Mula sa maiging pakikinig ni Rajiv sa nagprepresent kanina ay lumipat ang tingin niya sa akin. Napatayo pa siya para ipaghila ako ng mauupuan sa kanyang tabi. Nanatili akong nakayuko kahit naman alam kong hindi niya mapapansin ang pahiyak ko. Mas lalo akong nanlamig nang pagkaupo ko ay kaagad niya akong hinalikan sa aking bandang sintido.

Hindi pa nakuntento si Rajiv, humilig pa siya sa akin at bumulong. "Sabay tayong maglunch"

Nagtaasan ang balahibo ko sa batok pababa sa braso hindi dahil sa lambing ng kanyang pagkakasabi kundi dahil sa nararamdaman kong matalim na tingin ng tao sa aking harapan ngayon. Kung kanina pagpasok ko ay bahagyang nakatagilid ang swivel chair sa nagprepresent, ngayon ay diretso ang upo nito paharap sa aking gawi, hindi ko man maanig nang maayos ang kanyang mukha ay alam kong nakatingin siya sa akin. Ang kanyang magkabilang siko ay nakatukod sa may lamesa habang ang kamay ay nasa may baba.

Imbes na manatili sa pagkakayuko ay hinarap ko siya, nakipagtitigan ako sa kanya sa dilim habang mas lalong bumibigat ang dibdib ko. Hindi ganito ang inaasahan kong pagkikita namin, kung bukas lang ang ilaw kanina ay baka tumakbo pa ako payakap sa kanya. Ngunit nawalan ako ng lakas dahil sa sinabi niya sa akin.

Ayaw niya akong malapit sa kanya. Hindi ko siya masisisi, sinaktan ko siya.

Nakita ko ang pagpalakpak ng mga tao sa loob ng conference room nang matapos ang nagprepresent, pero hindi ko iyon narinig dahil mas lalo lamang akong nanigas sa aking kinauupuan ng bumukas ang ilaw at ang matalim na tingin ni Piero ang kaagad na sumalubong sa akin.

Naginit ang gilid ng aking mga mata habang pinagmamasdan ko siya. Mas lalong nadepina ang magandang hubog ng kanyang katawan dahil sa suot na suit. Itim na itim ang suot ni Piero, maging ang button down sa loob ng kanyang suit ay itim din. It gives me a more powerful vibe. Masyadong malakas ang dating niya at the same time nakakatakot din. Intimidating.

Naglapat ang aking mga labi habang patuloy ko siyang pinagmamasdan, nanatili din namam siyang nakatitig sa akin na para bang kami lang dalawa ang tao sa loob ng conference room. Ang gwapo ni Piero. Hindi, mas lalo siyang gumawapo. Malinis ang kanyang mukha malayo sa duguang Piero na iniwan ko sa bulacan. Malayong malayo sa Piero na isang secret agent.

"Amary..." tawag ni Rajiv sa akin na nagpalabalik sa aking wisyo. Bumagsak ang tingin ko sa aking hita, marahan kong pinaglaruan ang aking mga daliri habang pilit na ikinakalma ang sarili para hindi ako maiyak.

"Aalis na lang ako" medyo pumiyok pang paalam ko kay Rajiv. Matalim niya akong tininganan.

"No. You'll stay here with me" giit niya. Ramdam ko ang iritasyon sa kanyang boses. Malakas ang kutob ko na pinaplano nila ni Mommy ito. Alam nilang nandito si Piero kaya naman gusto nilang ipamukha dito na gusto ko si Rajiv by giving him a lunch box.

Hahawakan pa sana niya ang kamay ko, maagap ko iyong itinaas sa ibabaw ng lamesa para hindi niya mahawakan. Hindi naman na siya nakapagprotesta pa ng may lalaking lumapit sa kanya at kinausap siya.

Muli kong inipon ang aking tapang para muling sulyapan si Piero, nagulat ako ng imbes na sa akin ay sa kamay ko siya nakatitig. Hindi lamang iyon basta titig, matalim ang tingin niya duon kaya naman bumaba din ang tingin ko duon. Kumunot lamang ang noo ko, muli akong tumingin sa kanya.

Muling nanginig ang aking kamay nang makita ko kung paano niya hinubad ang singsing sa kanyang kamay. Sumakit ang dibdib ko. Ginawa niya iyon habang diretso ang matalim niyang tingin sa akin na para bang may gusto din siyang patunayan.

"So do you like the presentation Mr. Herrer?" Tanong ng matandang katabi ni Rajiv. Pareho silang may katabing matandang lalaki na nakasuot din ng formal kagaya nila.

The Heartless Master (Savage Beast #2)Where stories live. Discover now