Chapter 8

17 2 0
                                    

Nakapikit pa rin ako at hindi makatulog. Babangon na sana ako ng naramdaman kong bumangon si Gwyneth. Magsasalita na sana ako ng marinig kong may pinapasok siya sa kwarto.



Ilang sandali lang, naamoy ko si Neal sa tabi ko. Kumapit na talaga sa ilong ko ang amoy niya.




"Neth? Bakit ganon?" Tanong niya kay Gwyneth habang nakapikit pa rin ako, nagkukunwaring tulog.



"Anong bakit ganon?" Rinig kong pabalik na tanong ni Neth.



"Bakit ganon reaksyon niya? May nabasag siyang baso kanina pero hindi siya ganyan." Nahihimigan ko ang pagtataka sa tono ni Neal.



"Kuya, hindi ko masabi kase hindi talaga ko alam kung tama bang ikwento sayo." Pinatay ni Nethneth ang TV. "Siguro ikaw na lang magtanong sa kanya."


"Hindi kami ayos, Nethneth."



"Hindi pa nga kayo pero nag- aaway na agad?" Medyo natatawang tanong niya kay Neak para siguro bawasan na rin ang seryosong mood sa loob.

"Naguguluhan ako sa kanya. Nung isang araw ang ayos niya sakin, tapos kanina ramdam ko agad na hindi niya ko gustong kasama." Sabi ni Neal. "Masyado niyang ginugulo ang utak ko."



Nagpaulit ulit sa tenga ko ang mga huling sinabi ni Neal.



"Kuya umamin ka nga sakin, ikaw ba may gusto kay Adi?" Biglang tanong ni Gwyneth kay Neal na nagpaubo sa kanya.


"Kailangan ako ni Madie, neth neth." Sagot niya. Bakit nasasaktan nanaman ako!?



"Okay. Lumabas ka na, Kuya. Matutulog na rin ako." Ani Gwyneth at humiga na rin sa tabi ko.



Wala ng naging sagot si Neal at pagsara lang ng pinto ang narinig ko.











Humarap ako kay Gwyneth ng masiguro kong kaming dalawa na lang talaga ng nandon.




"Ayos ka na?"

"Alam mong hindi ako tulog?"

"Napalunok ka kanina nung sumagot si kuya." Tawa niya.

"Ayoko ko na sa kuya mo, kay Madie na pala yon." Sabi ko na nagpatawa sa kanya.

"Hindi ka na titigilan ni Kuya, interesado na yon sayo ngayon."


"Close na close kayo no? Sa tagal nating magkaibigan hindi mo siya naikwento." Pag- iiba ko sa usapan.


"Di naman masyado." Napatango ako sa sagot niya.


Parehas kaming natahimik dalawa. Hindi ko alam kung bakit.


Nang tinignan niya ako, bigla ako nagsalita.

"Anong gagawin ko sa kuya mo? Gayumahin ko na ba? Kidnappin? Pikutin?" Bigla kong sabi sa kanya na nagpatawa sa kanya ng sobra.

"Kahit ano, Adi. Susuportahan kita, ayoko ko din kay Madie." Sabi niya na nagpatawa na din sakin.

"May plano ako!" Biglang sigaw ni Gwyneth.


"Peram akong cellphone mo." Nilahad niya saakin ang palad niya, inabot ko na lang sa kanya.

May kinalikot lang siya doon at pinagpipipindot habang nakangiti. Pagkatapos ay ibinalik niya sakin.

"Ano ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya.

Nagkibit balikat lang siya. "Pinalitan ko lang profile mo ng nakatwo piece ka nung last outing natin at nifollow ko na rin si Tyler sa account mo. Go with the flow ka na lang sa mangyayari, sis." Nginitian niya ako.

Tumango na lang ako dahil si Tyler lang naman yon.

"Tulog na. May duty ako bukas." Sabi ko at humiga na ulit.








Kinabukasan, alas sais pa lang umalis na ko sa bahay nila Gwyneth at dumiretso sa hospital.




Nagstart naman agad ang mga gagawin ko doon, hindi siya ganoon kabusy tulad mg sa BMC dahil public yon, ang hospital nila Nethneth ay private.



Sa Emergency Room ako naka- assign kaya hectic na agad umaga pa lang. Meron pa ngang mga studyante ang sinugod don kanina na mahigit bente, food poisoning. Kapagod.



Habang breaktime, ginagawa ko yung powerpoint ng org namin. Ako kasi ang na- assign don ng nagmeeting kami lastweek. Sa isang araw na ang deadline pero ngayon ko lang ginagawa.


Typical student, tsk. Sira na ang beauty ko sa kapupuyat, paano na mahuhulog sakin si Neal!?






Nang matapos ang duty, umuwi agad ako. Dumiretso na ako sa guest room kung saan ako matutulog ng dalawang buwan.


Nagbasa lang ako ng mga libro at notes habang nagpapa- antok, tinapos ko na rin yung powerpoint.



Balak ko ka sanang matulog ng biglang may nagdoorbell ng sunod sunod.


Lintek naman! Sino bang matino ang magdodoorbell ng ganitong oras! Nakakatamad kaya bumaba!


"Sino bang—" Ang tinatamad kong diwa kanina ay nagulat. Nice Adi, great choice of words, hays.



"Ya! Tabi diyan!" Sigaw sakin ni Neal na lasing at tinabig ako dabilan para humapas ako ng konti sa pinto. Gago neto a? Wala bang klase to bukas?

Ready na akong sigawan siya pero ng nilingon ko siya ay nakasalampak na siya sa sofa.

Umakyat ako sa taas at pumasok sa isa pa nilang guest room at kumuha ng kumot.

Kinumutan ko lang siya at umakyat na sa taas.






Kinabukasan, alas sais pa lang nag- aayos na ako ng sarili para hindi traffic dahil uuwi ako ng Malolos ngayon, may meeting kami para sa org.


Pagkababa ko sa kusina, nakita ko si Neal nagluluto. Taray ni crush, dapat topless. Hays.


Natigil lang ang pagpapantasya ko sa kanya ng humarap siya sa akin. Tinaasan ko lang siya ng kilay at dumiretso sa ref para kumuba ng tubig.


"Wala kang duty?" Tanong niya sakin.

Nginitian ko siya. "Wala. Arat! Date?"

"Busy." Sabi niya lang at tumalikod ulit para ickeck ang niluluto.

"Wews." Sabi ko at umupo sa lamesa.

"Lamesa yan hindi upuan." Sabi niya sakin at itinuro ang upuan.

"Yes, boss. Easy lang."

"Tsk." Walangyang to!

"Minsan sweet, minsan hindi. Gulo mo." Sabi ko sakanya at tumayo na.

"Girlfriend ba kita?" Tanong niya sakin. Sakit ses ha.

"Duh sabi mo kay Dean."

He chuckled. "For show lang yon. Asa ka."

"Bakit di natin totohanin?" Napangiwi siya kaya natawa ako. Ang cute niya lang.

"Kung aalis ka, umalis ka na." Sabi niya tsaka ako iginiya papalapit sa pinto.

"Sungit!" Sigaw ko ng makalabas ng kusina.

"Mana sayo!" Sigaw niya pabalik. Napangiti ako doon.

Tangina hulog na talaga ako sa isang Clyde Neal Carreon.



To be continued.

MS#1: My Way to Malolos CapitolWhere stories live. Discover now