2

304 15 1
                                    




After taking a rest for a few months, ngayon ay nakapag-enroll na siya ulit. She'll be starting again. This time, sigurado na talaga siya sa kursong kinuha niya. And after mag-enroll ay nandito siya ngayon sa labas ng gate ng school nila Carson. Hinihintay ang paglabas nito.

Siya na ang nagsundo rito dahil on the way na rin naman na siya. She already texted her brother that she is waiting outside. He said he'll be out any minutes now. Madalas ay isa sa parents nila ang sumusundo rito. Minor pa si Carson kaya hangga't maaari ay protektado pa rin nila ito. Kung saan mas safe, 'yun ang gagawin. May kotse naman kaya bakit kailangang mag-commute? May free time naman kaya bakit hindi na lang sunduin?

Napangiti na lang siya nang makita niya ang nagmamadaling paglapit ng kapatid sa direksyon niya. May mga kasabay ito.

"Ate!" nakangiting bati nito nang makalapit. Malambing na ginulo niya ang buhok nito.

"Mga classmates ko nga pala, Ate." Sabay turo sa mga kasama nito. Nginitian niya lang ang mga ito.

"Hindi mo man lang sinabing ganito kaganda ang Ate mo!" pang-aasar ng isa kay Carson.

Sumimangot kaagad ang kapatid niya. Napangisi tuloy siya. Masyadong protective si Carson sa kaniya. Bunso ito pero kapag may bumabastos sa kaniya, kinakailangan pa niya itong hilain palayo.

"Tara na nga, Ate," masungit na sabi nito.

Natatawang tumango siya rito. She waved his classmates goodbye bago sila pumasok sa kotseng dala niya. Usually kasi ay naka-motor siya. Pero dahil nag-enroll siya at may mga bitbit siya kanina, nag-kotse na lang siya. Buti na rin dahil at least nasundo niya ang kapatid.








"HOW'S the enrollment, Ate?" tanong ni Carson habang nasa biyahe sila.

"Okay naman. Next month start na ng classes," nakangiting sagot niya.

They stopped at McDonald's drive thru for a while dahil pareho silang nag-crave sa fries and burger. Ganu'n silang magkapatid. Mahilig silang mag-drive lang at kumain. Ever since nakakuha siya ng driver's license, tradisyon na nilang magkapatid na at twice a month ay mag-iikot sila at maghahanap nang magandang place na puwedeng kainan.

"So, may nililigawan ka na ba sa school n'yo?" biglang tanong niya sa kapatid. Natawa siya nang masamid ito sa kinakain.

"Wala!" mabilis na sagot nito. Parang nahihiya pa nga.

Naiiling siya habang nakangiti. "It's okay lang naman, Carson."

Bumuntong-hininga ito pero medyo napanguso. "Wala talaga, Ate. Wala nga akong magustuhan sa school."

Napatango-tango siya. Palihim na sinusulyapan niya ang kapatid. "Was it because of that girl? 'Yung kalaro mo noon palagi sa playground?"

Napakamot ito sa ulo. "S-She's my first friend. I was just wondering kung ano na ang nangyayari sa kaniya ngayon. Kung okay lang ba siya. Kung bakit bigla siyang nawala at hindi na bumalik. It's been so long na kasi."

Napangiti siya. Naaalala niya noong eight years old pa lang si Carson. Palagi itong may kalarong batang babae sa playground. Hanggang sa isang araw nga ay hindi na ito bumalik do'n. Araw-araw naghihintay ang kapatid niya noon pero hindi na talaga dumating ang batang babae. Carson was so sad and devastated. Kahit pa nga ang Mommy at Daddy nila ay nag-alala na noon. But he pulled through it.

"You can ask Mom and Dad to help you find her," suhestiyon niya rito.

Napailing ito. "I don't even know her name," bulong nito.

Safe Haven (Completed)Where stories live. Discover now