CHAPTER 19

1.6K 71 14
                                    

Heartbreak (1)

Welcome back to me. Happy new year ghOrls! 🌻💕

🌻🌻🌻

Nakatungnga ang magkakaibigang sina Patricia, Eva at Bettina. Pawang pinagsakluban ng langit at lupa ang kanilang mga mukha. Hindi sila makapaniwala sa nangyayari sa kanila ngayon. Wala ni isa silang costumer at nandoon lahat, sa tapat ng kanilang salon.

Pabalik balik na naglalakad si Shakira sa harapan nila at iritableng iritable. Huminga sya ng malalim at masama silang tinignan.

"Shutadis. Hindi ko na keri!"

Hindi nila pinansin si Shakira at tinitignan ang mga staff nito na nag-aaya pa ng ibang costumers, pag may gustong pumasok sa kanila ay hinihila ito ng mga chaka. Napapamura ang mga bakla sa ginagawa sa kanila ng mga chakang vakla sa kabilang Salon.

"Mga Sis! Wake up! Tutunganga nalang ba tayo ditey?!" gigil na sabi ni Shakira at pumamewang sa harap nila, umirap sya ng hindi sya pansinin ng mga ito, "Edi kung ayaw nyo, atashi nalang ang sasabunot sa mga bulbul ng mga chaka na'yon!" agad syang hinila ni Patricia sa collar ng damit nya kaya medyo nasakal ang bakla.

"ACcKkkK!" daing nya at hinawakan ang leeg.

"Wag kang maasar dyan. Relax mo lang putotoy mo." kalmadong sabi ni Patricia sa kaniy.

"Pano ko i-rerelax?! Pat, ala pa tayong benta ni singkong duling!" halos umusok ang ilong nito sa galit.

"Hayaan nyo na."  napatingin sila kay Bettina, kumikibot kibot ang sulok ng labi ni Shakira.

"Shuta naman, Tina?! Anong hayaan?! Nananadya na sila!" napapikit sya ng mariin.

Biglang nagsalita si Eva, "Pati ba tayo mag-aaway away?" tanong nya sa mga kaibigan.

"Di ka kasali Eva, wag kang feeling!" inirapan ni Shakira si Eva.

Lingid sa kaalaman ng mga magkakaibigan na may humintong Lamborghini sa tapat ng kanilang Salon. Habang nagtatalo sila, pumasok ang hindi kilalang lalaki- este bakla sa loob ng kanilang Salon. Maarte itong naglakad kasabay ang tatlo nyang alipores na jupangpang.

"Bakit ba ang init init ng ulo mo? Nireregla ka ba hah?!" halos sampalin na ni Patricia si Shakira.

Dinuro nya si Pat, "Wala kang pakialam, nasusura ako sa mga pagmumukha nung mga bakla sa tapat nati--"

"Excuse me," may sumabad sa gilid nila.

"Edi dumaan ka, pakialam ko sayo." sabi ni Shakira ngunit nakatingin pa'rin ito kay Patricia.

"Err... I'm not here to fight."
i

tinaas pa nito ang dalawang kamay.

"Pakialam ko sa'yo. Sino ka ba?!" bulyaw ni Shakira dito at hinarap and nagsasalitang iyon.

"I'm Guinniverse, the owner of Magnificent Touch, which has, 100 franchise in the Philippines. And I believe, If you want to succeed in life, learn to work smarter and I thank you!" pagpapakilala ni Guinniverse.

Tumaas ang isang kilay ni Shakira, "Pakialam ko sa'yo, ang baho nyo!"

"Hoy! Victoria Secret lang naman ang perfume namin!" Angal ng isa sa alipores ni Gunniverse- si Joy.

Switch Series 1: Constantly Yours,  Where stories live. Discover now