Napangisngis si Chris ngunit kinurot sya ni Bettina sa hita, "Isa, Chris!" pagbabanta nito sa kaniya, "Isa pa. Dito ka matutulog sa sala." pananakot nya sa kaniyang bhe dahil ayaw nitong tumigil sa kalalande.

Niyakap sya nito at ngunisuan, "Joke lang. Labyu, Birdie." panunuyo nito sa kaniya saka nagpakyut pa ang kaniyang bhe.

Napapalakpak si Dangdang at bumeso kay Jane, "Ayieee! Congrats Daks at Jane. Sana all may mahal." sabi nito habang kinikilig.

Umakbay si Chris kay Bettina, "Nasaan na ba kasi yung nireto ko sayong tall dark and handsome?" tanong nito kay Dangdang.

Biglang napanguso ang fake news ng taon, "Ehhh, tart." tumabi ito kay Bettina, "Nag cool off kami." sagot nito at nilukot ang ilong.

Tumaas ang kilay ni Bettina, "Niretuhan mo si Dang?" may asar nyang tanong kay Chris.

"Oo." sagot ni Chris at tinaas taas pa ang kilay.

Pumamewang si Bettina at hinarap ang fake news nyang kapatid, "At ikaw namang kerengkeng ka, pumatol?" inis nyang tanong dito, "Nagkajowa ka ng hindi mo man pinapakilala samin?!" dagdag pa nya at balak balak tsinelasin si Dangdang.

Ngumuso ulit si Dangdang at pinaglaruan ang hair, "Fling fling lang e."

"Fling fling." panggagaya nya rito saka nilakhan ang butas ng ilong, "Nakuu! Bat ka pa namin tinulungan kaninang bruha ka!" sabi nya at marahan itong sinabunutan.

Umiwas ito sa kaniya at umupo sa tabi ni Chris, "Bleh!" yumakap ito sa braso ng kaniyang bhe, "Tart si Kuya oh." pagsusumbong nito kay Chris.

Napatawa si Daks at binigyan ng maiinom ang jowa nyang yayamanin, "Pasensya ka na, mahal." inginuso nya ang tatlo, "Ganyan talaga sila." aniya at ma

Tinapik ni Bettina ang braso ni Chris, "Hoy, Chris! Wag kang makisali sinasabi ko sa'yo..." pinasingkit nya ang mga mata.

Tumayo si Chris at hinila si Dangdang, "Halika doon, Dang sa kwarto." aniya at nagtatakbo sila.

Ngumisngis si Dangdang, "Ihh tart! Sige ilock natin ang pinto!" anito at umakyat sila ng hagdan.

Napanganga si Bettina at natatarantang tumayo saka hinabol ang dalawa.

"S-Shuta kayong dalawa!" nanggigil nyang sambit at nagmamadaling humakbang sa hagdanan, "Pag-uuntugin ko kayo mga taksil!"

🌻🌻🌻

Kinabukasan, nadiligan nanaman si Bettina ng kaniyang bhe. Kaunting haplos lang sa kaniya nito ay tumitiklop na sya. Lalo na kung sa kaniyang pang upo ang haplos, hindi na sya makakahindi. Syempre dahil nangako sya sa mga mata nito sa pagligtas kay Dangdang na bruhilda naman.

Napagdesisyonan ni Bettina na magplano sa darating na birthday ng mag ama nya. Syempre kukuntsabahin nya ang kuya nya at naloka sya nang kasama nito ang syota nitong si Agrefena. Sa seven eleven ang meet up nila at mga umiinom ito ng lipton.

"My STBSIL, why did you call us ba?" maarteng tanong nito.

Nakasuot si Agrefena ng pulang off shoulders t-shirt at pulang wide leg pants, nakalugay lang ang itim at pakahaplos na buhok saka high block heels.

Nanlaki ang butas ng ilong ni Bettina, "Agrefena, ang Kuya ko lang naman talaga ang kailangan ko, sumama sama ka pa." inirapan nya ito saka tinignan ang suot nyang dalawa. Dapat pala um-out fit of the day sya.

Isang printed dress shirt na kulay pink ang suot nya at black boyfriend shorts saka slip on shoes na kulay pink at hindi mawawala ang kaniyang pink na micro bag saka ang clip na binigay sa kaniya ni Chris.

Switch Series 1: Constantly Yours,  Место, где живут истории. Откройте их для себя