Chapter 16

19 2 1
                                    

"Kumakain ka ba ng hepa?"

"Bakit? Libre mo ba?" Tanong ko kay Neal habang nagtatype dito sa loob ng Mcdo.

"Sugapa talaga kapag libre, e." Sabi niya tsaka ginulo ang buhok ko.

Hinawi ko lang ang kamay niya at nagtype na ulit. Last week na kase namin ng duty bukas tas sa next week non ay Case Presentation na.

Nirevise kasi ng adviser ko ang pinacheck ko sa kanya ko noong nakaraan, ineedit ko na lang.

Naisipan kong sa Mcdo malapit sa hospital ako magtype at tumambay, madalang kasi ang tao sa 2nd floor nila kaya doon ko naisipang gumawa, ang kaso lang ay nandoon pala si Neal kaya hindi gaanong peaceful dahil simula nung nakaraang linggo kila Ali ay dumaldal na siya.

"Para saan ba kasi yan?" Pangatlong beses na niyang tanong sa akin yan. Ang pinagkaiba lang ay ngayon ay kumakain siya.

"Case Presentation ngaaa." Sabi ko tsaka tumigil muna sa pagtatype at pumikit. Ang sakit na rin ng mata ko kasi.

"Inom muna." Tinulak niya papalapit sakin ang inorder niyang McFloat kanina.

Umiling ako at dumukdok sa lamesa. Kung kelan naman kase kami na tsaka pa ako naging busy, ugh.

"Ako na magtatype?" Tanong niya sa akin at hinawi ang buhok na nakatakip sa mukha ko at dumukdok na rin sa lamesa kaharap ko.

Tinawanan ko siya at umayls na ulit ng upo. "Kumain ka na lang, may gagawin ka pang plates."

Tumango lang siya at kumain na ulit habang pinapanood ko siya pero maya maya lang ay dumaldal na ulit.

"Alam mo bang hirap na hirap si Tyler sa plates?" Sabi niya at tsaka tumawa. Nadala na rin ako sa tawa niya kaya hindi ko na tinuloy ang ginagawa ko.

"Kaya hindi siya nagliligalig ngayon?" Tanong ko sa kanya tsaka kumuha sa fries niya at sumubo.

"Oo. Tanga e." Sabi niya tsaka pinitik ang noo ko. Nitong nakaraan nawiwili na to kakapitik e.

"Inaano ka ba?" Sabi ko tsaka binato ng fries na hawak ko.

Naging sunod sunod ang bato ko ng fries sa kanya kaya panay ang salag niya sa mga yon.

Huminto lang ako ng naramdaman kong sumasakit ang tyan ko kaya napahawak ako doon. Napansin iyon ni Neal kaya nagtanong agad siya.

"Ayos ka lang?" Tumayo siya sa upuan niya at umupo sa tabi ko. Tinanguan ko lang siya at bumaluktot ng kaunti para mabawasan ang sakit ng sikmura ko.

"Kumain ka na ba? Ulcer?" Sabi niya habang nililigpit ang mga gamit ko at isa isang nilagay sa bag ko. Mag- aaya to umalis, panigurado.

"Acidic po." Sabi ko sa kanya at saka nagpa cute kahit masakit ang sikmura. Sesermunan ako nito.

"Nice. Acidic pero nakailang bote ka ng kape kanina." Ani Neal at pinitik ulit ang noo ko.

Nginitian ko lang siya na nagpailing sa kanya. Tumayo na ulit siya at saka tinawag ang  crew ng Mcdo na nasa may amin. Humingi siya ng walis at dustpan dahil wawalisin niya ang binato kong fries sa kanya kanina.

Nahiya naman ako kaya kinuha ko sa kanya ang walis pero binawi niya din agad at pinaupo na lang ako. Sinamaan niya lang ako ng tingin pero tinawan ko siya at hindi nakaramdam ng takot.

Siguro kung hindi ko siya kilala at sinamaan niya ako ng tingin ay mababangag agad ang buntot ko. Talagang nakakatakot ang tingin niya.

Naalala ko pa nung nakaraang inuman kila Ali makatapos magwalk out ni Madie ay bigla na lang sumama ang tingin sakin ng mga kaibigan niya. Handa na sana akong magsalita pero bigla silang umiwas ng tingin at yumuko, yun pala ay masama ng nakatingin sa kanila si Neal.

MS#1: My Way to Malolos CapitolWo Geschichten leben. Entdecke jetzt