Chapter 13

23 3 2
                                    

Nitong nakaraang dalawang araw laging sobrang busy sa duty, isabay mo yung Clinical Instructor namin makapagpa- lecture ay kala mong wala kaming ginagawa.

Kaya halos dalawang araw ng hindi ako makakain ng maayos, imbis na magpapahinga na lang ay hahabol pa sa nilelecture niya.

Dalawang araw na rin simula nung huling text sa akin ni Neal. Hanggang ngayon napapaisip ako kung pagpapatuloy ko pa ba yung nararamdaman ko sa kanya. Ngayon lang kasi ako nagkaroon ng ganitong pakiramdam. Hindi ko alam kung bakit, haha.

Konting pahinga lang siguro ang kailangan ko. Naghahalo halo na ang emosyon ko dahil sa pagod. Hays.

"Adi!" Sigaw ni Gwyneth. Sinundo niya ako dito sa hospital. Uuwi kasi kami bukas ng Malolos dahil may party ang friend namin sa bahay nila. At hindi ako papasok bukas, nakapagpaalam na ko sa Head Nurse at pumayag ito.

"Tara na." Sabi ko sa kanha at bumaba na kami.

Lumingon siya sa akin. "Maglalakad tayo?"

"Oo. Malapit lang naman." Sabi ko pero umiling siya.

"Gabi na."

Tumawa ako sa kanya. "Lagi naman akong naglalakad lang pauwi."


"Alam ba ni kuya?" Kinunutan niya ako ng noo.

"Kailangan niya bang malaman?" Tumawa ako ng peke.

"Akala ko kayo." Sabi pa niya sa akin.

"Hindi naman kami." Hinatak niya ang braso ko para magpantay kami.

"Gago? Di nga?" Umaandar nanaman ang pagkachismosa nito.

"Wala nga." Sabi ko sa kanya dahil naiirita na ko.

"Kaya niya ba hinalikan si Madie?" Epal talaga to minsan, e. Kailangan niya pa bang sabihin yon?

"Epal ka. May utang ka pang kwento sa akin, ano meron sa inyo ni Tyler?" Ibinaling ko sa kanya ang kwento para mawala sakin. Pero failed, tsk.

"Huwag mong ibahin ang usapan. Wala ba talagang kayo?" Nagtanong nanaman, tsk.

"Wala nga! Bakit ba?" Binalingan ko na siya.

"Wala wala. Wag na kaya tayong dumiretso sa bahay?" Sabi niya at parang natataranta.

"Gaga wala tayong masasakyan ngayon pa- Malolos." Tinawan ko siya.

"Kila tita tayo matulog?" Sabi niya at parang di alam ang gagawin. Ano bang problema nito?

"Loka. Malapit na tayo sa bahay niyo, e. Malayo pa yung sa tita mo."

Hinahatak hatak niya na ang damit ko, sign na namimilit na siya. "Dali na kase Adiiii!"

"Tigilan mo ko Gwyneth. Pagod na ko." Tinampal ko ang kamay niyang nakakakapit sakin.

Nilagpasan ko na siya para mauna ng maglakad. Gustong gusto ko ng mahiga.


"Adi kase bawal samin!" Tinakbo niya ako, ano bang problema nito?


"Bakit ba kase?" Nilingon ko ulit siya na nakakuyapit na sa akin ngayon.


"Andon si Madie!" Sabi niga at tumingin sa akin. Parang natataranta pa din.


"Oh ano ngayon? Wala nga kami ni Neal!" Hinatak ko na siya dahil ang bagal niyang maglakad.


Hindi na siya nagsalita at nagpatianod na sa akin. Pero napapaisip ako kung anong ginagawa ni Madie doon. Wala naman akong karapatang magalit dahil hindi naman namin bahay yon.










Nakapasok na kami ngayon sa gare nila Gwyneth ng hatakin niya ang kamay ko at bumulong.



"Papasok ba talaga tayo?" Sabi niya at parang hindi sure kung papasok ba sa sariling pamamahay nila o hindi.

"Bakit ba bawal kase?" Binulungan ko din siya ng matigil na.



"Naabutan ko kase sila kuya kanina na..." Huminto siya sa pagsasalita at lumingon sa pinto, nagdadalawang isip kung itutuloy ba ang sasabihin o hindi.

"Na ano?" Tinanong ko siya dahil ang tagal niyang sumagot.



"Nag gaganon." Sabi niya na parang nandidiri pa. Nilingon ko siya para kumpirmahin yung narinig ko. "Hindi naman sa ganon sitwasyon ko naabutan pero papunta na don." Dugtong niya pa.


Sinensyan ko lang siya na tumigil na. Tinanguan niya ako at itinuro na ang pinto parang nagsasabi na pumasok na kami. Tinanguan ko lang siya at naglakad na papuntang pinto.





Ako ang nagbukas ng pinyo kaya sa akin bumungad ang hindi magandang view.

Nakahiga si Madie at Neal sa sofa, magkayakap. Nakatakip lang sila ng kumot ngayon. Makikita mo sa sahig ang underwear ni Madie na nakakalat.




Naramdaman ko na hinawak ni Gwyneth ang kamay ko at bumulong siya sakin. "Sabi ko sayo wag na, e."

Nginitian ko lang siya ng pilit at at dahan dahan ng pumasok sa loob.

Kinalabit ako ni Gwyneth at itinuro niya ang kusina na nagsasabing kukuha lang siya tubig. Tumango ako sa kanya at dumiretso na sa hagdan.



Dahan dagan pa rin ang lakad ko dahil natatakot na baka tumunog ang suot kong sapatos dahil may heels iyon.




Pero baliwala din ang pagdadahan dahan na ginawa ko dahil naibagsak ko ang pinto ng isasara ko na.




Pagkatapos non ay narinig ko ang napakalutong na mura ni Neal mula sa baba.


Ini- lock ko kaagad ang pinto ng guest room na siyang tinutulugan ko. Itinext ko na rin sa Gwyneth na doon na lang siya sa kwarto niya.

Dumiretso na ako sa banyo at naligo. Pagkatapos ay humiga na sa kama. Iniisip ko pa din ang nakita ko kanina.

Wala akong karapatang magalit dahil walang kami. Oo gusto niya ako, pero hindi sigurado.

Nakakaidlip na ako ng may kumatok sa kwarto kaya napilitan akong tumayo.

"Bakit?" Tanong ko ng nasa may pinto na, hindi ko pa rin binubuksan dahil baka si Neal yon.

Walang sumasagot kaya binuksan ko ang pinto pero agad ako nagsisi na sana hindi na lang dahil tumambad sa harap ko si Neal, nasa likod niya si Neth na parang pinipigilan siya.

"Bakit ba?" Tanong ko sa kanya dahil hindi pa rin siya nagsasalita.


"Adi." Tinawag niya lang ang pangalan ko. "Bakit nga?" Irita kong tanong sa kanya dahil inaantok na ko at gusto ko ng matulog. At hirap na din akong magpigil ng luha dahil pagod na nga ako.

"Nakita mo... kanina?" Tanong niga sa akin na parang hindi sigurado kung itatanong niya ba o hindi.


"Oh ano naman sakin? Bahay niyo to. Kayo ang masusunod." Sabi ko at tinguan lang si Neth neth.

Isasara ko na dapat ang pinto ng iharang ni Neal ang kamay niya.

"Im sorry." Sabi niya sakin. At ang salitang iyon ang nagsilbing susi kaya bumuhos ang luhang kanina ko pang pinipigilan.

Napansin ko siyang nataranta ng sunod sunod na pumatak ang luha ko. "Okay lang." Binigyan ko aiya ng ngiti habang lumuluha pa din.

Unti- unti niyang ibinaba ang kamay kaya naisara ko ng tuluyan ang pintuan. Narinig ko pang sinesermunan ni Gwyneth ang kuya niya pero hindi ko na pinansin.

Humiga na agad ako sa kama at pumikit. Napapaisip kung bakit ganoon. Kung bakit masakit kahit hindi naman dapat. Kung bakit isang sorry niya lang, nabawasan yung sakit sa loob.



Bakit ang hirap maging matapang kung sa dulo rurupukan ko lang di naman?


To be continued.

MS#1: My Way to Malolos CapitolWhere stories live. Discover now