at hinawakan 'yun nang mariin.

Napalingon ito sa kaniya at pilit na binabawa ang kamay pero hindi nito magawa. Mas hinigpitan niya lang ang pagkakahawak dito.

"Guards!" sigaw ni Jordan. Naka-angil na hinarap siya nito. "Let go of my Mom!"

Bahagya siyang natawa pero hindi niya iniwas ang tingin sa babae.

"Sino ka sa tingin mo?" angil nito sa kaniya.

Tumaas ang kilay niya sa sinabi nito bago marahas na binitawan ang kamay nito kaya bahagya itong napaatras. "Sino ka rin sa tingin mo? Using your husband's position to make someone's life miserable? Ikaw yata 'yung maruming babae na tinutukoy mo."

Sasampalin sana siya nito pero nasalo niya ulit ang kamay nito bago mas marahas na binitiwan ito. Napahawak pa ito sa kamay at mukhang nasaktan na. Good.

"Matapang kang bata ka. Tingnan natin kung saan ka pupulutin ngayon," banta nito.

"Yes, matapang ako. Hindi ako duwag kagaya ng anak mo na nagtatago pa sa ilalim ng palda ng nanay niya. Jeez, bakla ba 'yang si Jordan?" mapang-asar na sagot niya rito.

Akmang susugod si Jordan sa kaniya pero tinaasan niya ito ng kilay. "Bakla nga. Pumapatol sa babae. Pero hindi naman ako kaya sa suntukan. Magaling ka lang dahil may kasama ka. Dahil nagsusumbong ka sa nanay mo."

This time it was the mother who tried to grab her pero mabilis niyang inangat ang kamao niya. Huminto naman ito kaagad. Kasi hindi na siya nagbibiro, subukan lang nitong hawakan siya, susuntukin niya talaga ito. Hindi siya mabait kagaya ni Wyatt.

"You'll pay for this, hija. Ang ayaw ko sa lahat ay 'yung binabastos ako."

Tinaasan niya ito ng kilay. Nginisian niya pa ito bago sumagot. "Can't wait." Ngayon ay si Jordan naman ang nginisian niya. "Since mahilig kang magsumbong sa nanay mo, wait for my mom too. Tingnan ko lang kung hindi ka literal na magtago sa ilalim ng palda ng nanay mo kapag nakita mong magalit ang Mommy ko."

Hinawakan niya ang kamay ni Wyatt at tumayo siya sa harapan nito. Shielding him from these two monsters.

Hinarap niya ang nanay ni Jordan this time. "You are threatening me? You are so going to regret it. Mark my words, guluhin n'yo pa ako ulit o si Wyatt, kayo ang magsisisi, hindi kami."

Tinalikuran niya na ang mga ito at hinila si Wyatt. Si Marianne na kanina pa nakatunganga ay nagmamadaling sumunod sa kanila.

"Sana inalam mo rin na 'yang Wyatt na 'yan at ang Mama niya ang unang nanggulo sa buhay namin! Kung hindi lang kasi ibinuka ng Mama niyan ang hita niya sa lalaking may asawa na, hindi sana aabot sa ganito ang lahat! Kasalanan nang malanding nanay mo 'to!" sigaw pa ng ginang.

Doon na nagpantig ang tenga niya.  "Ano ba talaga'ng problema n'yo? Mag-nanay nga kayo!"

"Bakit 'di mo tanungin si Wyatt kung bakit," hamon ni Jordan sa kaniya.

"Baka nahihiya. Sino ba namang magiging proud maging anak ng kabit?" patuya pang sabi ni Jordan.

Pinisil ni Wyatt ang kamay niya. She's glad he did because she's going to explode any seconds now.

"Oo na. Anak na 'ko ng kabit. Bunga na 'ko ng pagkakamali. Pero alam nating lahat na hindi lang 'yun ang buong kuwento. Pero para wala ng gulo, lumayo naman kami ah. Hindi naman na kami nagpakita pa sa inyo. Bakit hindi n'yo pa rin kami tinitigilan ni Mama?" sabi ni Wyatt sa mag-ina.

Jordan's Mom was about to answer when someone approached them. Mukhang frustrated ito at pagod na pagod na rin. Hindi na siya magtataka sa stress na kinakaharap nito sa araw-araw.

"Ano na naman ba 'to, Sabbina? Umuwi na tayo," naka-angil na tanong nito sa asawa nito. Yes, it's the senator himself.

"Sige! Kampihan mo pa 'yang anak mo sa labas! Diyan ka naman magaling!" Then she went inside the car with Jordan. Ilang saglit lang ay umalis na ang sasakyan. Leaving them alone with the Senator and his bodyguard.

Kampihan mo pa 'yang anak mo sa labas!

Paulit-ulit 'yun sa utak niya. Nag-aalangang napalingon siya kay Wyatt. Nakatingin lang ito ngayon sa Senador.

"S-Sorry, anak," mahinang sabi nito. Malungkot din ang mga mata nito.

Huminga nang malalim si Wyatt bago binigyan ito ng isang maliit na ngiti. "Ayos lang po. Sanay na 'ko."

Nagkatinginan sila ni Marianne. Malamang ay pareho rin ang tumatakbo sa isipan nila ng mga sandaling 'yon.

What the fuck?!



-----

Safe Haven (Completed)Where stories live. Discover now