CHAPTER 48

1.1K 47 9
                                    

Bhe&Birdie (2)

🌻🌻🌻

"Ay, may bwisita pala kami." masungit na sambit ni Bettina.

Magkaholding hands sila ng kaniyang bhe habang papasok ng kanilang bahay. Si Dangdang naman ay nasa gilid nya at ayaw ipatabi sa kaniyang bhe at chinachansingan ito. Pagkarating nila ng sala ay nakita nila ang isang dalaga naka bandage dress chanel ito ng kulay itim at flare heeled boots chanel may pouch rin syang chanel.

Napasingkit ang mata ni Bettina ng matapos nya itong ijudge sa isip nya. Yayamanin si ate ghorl. Mukhang endorser ng chanel at ano naman kaya ang ginagawa nito sa bahay nila?

Napataas ang kilay ni Bettina ng lumapit ang kaniyang bhe sa dalaga, "Hi, ako si Chris."

Tumaas ang sulok ng kaniyang labi ng makipagshake hands pa ang kaniyang bhe sa dalaga.

"My name is Jane." mahinahong pagpapakilala nito kay Chris habang magkahawak pa rin ang kamay nila.

Kitang kita ni Bettina ang panlalandi ng labi't mga kamay ni Chris.

Inayos pa nito ang buhok, "Nice to meet you, Jane. Single ka?" tanong ni Chris.

Kaagad syang nilapitan ni Bettina at inilayo kay Jane, "Anong single single. Tumigil ka Chris ha. Kababati lang natin." aniya at inirapan ang kaniyang bhe.

Napabuntong hininga si Chris, "Tinatanong ko lang naman." humarap ulit ito kay Jane, "Jane baka naman may ate ka?" tanong pa nito kaya napaataas ang kilay ni Bettina hanggang bunbunan nya.

Kinurot nya ang tagiliran ng kaniyang bhe at sinaway ito, "Chris!"

Ngumisi si Chris at dumikit sa kaniya, "Joke lang."

Napairap si Bettina at tinignan si Jane, ang laki naman kasi ng hinaharap nito. Kaya kung makatitig si Chris ay pawang nagugutom na sanggol. Napahawak sya sa kaniyang dibdib. Bakit, hindi pa ba sapat iyon kay Chris!

"Kuya!"

Napatingin sila kay Daks na masayang nakatingin sa kanila, may dala dala itong mga pagkain saka bihis na bihis ang kaniyang macho na kapatid.

Pinagkrus ni Bettina ang braso saka sila umupo ni Chris sa couch, "Sino sya Daks? Kilala mo?" tanong nya at naramdamang tinapik ni Chris ang kaniyang pang upo bago sila maka upo ng tuluyan.

Sinamaan nya ito ng tingin ngunit ngisi lamang ang isinukli sa kaniya nito.

Napakamot ng ulo si Daks at pinatayo ang dalaga, "Ah...Si Jane, girlfriend ko." pagpapakilal nito saka ngumiti sa kanila.

"Huh!" sumimangot si Chris.

"Omg..." napatakip naman sya ng bibig.

Nakangiting yumukod ng bahagya si Jane sa kanila, "Good evening po." magalang na bati nito.

"S-Shocks...turon-chi?" di makapaniwalang taning ni Bettina.

Aba, for the first time in forever ngayon lamang nagpapakilala si Daks ng babae sa kanilang familey. Infairness, magaling pumili si Daks ng jojowain. Kabog ang beauty ng lola mo.

Tumango si Daks, "Opo, Kuya." hinapit nito ang bewang ni Jane, "Mahal, si Kuya Bettina ko, si Ate Chris jowa ni Kuya, saka yung kapatid ko si Dangdang." pagpapakilala nito sa kanila.

Nagkatinginan si Bettina at Chris, Mahal? Sana all, Mahal!

"Nice to meet you all po." ngumiti ng matamis si Jane.

Tumingin si Chris sa dalaga, "Pero may ate ba si Jane?" tanong nito kaya mabilis itong hinarap ni Bettina.

Napatawa ang magjowa, "Meron po akong ate."

Switch Series 1: Constantly Yours,  Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt