Chapter 20

18 2 0
                                    

Note: Medyo mabilis na ang araw simula sa chapter nato siguro or next chapt. HAHAHAHA.

Chapter 20

Today is December 19. 5: 45 na ng hapon at hindi pa nagpapalabas ang prof namin. Grabe siya mag extend ng klase, huh? Isang oras, porket last day na to.

Magkikita dapat kami ni Neal sa Graceland dahil aalis na sila mamayang 3am papuntang Korea pero hindi ko siya matext na hindi pa nagpapalabas ang prof namin dahil deadbat ako.

"Okay, class dismissed." Parang nang hihinayang na sabi ng professor ng tumingin siya sa relo niya. Buti naman naisipan niyang tumingin sa relo, argh.

Pagkalabas na pagkalabas ng prof ay nagmadali na rin akong lumabas. Tinakbo ko na ang hagdan pababa at ang corridor makalabas lang ng hall na yon.


Nang makalabas ay dire diretso akong naglalakad habang pilit binubuksan ang cellphone kong kanina pa patay. Pero nabitawan ko iyon dahil may nakabungguan akong kung sino.

"Shit! Okay ka lang?" Tanong sa akin ng isang pamilyar na boses.


"Hala Ate! Im sorry." Gulat kong hingi ng pasensya sa kanya at tinulungan siyang pulutin ang laman ng bag niya.


"No, its okay." Ngiti niya sa akin at kinuha na ang iniabot kong huling gamit niya.


Siya yung babae na kinausap ni Neal para tulungan ako. Grabe nakakahiya. Hindi ko na nga matandaan ang pangalan niya tas nabunggo ko pa.


"Hey, Adi. Are you okay?" Lapit samin ni Neal kasama ang isang lalaki na siguro kaedaran ni Ate girl na nakabunggo ko.

"Kanina ka pa?" Tanong ko sa kanya pagkatapos tumango bilang sagot sa kanya.


Magsasalita na sana siya ng biglang tumawa ang kasama niya habang naka akbay kay Ate girl. Oh, anong meron?


"Send ko sayo sa messenger yung video, bro." Sabi nung lalaki sa kanya tsaka sila nag apir. Parang mga bata.

"Anong video?"

"Para saan?"

Nagkasabay naming tanong ni Ate girl sa kanilang dalawa.

Nagkatinginan si Neal at ang kasama niya. Halatang hindi nila alam pareho ang isasagot dahil ilang beses na binasa ni Neal ang labi niya indikasyon na hindi niya alam kung paano magsisinungaling at ang kasama niya ay inilaro lang ang dila sa loob ng kanyang pisngi.

Ang tagal nilang nakatanga at nakaka inip ang katahimikan namin apat kaya lumayo ako ng kaunti kay Neal saka siya mataman na tinignan. Si Ate girl naman ay tinanggal ang pagkaka akbay ni Kuya mong pogi den.

"We filmed you." Paliwanag nung lalaki saka lumapit kay Ate girl kaya napukol sa kanya ang tingin ko.

"Nakita kase namin na magkakabanggaan talaga kayo kaga vinideohan namin." Diretsong sabi ni Neal habang nakatingin sakin at nakangiti.

Inirapan ko siya at bumaling kay Ate Girl na nakikipag usap kay i-dont-know-his-name, or should I say, nag babangayan?

"Uhm, Ate? Sorry po talaga." Sabi ko sa kanya habang magkadikit ang palad at ulit ulit na nagbow sa kanya.


"Stop that. Its okay." Nginitian niya ako saka sumenyas na tigilan ang ginagawa ko.


Pero may hiya pa rin sa loob ko kaya inulit ko ulut ang ulit ulit na pagbow sa kanya at paghingi na sorry. Natigil lang yon ng nagsalita yung lalaki na hindi ko nga alam ang pangalan!


MS#1: My Way to Malolos CapitolWhere stories live. Discover now